Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 22 - Chapter 21: Emergency

Chapter 22 - Chapter 21: Emergency

IYA

Antok na antok pa ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Ruled by instinct, dinampot ko ang cellphone sa may study table saka tiningnan ang oras.

2: 25 AM.

Ugh! May sunog ba? Bakit nagkakagulo yata sila?

Pinilit kong alisin ang antok sa mga mata ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Si Hilda. Iyong katulong na kauna-unahan kong naka-encounter sa lugar na 'to. Nakasimangot s'ya at matatalim ang tinging ibinibigay sa akin. Bago pa ako makatanong ng bakit ay rumarantsada na ang bunganga n'ya.

"Hindi mo ba alam na kanina pa ako katok nang katok dito? " halos pasigaw na tanong n'ya.

"May problema ba? Kung may problema sabihin mo kaagad. Katulong ka lang dito. Huwag mo 'kong sigawan na parang utang na loob ko sa'yo ang buhay ko, " malamig pa sa madaling araw na wika ko. Ang kapal naman ng mukha ng nilalang na 'to para bulyaw-bulyawan ako. Hindi kasama sa kontratang pinirmahan ko na pwede akong sigaw-sigawan, utus-utusan o bulyawan ng mga katulong sa tinamaan ng lintik na lugar na 'to.

Napatda si Hilda. Hindi n'ya yata inaasahan na sasagutin ko s'ya ng ganoon. Sino ba namang matutuwa hindi ba? Ang sarap-sarap na ng tulog ko,  tapos bubulyawan n'ya lang ako ng ganito? Kung hindi importante ang ipinunta n'ya eh ano bang trip n'ya?!

"What? For pete's sake alas dos pa lang ng madaling araw. Kung nandito ka para man-trip pwede ba huwag ako? " hindi ko na itinago ang pagkainis sa boses ko. Adik ba ang isang 'to at napaka-high naman yata. Alas dos ng madaling araw?! Alas dos! Santisima. Kinalabog n'ya ang pintuan ng kwarto nang alas dos ng madaling araw. Pambihira! Abnormal na nga ang mga kaklase ko pati ba naman ang mga kasambahay ng magaling kong nanay!?

"S-si Wella, d-dadalhin sa ospital. Magbihis ka na, paalis na sila Mam. Yung anak ni Mang Kaloy ang maghahatid sa'yo sa ospital, "

What? It's that serious tapos isiningit n'ya ang pagiging epal n'ya?!

"Anak ka naman ng tipaklong. Napaka-emergency naman pala nang nangyayari tapos uunahin mo pa ang panenermon mo sa akin?! Tinamaan ka naman talaga ng magaling. Ah-ah! " nagmamadaling tinalikuran ko na si Hilda na bigla na lang natulala sa sinabi ko. Oh bakit? Totoo naman diba. Mas inuna pang magpabibo kesa gawin ang dapat n'yang gawin. Nagmamadali akong naghalungkat ng maisusuot na damit sa drawer. Heavens! Hindi pa ako nakakapamili ng mga damit!

Hay naku! Napakagaling mo talaga Maria Delaila. Kaya ka nga pinabibili ng mga damit nang magaling mong nanay dahil sa mga sitwasyong kagaya nito eh.

Nagkukumahog na hinanap ko iyong pinakabagong skinny jeans na isinuot ko noong first day of school at iyong white shirt na v-neck. Dali-dali akong naglinis ng katawan, nagbihis sabay dampot ng jacket namin sa school at lakad-takbo na akong umalis sa maid's quarter.

Naabutan ko sa harapan ng mansyon si Aleng Loleng. May katabi s'yang lalaki na palagay ko ay nasa early twenties ang edad.

"Iya ito si Carl, anak ni Mang Kaloy. Carl, ito si Iya. Pamangkin ni Mam Wendy."

Nginitian ko si kuya. Ganoon din ang ginawa n'ya. Lumabas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay n'yang ngipin. Ang cute din ng biloy n'ya na hindi naman kalaliman. In fairness ha, gwaping ang panganay na anak ni Mang Kaloy.

"Hintayin mo na lang ako dito Iya. Iiikot ko lang ang sasakyan, " ani Carl na tinanguan ko lang. After a minute ay nasa harapan ko na ang sasakyan.

