IYA
"What happened to you? Why the hell you look so awful?"
Muntik na akong magka-heart attack nang biglang ikulong ni Ivan ang mukha ko sa mga kamay n'ya. Anak ng tokwa! Anong ginagawa n'ya?! Hindi n'ya ba alam na napakadelikado para sa puso ko ang ginagawa n'ya?
"Well, natagpuan namin s'ya sa pathway papunta sa building na 'to and then she collapsed. Dinala namin s'ya sa Infirmary at pinagpahinga muna s'ya ng mga nurse. It's no big deal. You're all welcome, "
Lumingon ako sa babaeng tumulong sa akin. Nagpasalamat na ako sa kanya kanina pero ang sabi n'ya hindi thank you ang kailangan n'ya dahil model daw ang hinahanap n'ya. Isa s'ya sa mga fashion design student ng Senior Year. Hindi ko na rin s'ya napigilan ng ipasuot n'ya sa akin ang uniform na mas pinaganda ang yari at tabas. Ang project design daw kase nila this week ay revised school uniform. Uniform ng Allejo de Ayala Academy ang ginawa n'ya. Mas elegante at sexy ang dating ng gawa n'yang uniform. Luckily kasya sa akin ang tinahi n'ya.
At bilang sukli daw sa kabutihang loob n'ya, kailangan kong maging model n'ya. Naipalaam na n'ya sa faculty na gagawin n'ya akong woo-doo-doll kaya naman hindi ako mapapagalitan kung ang isuot ko ay ang mga damit na ginagawa n'ya. Every friday of every week, kailangan ko daw irampa ang mga project na tatahiin n'ya. Ni hindi pa nga ako sumasagot ng oo o hindi sa dinidemand n'ya may mga kung anu-anong schedule na s'yang ibinigay sa akin. Sabi pa n'ya na I don't have to fret dahil hindi naman daw ako sa runway rarampa. Iyong paglalakad ko raw sa buong school habang suot-suot ang mga designs n'ya ay sapat na. Hindi ba parang nakakailang pa rin iyon? Iilan lang ba kaming magsusuot ng mga damit ng mga fashion design student? Hindi ba't mapupunta sa amin ang atensyon ng lahat?
"What's with her uniform, Claud? " isa sa mga tropa ni Ivan ang nagtanong. Noon lang din n'ya napansin na kakaiba ang suot ko kaya naman binitawan ni Ivan ang mukha ko saka tiningnan ang ibang parte ng katawan ko. Saka ko lang na-realize na wala pala s'yang pakialam sa bagong uniform na suot-suot ko.
"Hey, de Ayala. Don't you find her more appealing after wearing my master piece?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ivan at sa babae. Ano nga ulit ang pangalan n'ya? Sa sobrang sosyal kase ng tunog noon, nakalimutan ko na. At dahil parang normal lang ang pag-uusap nila may kutob akong magkakilala na sila.
"She always look appealing to me, "
Hanudaw?!
Pakiramdam ko hindi na laway ang nalunok ko. Para akong nakalunok ng time bomb na sasabog anumang oras dahil sa narinig ko.
Narinig ko ba talaga iyong narinig ko o naghahallucinate lang ako? Baka naman wala ng dumadaloy na dugo sa utak ko kaya parang hindi na iyon gumagana ng normal.
"Now tell me, bakit ka dinala sa Infirmary? "
Napatitig na lang ako sa nilalang na kaharap ko. I saw something on his eyes. Muli kong ipinikit ang mga mata ko saka iminulat iyon ulit. Tama bang nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata n'ya? For real?. Talaga pa lang napakasamang matuyuan ng dugo ano?
"Kung masama pa rin ang pakiramdam mo bakit lumabas ka na kaagad sa Infirmary? " tanong n'ya na naman. Parang nagagalit pa iyong tono ng boses n'ya.
Teka nga, wala naman sa kagustuhan ko ang mahimatay. Kainis talaga ang nilalang na 'to. Hindi ba n'ya alam na sa ginagawa n'ya umaasa na naman ako sa isang himala? Tsk. Muli akong pumikit saka pinakalma ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpapaapekto sa nararamdaman ko. Dapat nga diba? Kontrolado ko na. Bakit ba bumubuway na lang palagi ang disposisyon ko sa tuwing nakikitaan ko s'ya ng kakaibang emosyon?
"Okay lang ako. Konting hilo lang," sabi ko kay Ivan saka nagbigay ng matipid na ngiti. Lihim kong ipinapanalangin na sana, naging cold na lang s'ya. Parang mas maganda rin kung umasta na lang s'ya na wala s'yang pakialam sa akin. Binalingan ko ang babaeng naghatid sa akin sa classroom. "Maraming salamat ulit. Nasa iyo na ang phone number ko hindi ba? Text mo na lang ako kapag kailangan mo na ulit ang serbisyo ko, " and serbisyo means...magmomodel ako para sa mga designs n'ya kapalit ang hindi rin kaliitang halaga bukod pa sa may utang na loob ako sa kanya. Hindi ko naman irarampa sa catwalk ang mga designs n'ya. Isusuot ko lang iyon habang nasa school at kailangang maging malaki ang impact noon sa mga estudyante.
