IYA
Okay Iya...
Focus.
Capital F. O. C. U. S!
FOCUS!
Mag-focus ka babae!
Hindi porke't narinig mo s'yang tumawa ay pahihintuin mo na rin ang tibok ng puso mo. Huwag ka ngang syunga! Nagpapakamatay ka ba o nababaliw ka na?
Okay, inhale.. Exhale. Kalma lang ha. Kumalma ka utang na loob! Papatayin ka na nga ng kandila at nang ala-ala ng mangkukulam na beshy ng lola mo, pati ba naman sa tawa ng Kumag na iyan nagpapaapekto ka na rin?!
"I can't believe you're still afraid of her, " dama ko pa rin ang tawa mula sa pagsasalita ni Kumag. Bigla tuloy akong nagising sa kung anumang panaginip na kinasasadlakan ko. Akala n'ya ba nakakatawa 'yun? Kung hindi ko lang nararamdaman ang mahigpit n'yang hawak sa kamay ko noon, malaki ang posibilidad na hinimatay na ako.
"At nakakatawa 'yun ganun? " pinilit kong ibalik ang taray sa boses ko. Thankfully, umobra naman dahil may narinig naman akong katarayan sa boses ko. Hindi nga lang ganoon ka-effective pero at least, hindi naman 'yung tonong naiiyak ako.
"No. Not funny at all." seryoso n'yang sagot. "But it's cute, "
Napalunok ako. Na naman. Kapag kasama ko ang kumag na 'to parang wala na akong ibang kayang gawin kundi ang lumunok at lumunok lang. Nalunok ko rin yata ang magaling kong dila dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan ang birada n'yang iyon ah. Talagang hindi ko inasahan 'yun. Imagine, ang tahimik at malabatong si Ivan Kerwin...nagsasabi ng cute?!
"You act so tough pero sa ilong ng matandang 'yun halos maiyak ka na sa takot. Haha, "
At muli na namang huminto ang mundo nang marinig ko ang tawa niya. Feeling ko, sinasadya na ng lalaking 'to ang pagtawa-tawa n'ya dahil alam n'yang hindi ako makakapalag eh. Wala man lang akong kalaban-laban, pambihira.
"Ha. Ha. Ha. Tawa ka pa mga bente, " pilit kong nilagyan ng inis ang boses ko pero hindi ako sure kung successful ba. Pilit ko ring itinatago ang ngiting gustong-gusto ng umalpas sa mga labi ko. Hindi ko naman kase talaga magawang mainis lalo na at ngayon ko lang naman s'ya narinig tumawa. Noon kaseng mga panahon na magkasama kami, mukha talaga s'yang estatwa na ang kaya lang gawin ay kumunot ang noo at magalit. Maybe something good happened to him kaya marunong na s'yang tumawa ngayon?
J
Natahimik si Kumag. Tahimik rin naman ako dahil hindi talaga gumagana ang utak ko ng mga sandaling 'to. Epekto yata ng amoy ng kandila. Hindi na basta iyong kandila lang ang problema ko ngayon dahil maging mismong amoy na nanggagaling doon ay naghahatid na rin ng kilabot sa buong pagkatao ko.
Pambihira naman talaga. Sisilaban ko ang mga magagaling kong kaklase kapag nakalabas ako ng buhay dito eh. Hahabulin ko talaga sila ng kandila mamayang paglabas ko.
"Sorry, "
Napalingon akong bigla kay Ivan. Magkatabi kaming nakaupo habang nakakapit pa rin ang mga kamay ko sa braso n'ya. Hindi ako lumilingon sa mga kandila. Sa kanya lang ako nakatingin. Delikado kase kapag lumingon ako sa paligid. Pakiramdam ko magliliparan ang mga iyon at bigla na lang mag-uunahan patungo sa direksyon ko ang mga hinayupak na kandila. Ayokong mangyari 'yun.
"Sorry saan? " sa pagtawa sa akin dahil talaga namang nakakatawa ako? Well, bukod sa akin sino pa ba ang takot sa kandila? Ano ba ang tawag sa taong may phobia sa kandila? O sorry dahil nakalimutan n'yang hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kandila?
"Well, for starter sorry for not saying goodbye."
"..."
Natahimik ako.
Hindi ako makaimik dahil ano naman ang isasagot ko hindi ba? Parang kanina lang iyon ang ipinagsisintir ko. Iniisip n'ya rin pala ang tungkol sa bagay na iyon.