Mabilis lang ang naging byahe namin. Makwento si Carl. Nalaman ko tuloy mula sa kanya na charitable person pala ang magaling kong nanay. Tatlo silang magkakapatid at lahat sila ay pinag-aaral nang magaling kong ina. Third year college na si Carl at kumukuha ng electrical engineering. Ang kapatid na sumunod dito ay grade 11 at grade 8 naman ang bunso. Ang sinabi ko lang sa kanya patungkol sa sarili ko ay malayong kamag-anak ako ng magaling kong nanay. Na maswerte lang ako na ka-blood type ko si Wella kaya nagkaroon ako ng opportunity na makapag-aral dito sa City X.

"Alam mo mababait 'yan sila Mam Wella. Ang gusto lang nila suklian din ang kabaitan nila."

Hindi ako nagkomento. Gusto kong ngumisi ng nakakaloko pero pinigilan ko. Medical expenses ni lola ang nakasalalay eh. Baka mapalayas ako ng wala sa oras mahirap na. Hinayaan ko lang magkwento nang magkwento si Carl. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa ospital. Kaagad akong dinala ni Carl sa laboratory. Kailangan daw munang masiguro na safe gamitin ang dugo ko. Medyo kinabahan tuloy ako. Anak ng pating, bakit ngayon lang nila naisipang i-lab test ang dugo ko? Paano kung may makita silang hindi maganda? Paano kung...

Hindi. Hindi. Hindi.

Healthy ako okay. Healthy ang pangangatawan ko. Healthy ang mga buto ko. Ang buhok ko. Ang dugo ko. Ang lahat-lahat. Hindi pa ba ako magiging healthy eh laki ako sa bukid. Kapag naubusan kami ng bigas na take note 'organic', eh puro kamote ang kinakain namin and again 'organic '. Lahat ng damo este gulay na kinakain ko sa bukid ay puro mga organic kaya imposibleng magkaproblema ang dugo ko sa katawan.

Twenty minutes kaming naghintay bago lumabas ang result. And next thing I know, nasa operating room na ako at tinuturukan sa braso para kuhanan ng dugo. Nasa kabilang higaan si Wella. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maawa sa kanya. Ang putla-putla n'ya at parang lalong namayat. Ayokong isipin na kinakarma na si Wendy kaya ito nangyayari sa anak n'ya. Ayokong isipin ang ganoon dahil wala namang kinalaman si Wella sa atraso nang nanay n'ya sa akin at sa pamilya ko. At dahil sa ganitong oras ng madaling araw talaga mahimbing ang tulog ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang kinukunan nila ako ng dugo.

Sana sa pamamagitan ng dugo ko ay gumaling na kung ano man ang karamdaman ni Wella.

___________

Halos dalawang oras din akong nag-stay sa ospital kanina. Pakiramdam ko id-drain na ng mga nurse lahat ng dugo ko. Kahit nakatulog na ako ng ilang oras, nahihilo pa rin ako. Sinabi naman ng doktor ni Wella ang mga posible kong maramdaman. Niresetahan n'ya ako ng mga gamot para mabawi ko agad ang lakas at mga dugong nawala sa katawan ko.

"Beshy, bakit hindi tayo magluluto ngayon. Hindi ba mamayang lunch pa ang date n'yo ni Iker babes?"

Kahit mahilo-hilo ay nagawa pa ring magtaka ng isipan ko. Paano nalaman ng mga ito na may usapan kami na kakain kami ni Iker ng magkasama mamayang lunch?

"Ikaw ha. Puro ka secret. Kaya ba late ka na ngayon? Paano pa tayo magluluto ng ititinda n'yan? Akala ko ba magpapayaman tayo? "

Nakikini-kinita ko pa ang pagkaka-pout ng mga labi ni baklita. Napailing na lang ako na kaagad ko ring pinagsisihan dahil parang idinuduyan ang ulo ko.

"Huwag ka ngang ano. Nag-text ako sa inyo kaninang alas dos hindi mo man lang ba na-recieve? Iyong tatlo nag-reply sa akin na okay lang daw, " tukoy ko kila Ces, Yana at Sue.