"Hey, are you really okay? "
Lumingon ako kay Ivan dahil hindi na talaga maitago ang pag-aalala mula sa boses nya.
"I'm fine. Salamat sa pag-aalala. Sorry kung hindi kita ulit masasamahan sa pinagkasunduan natin, "
Kung pwede lang eh, hindi ko talaga s'ya sasamahan. Malakas kase ang pakiramdam kong malalagay na naman sa peligro ang feelings ko. Minsan tuloy naiisip ko, tama ba talagang pinagtagpo pa kami ulit ng tadhana? Matapos n'yang ipakita kung gaano kalayo ang agwat namin sa isa't-isa. Sana pinabayaan na lang nila akong inaalagaan sa puso ko ang dalawang buwang mga ala-ala. Kahit na kapag nangyari nga ang bagay na iyon ay hindi na iyon madaragdagan pa, okay lang. Atleast may memories akong iniingatan. Hindi kagaya nito. Nasa iisang lugar nga kami. Nagkikita at nagkakausap. Hindi ko naman alam kung paano ako kikilos ng naayon sa nararapat.
"You owe me one lunch, "
Huminga ako ng malalim. Okay I give up. Kailangan ko na talaga s'yang bigyan ng isang matinong lunch 'date' para matigil na ang kalokohang 'to.
"Sure, " walang kabuhay-buhay kong sagot.
Nagpunta na ako sa upuan ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase kong may kanya-kanyang hawak na cellphone at ewan ko kung sino ang kinukunan ng pictures.
"Okay deal. Isang buwan kang kakain ng lunch na kasama ako. No more what ifs, no more buts, "
Napanganga na lang ako sa sinabi n'ya. Anong isang buwan?! Isang araw lang ang utang ko diba?!
Ano ba talaga ang gustong palabasin ng Kumag na 'to? Hindi ba n'ya maramdamang gusto ko s'yang iwasan. The less interaction na magkakaroon kami, the better! Haist! Tinamaan ka talaga ng magaling Ivaannn!!! Gusto ko sana s'yang bulyawan, bugbugin at ilampaso sa sahig pero nakaalis na silang lahat.
"What?"
Pinanlakihan ko ng mga mata ang mga kaklase ko. Dahil para na rin lang silang mga timang, sila na lang kaya ang pagbuhusan ko ng maraming frustrations ko sa buhay? Nakakainis na sila. Ang sarap ng dukutin at durugin pagkatapos ang mga mata nilang kung makatitig ay bongga.
"Ang ganda-ganda mo girl. Halika at aayusan pa kita ng bongga, "
Inirapan ko lang si Josefa. Isa pa to eh. Ito ang unang nilalang na ilalampaso ko sa sahig eh.
"Tell me, ano ba talaga ang meron sa inyo ni Iker babe? "
Muli ko lang itinaas ang kilay na kabababa ko lang kanina. Seryoso? Manhid ba talaga s'ya para hindi maramdamang ayokong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon?
Hindi naman sa hindi ako kinilig sa pag-aalala n'ya kanina. Pero c'mon! Alam ko naman na langit at lupa ang pagitan naming dalawa. Kung anuman ang namagitan sa amin noong mga panahong nakatira s'ya sa bukid kasama ang pamilya ko, hanggang doon na lang iyon. Isang masayang alaala na palagi kong aalalahanin at dadalhin sa puso ko. Paasahin ko lang ang sarili ko kung bibigyan ko ng kahulugan ang lahat ng makikita ko kay Ivan.
"Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babae na pinag-ukulan n'ya ng atensyon? " tanong ni Yana habang seryosong nakatingin sa akin.
"Pasalamat ka sa beauty mo, Sweety, " anaman ni Ces sabay kindat sa akin.
Gusto ko na talagang kalbuhin ang sarili ko sa sobrang stress. Bakit ba ang hirap-hirap para sa kanila ang makaintindi?!
"Tumigil nga kayo d'yan. Hindi n'yo ba nakita, mas bagay sila noong babaeng nagligtas sa akin, " sabi ko na lang para manahimik na sila.
"Yeah. Yeah. Sofia Claudette Montreal. S'ya ang top one na may pinakamagandang mukha dito sa campus. Alam mo ba 'yun? Bukod pa sa mayaman naman talaga s'ya. Pero malabong maging sila ni Iker babe. Hindi n'ya type ang baby ko, " ani Josefa na ikinakunot-noo ko.
"Malabong maging loveteam sina Iker babe at Claudette dahil for your information Miss. Manhid, si Duke ang type ni mamah Claudette. Mula grade 7 daw ay nanliligaw na si Claudette kay Duke, "
Nawalang bigla ka Ivan ang atensyon ko.
Seryoso? Iyong ganda n'yang 'yun, s'ya ang nanliligaw sa lalaki?
"Hanggang ngayon, nanliligaw pa rin s'ya? " bigla tuloy akong na-curious. Gandang-ganda talaga kase ako kay Claud.
"Ang alam ko nag-lie low na s'ya. May usap-usapan kase na may girlfriend daw sa malayong lugar si fafah Duke, " sagot ni Josefa.