Biglang bumalik sa ala-ala ko 'yung araw na umalis s'ya sa bahay. Dumating ako noon buhat sa school. Excited pa ako dahil marunong na akong gumawa ng siopao. Hindi ko na s'ya naabutan. Gusto ko sanang tanungin si lola kung bakit hindi man lang ako hinintay pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko naman na wala ako sa posisyon para kwestyunin ang bagay na 'yun. Kahit si Trii, hindi n'ya magawang mag-celebrate na s'ya ang kakain ng dalawang siopao dahil wala na ang kaagaw n'yang si kuya Ivan n'ya. At si lola, dama ko ang lungkot ng mga sandaling kinukwento n'ya na nagpaalam na si Ivan. May magarang kotse raw na sumundo dito.
"I guess it's for the better. Isipin mo na lang kung anong itsura ko habang umiiyak na nagpapaalam sa'yo diba? " natatawa kong biro. Pero aminin ko man o hindi magagawa ko talaga ang bagay na iyon sa harapan n'ya kung nagpaalam s'ya. Hindi naman talaga madaling magpaalam sa taong naging parte na ng buhay mo. Na kahit sa kaunting panahon lang ay naging bahagi ng buhay mo. Nang malaman ko kay lola noon na umalis na s'ya for good, palihim akong umiyak habang mag-isang nag-iigib sa bukal noon. Wala naman talaga sa plano ko ang umiyak pero iyong mag-isa lang akong naglalakad pababa sa ilog, biglang-bigla ko na lang s'ya na-miss.
Wala ng umaagaw ng bitbit kong balde. Wala na ring umaalalay kapag nadudulas ako. Wala ng tumitingin na masama at nagsasabing 'weak' kapag nakikita nya akong nakahandusay sa ilog.
"W...w...w-ill you cry? "
Mukhang hindi n'ya inaasahan ang sagot ko dahil bigla na lang s'yang nautal sa pagtatanong n'ya.
"Syempre. Wala na akong kasama sa pag-iigib at pangangahoy eh, "
Natahimik na naman s'ya ulit.
"I'm sorry about your grandma," makalipas ang mahabang katahimikan ay muling sambit n'ya.
"Ganoon talaga ang buhay. She's in coma. Pero alam ko naman na makaka-recover s'ya. She's one of the strong woman I know, " sabi ko na para bang mas sinasabi iyon sa sarili ko kesa sa kausap ko. "Kamusta pala iyong mga nantrip sa'yo? Pakalat-kalat pa ba? "
"Nah, I already taught them lesson. They will never do it again, "
Natahimik ako. Wala na akong maisip sabihin. Good for him.
"Ahm... hindi ako nakapagbaon ng lunch. " ako ang unang hindi nakatiis sa katahimikan ng paligid. "And it's so nice na makita ka ulit, " at sincere ako sa sinabi ko. Sana lang hindi n'ya bigyan ng kakaibang meaning. May kung anong kakontentuhan akong nadama ng makita ko s'ya the first day na dumating ako sa bagong lugar na 'to. Kahit na nagbangayan kami, mas lamang pa rin ang ang tuwang naramdaman ko that time. Siguro kahit na palagi naming pagsungitan ang isa't-isa, hindi ko pa rin maiaalis sa sarili ko na nakahinga ako ng maluwag nang makita ko s'ya sa bagong mundong gagalawan ko.
"It's my treat but then... nakalimutan ko sa pagmamadali, "
Natahimik na naman kami. Marahil dala ng pagkatakot ko sa kandila kaya wala rin akong maisip sabihin. Nakaka-mental block naman talaga kapag ang kaharap mo ay ang mga bagay na kinatatakutan mo hindi ba? Bukod pa doon, nakaka-mental block din lalo na kung kinakain ka ng kaba. Iyong tipong mag-aalala ka kase baka naririnig na pala ng katabi mo ang malakas na pagkabog ng dibdib mo.
"Ah---
"Ba---
Sabay pa sana kaming magsasalita nang bigla na lang bumukas pabalya ang pintuan. Wahhhhh! Liwanag! Liwanag! Liwanag! Nakakakita na ako! Mabilis akong tumayo at humarap sa pintuan. Hindi ko na napansin ang pagkadismaya sa mukha ni Iker nang alisin ko ang mga kamay ko sa braso n'ya.