"Ano ba kaseng nangyari? "

"Kwento ko later sasakay na ako sa jeep, " hindi ko na hinintay ang sagot ni Josefa. Pinindot ko na ang end call saka isinilid sa bag ang phone ko. Dali-dali na akong sumakay sa pinara kong jeep. Nakatulog pa ako ng ilang oras kanina sa tinutuluyan ko. Nakalimutan kong mag-alarm dahil sa sobrang antok at feeling ko pa, pagod na pagod ako. Mabuti na lang at naalimpungatan ako. Tsk. Sana naman hindi matraffic. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang first subject namin.

Hindi ako mapakali habang nakatingin sa labas ng jeep. Ayokong magkaroon ng late na record. Haist. Bahala na nga.

Dali-dali na akong bumaba sa jeep ng huminto iyon sa gate ng school.

Kakaunti na lang ang mga tao na nasa labas ng classroom. Malamang nasa loob na sila. Gusto ko sanang tumakbo kaya lang mas lalo akong nahihilo. Dahan-dahan na lang ang paglalakad na ginagawa ko hanggang sa hindi ko na kayang pigilan ang pag-ikot ng paligid. Kainis.

Bakit naman ayaw makisama ng katawan ko?

Naupo ako sa nakita kong bench sa loob ng campus saka mariing pumikit. Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay lalo lang yatang lumala ang hilong nararamdaman ko. Mas pinili kong pumikit na lang ulit. Just a minute. Grabe, may dugo pa ba ako? Nag-enjoy naman yata sila masyado sa pagkuha ng dugo ko. Baka nakakalimutan nilang may susunod na transfusion pa.

"Miss, okay ka lang? "

Kahit ang pakikinig sa nagsasalita ay parang ang hirap gawin. Feeling ko bingot 'yung nagsasalita. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Anak ng tokwa bakit ang blurred nitong kaharap ko? Tao pa ba 'to?

"Miss? "

"Miss? "

Ungol na lang ang naisagot ko dahil hindi ko na talaga kayang tagalan si kadiliman na kumakaway sa akin.

JOSEA's POV

Hindi ko mapigilang kagatin ang hintuturo ko. Ano ba kaseng nangyari kay Iya girl? My gee, my heart will explode talaga dahil sa nerbyos. Sabi n'ya kanina nasa jeep na s'ya. Ilang subject na ang lumipas. Lunch break na later. Ginalugad na namin ang buong campus kaninang recess pero ni anino n'ya hindi namin makita.

"Hindi kaya nag-d-date na sila ni Iker? " tanong ni Herlene na inilingan ko lang. She would have tell us.

"Not possible. Sabi n'ya kanina nagpunta s'ya sa ospital. Bakit s'ya nagpunta sa ospital? " say ni Yanang Tuwid ang katawan na kanina pa din ikot ng ikot.

"Eh nasaan na s'ya? I'm sure may masamang nangyari sa kanya kaya hindi s'ya nakapasok, " tanong kong naa-afraid para kay Iya girl.

Hindi kaya tinuluyan na s'ya ni Iker? My gee! Baka naman kase pakitang tao n'ya lang ang date kunyari nila pero ang truth nun, naghahanap lang talaga s'ya ng tyempo para ipa-salvage si Iya girl. Oh my gee! Lihim akong napausal ng panalangin because kinilabutan ako sa nai-imagine ko. Knowing Iker, it's possible right? Knows namin na true monster talaga si Iker de Ayala. Kung hindi lang dahil sa abs n'ya hindi ko naman s'ya mamahalin at tatawaging babe. My gee! Iya girl what happened to you ba?!

"Sana naman hindi s'ya ipinapa-salvage ni Iker, " hindi ko mapigilang sambitin. Nagpaikot-ikot kaming dalawa ni Yana sa unahan ng classroom. Humihinto lang kami kapag magkakabungguan na. Gaya-gaya si ateng, kaloka. For the 10th time na magkakabungguan kami, I iwas again. Ako naman palagi ang umiiwas.

"Huh? Sinong ipapa-salvage ni Iker? "

Sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan. Kung hindi lang dahil sa pagkawala ni Iya, baka maglupasay na ako sa labis na kaligayahan ngayon. Sino ba naman ang hindi liligaya kapag nakakita ng mga fafah na nakakapagbigay buhay sa dugo? Syete! Hindi pa nga ako nakaka-move noong first day na nakita ko silang magkakasama. Ngayon heto na naman sa harapan ko sila Fafah Duke, Aj, Jaire at Iker Babe. Rawr! Ang sarap nilang lapain, my gee! But hey, why nga ba sila nandito? Ibabalik ba nila ang walang buhay na katawan ni Iya girl?!