Ouch. Parang mas masakit yata 'yun ah.
"Girl, bakit mo naman tinanggihan ang lunch date na inaalok ni Iker? Sabi mo magpapayaman ka, hindi mo ba naisip na mas jockpot kung magiging boyfriend mo siya? Bukod dito sa school, marami pa silang pag-aaring negosyo, "
Napatingin ako kay Heiley. S'ya at ang mga tropa n'yang 'mini skirts' ay pawang mga nakatingin sa akin.
"Gusto kong pagsumikapan ang perang kikitain ko, " seryosong wika ko na tinawanan lang ng mga ito. Syempre isa lang iyon sa mga dahilan. Alangan namang aminin ko ang tunay kong nararamdaman hindi ba?
Kung ang suliranin ay kaseng dali lang ng iniisip nila, papatayin ko ba 'tong feelings ko na 'to na mahigit isang taon ko ng inaalagaan?
"Girl, 'yang mukhang 'yan na ang puhanan mo oh. Bakit magpapakahirap ka pa? " naiiling na tanong naman ni Amanda.
"Hmm. Since nakuha na n'ya si Iker de Ayala, burahin na natin s'ya sa listahin ng mga lalaking bibingwitin natin. " si Jenelyn.
"Iker, lagyan ng ekis 'yan. Duke, ekis. Aj.. Pwede pa 'to. Jaire, ekis. "
"Teka nga Angielyn, bakit mo nilagyan ng ekis si Jaire?! " nanlalaki ang mga matang tanong ni Herlene.
Napakunot-noo ako at tinitigan ang notebook na pinagkukumpulan nila. Seryoso bang listahan iyon ng mga lalaking bibingwitin nila?! Napailing na lang ako. Kung ganoon lang kadali ang lahat pagdating sa mundo ng pag-ibig. Bakit may nabo-broken heart pa rin? O hindi naman kaya... Ang mga taong kagaya nila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng lamat ang relasyon ng mga magkasintahan?
"Bakit naman hindi eh sampu na ang syota nun? Sa lahat yata ng magagarang school dito sa Siudad may syota s'ya, " ani Angielyn.
"Eh ano naman? Wala pa s'yang syota dito okay. Kailangan isa man lang sa atin ang maging syota n'ya, "
Napailing na lang ako sa topic ng magkakaibigan. Palihim na lang akong nanalangin na sana magising na sila sa kalokohang naiisip nila. Tsk. Tsk. Tsk.
"Mag-isa ka. Ayoko ng polygamy, "
"Baliw syota pa lang naman. Nagiging polygamy lang 'yun kapag maraming asawa. Marami s'yang girlfriend pero wala pang asawa. Ang ano neto, "
"Pareho lang 'yun."
Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ang lalakas ng mga boses nila? Pakiramdam ko mapupunit na ang ulo ko dahil sa lakas ng pag-uusap nila. Huminga ako ng malalim saka lumingon kay Josefa na kanina pa nangangalabit.
"Anong plano? Binili ni nanay lahat ng mga nilista mo Beshy. Nasa Kitchen na lahat, " aniya sa napakaamong tinig.
"Okay, let's cook everything later. Nangako si Ms. Montreal na bibilhin n'ya ang kalahati ng lulutuin natin," muntik ko ng makalimutan. Sinabihan ko nga pala ang magandang babaeng 'yun na hindi ako makakapasyal sa buong school dahil magluluto ako mamayang lunch break at magtitinda naman kami ng mga niluto namin sa afternoon recess.
Kaya ang naging sulusyon n'ya, bibilhin n'ya raw ang kalahati ng mga lulutuin ko at ipapasyal n'ya ako mamayang hapon sa campus ng Senior High na sinang-ayunan ko na lang.
"Wow. Hindi lang pala mga kaklase natin ang magiging costumer natin kapag nagkataon," excited na wika ni Yana.
Napailing na lang ako sa kanya. Honestly, hindi naman s'ya mukhang nauubusan ng pera at kabang yaman kaya nagtataka ako kung bakit masyado s'yang pursegidong magtinda ng kung anu-ano.
"Yes. At mamayang hapon, sasamahan n'yo na akong mamili ng mga damit ko ha. Muntik na akong mapahamak kahapon sa tiyahin ko eh,"
Sabay-sabay na lumingon ang apat kasama na si Sue sa akin na kanina pa nananahimik.
"Anong meron?"
"Bakit ka naman mapapahamak? "
"'Wag na lang kayong magtanong ng kung anu-ano. Basta ang masasabi ko lang, binigyan n'ya ako ng perang pambili ng mga damit para hindi naman daw ako magmukhang tagabukid. So ayun, tama naman s'ya hindi ba?" Hindi ko na idinetalye ang tunay na kwento at ang madramang kwento ng buhay ko. Wala naman akong balak ipaalam iyon kahit na kanino.
"Rich,"
"Hard,"
"Taray,"
"Mmm,"
Isa-isa ko silang tiningnan dahil sa mga naging reaksyon nila. Tsk. Heavens, I should be thankful I have them now as friends. Tuluyan na akong pumikit at hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.