"Bakit kayo nandito?! " hindi ko na napigil ang bugso ng damdamin ko. What can I do? My beauty is so stressed! What if sila nga ang salarin kung bakit nawala si Iya girl?What do I do sa yummylicious nilang braso at abs kung wala naman si Iya girl. "Anong ginawa n'yo kay Iya? Ilabas n'yo s'ya ngayon din! Nasaan s'ya? " hindi na ako nagdadrama as of the moment dahil I'm so afraid para kay Iya girl. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak at pagsigaw sa kanila. Wala akong paki kung pangit akong umiyak! I just want to know kung nasaan ang Iya girl namin. She's making us alala ng bongga. My goodness!

"What? "

"Ilabas who? "

"Sinong nawawala? "

"Iya? What happened to her?! "

And before my beautiful self could even react. Nakita ko na lang ang maganda kong self na tinutubuan ng pakpak dahil umaangat na ako mula sa sahig. I mean, no! OH MY GEE! It's not my magical wings! It's Iker's strong and sexy arms... na teka lang. Bakit n'ya ako kinukwelyuhan at bakit para s'yang papatay ng tao?! Super strong n'ya pala talaga. Gusto ng mag-heart shape ng mapupungay kong mga mata but I kennat. Mas overwhelming ang takot na nararamdaman ko.

"Where is she? What happened to her?! " tanong n'ya looking like a monster ready to devour me any moment from now. Oh my, oh my. Please be careful with my heart. Virgin pa ang puso ko pati ang kissable lips ko. Who can blame me habang iniisip ang mga bagay na 'to? I'm not being a pervert here. Nagpapaka-praktikal lang ako. Who knows ngayon ko makuha ang first kiss ko?

"IVAN!!! Anong ginagawa mo kay Josefa?! "

Sabay pa kaming lumingon sa pintuan ni Iker dahil pareho yata kaming hindi makapaniwala sa pangalang itinawag sa amin. At muli na namang pumatak ang masaganang luha mula sa mga mata ko ng makita ko si Iya girl na nasa harapan ng pintuan. Part of me is really hopeful na may magaganap na kissing scene and other part is so glad fo see her dahil ibig sabihin noon ay mabubuhay pa ako ng matagal sa ibabaw ni mother earth. My gee. Bakit ba I'm so full of kalandian?!

Habang nararamdaman ko ang pagluwag nang pagkakahawak ni Iker babe sa kwelyo ko I look at Iya girl. Inaalalayan s'ya ng isang magandang babae. And ayoko man tanggapin. Maganda talaga s'ya. Mas maganda kesa sa akin. Gusto ko sanang sumigaw ng tulong kay Iya girl pero mabilis na akong nabitawan ni Iker babe. Haist. Dahil binuhat n'ya ako, sige na, babe pa rin ang itatawag ko sa kanya.

Huwag ka ngang tsunga. Kwinelyuhan ka n'ya, hindi ka binuhat gagah!

Hmp! Kung pwede ko lang irapan ang isang bahagi ng isipan ko ginawa ko na. Tumayo ako ng maayos. Ipinagpag ko sa kanan ang balakang ko, pagkatapos ay sa kaliwa. Just making sure. Mahirap maglakad na bali ang mga hips. Ayokong magmukhanng palaka.

"Besh---"

"What happened to you? Why the hell you look so awful?"

Bigla akong nag-freeze sa kinatatayuan ko. Hindi ko sure kung iiyakan ko ba o titilian ang scenariong nagaganap ngayon sa harapan namin. Bakit sapo-sapo ng mahal kong si Iker ang mukha ng beshy ko? Oh-em-gee! Is this kataksilan?! Iker babe, why are you doing this? Do you really have to cup my beshy's face?

"Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Kala mo naman pinagtaksilan ka! " natatawang sambit ni Ces sabay sabunot sa rebonded kong buhok. Pakialamera naman ang babaeng 'to sa pag-i-emote ko eh.