Gusto ko sanang magtagal pa ang tagpong iyon, pero kung mananatili pa rin kami sa napaka-creepy namin na classroom. Mas gugustuhin ko na lang na lumabas. At isa pa, nakapagdesisyon na rin ako. Hindi magandang ipagpatuloy ko kung anuman ang nararamdaman ko para kay Ivan. Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Hindi kami magka-uri. Masyado s'yang mataas abutin. Hindi ako ang nababagay sa kanya.
Alam ko naman na mahihirapan akong supilin kung anuman ang nararamdaman ko. Dahil naalagaan ko na. Masyado ko siyang iningatan sa puso ko. Pero iyon ang dapat. Hindi ako dapat mawala sa focus. May mas importanteng bagay pa akong dapat unahin.
"Boss! Ang lunchbox n'yo, "
Nagmamadali pang inabot nang dalawang estudyante ang dalawang lunch box. Dali-dali din silang umalis pagkalapag sa table ng mga baunan.
"Let's do it again tomorrow. I'll choose the place, promise there won't be any candles and creepy stuff. Here. Eat your lunch, " iniwanan ni Iker ang isang baunan at dinala naman ang isa pa.
Nang makarating s'ya sa may pintuan ay muli s'yang lumingon. Ibinuka n'ya ang bibig n'ya pero walang kahit na anong salita na lumabas mula doon. He closed his mouth and exited the room. Napakunot-noo tuloy ako. Ano kayang gustong sabihin ng lalaking 'yun?
Nang mawala na sa paningin ko si Ivan ay dali-dali kong kinuha ang baunang iniwanan n'ya pagkatapos ay sumunod din ako sa kanya sa labas.
Hindi ko na namalayan na... Ivan na ulit ang tawag ko sa kanya at hindi na Kumag. Baka epekto lang ng pagsosolo namin. Mamaya n'yan or bukas o baka sa mga susunod na araw... may posibilidad na Kumag na ulit ang itatawag ko sa kanya.
Nang makalabas ako ay nakita kong nagtambak sa hallway ang magagaling kong mga kaklase. Anlalawak pa ng ngisi ng mga loko. Akala yata nakakakilig ang sinet-up nilang silid. Hindi nila alam mangiyak-ngiyak na ako sa takot.
"Sobrang na-miss n'yo ba ang isa't -isa at nakalimutan n'yo talaga ang pinaka importanteng bagay sa lunch date n'yo? " nakangising tanong ni Yana.
"May nakalimutan ba sila? " patay malisyang tanong naman ni Ces.
Hindi ko na lang pinansin ang mga bruha. Ngayong nawala na sa paningin ko ang mga kandila at amoy-kandilang silid, napalitan na ng gutom ang takot na naramdaman ko kanina.
"Uyyuyoy! Saan ang punta n'yo? "
Mula sa pagkain ay inalis ko ang pagkakatingin ko saka tiningnan ang dalawang estudyante na nagdala ng lunch box kanina. Papasok sana sila sa classroom pero pinigil sila ng grupo ni Peter.
"M-may nakalimutan si Boss Iker sa loob, "
"Ganun ba? Kuhanin n'yo ng mabilis at gusto na naming pumasok sa loob, "
Patakbong pinasok ng dalawa ang silid aralan namin. After fifteen minutes ay lumabas silang dala-dala ang mga kandila.
"Teka nga, mga kandila namin 'yan ah, " angal ni Josefa na nakapamewang pa.
Kandila pala nila yun ah. Kung ganoon, sinadya pala talaga nila akong dalhin sa dungeon para maayusan nila ang classroom. Ganda ng pagkakaayos ah. Pwede nang manalo sa best classroom kung ang kategoryang paglalabanan ay "The Most Creepiest ". Pambihira naman, hindi ba nila alam kung ano ang pinagkaiba ng romantic sa creepy? Kawawa magiging jowa ng mga taong 'to.
"Pinakukuha ni Boss Iker. For souvenir daw, " halos hindi magkandaugaga ang mga ito sa pagdadala ng sandamakmak na mga kandila.
Sari-saring hiyawan na naman ang narinig ko. Hindi ko na lang pinansin. Muli kong itinuon sa pagkain ang buong atensyon ko. Malakas ang kutob ko na itatapon ni Ivan ang mga kandilang iyon. Sobrang nakakaawa siguro talaga ang itsura ko kanina kaya siguro naisip n'yang ipakuha.
How sensitive. Sana lahat.
Pero wait, kung malalaman ng magagaling kong mga kaklase ang pagkakaroon ko ng phobia sa mga kandila. Baka sa halip na itago nila ang mga kandila ay lalo lang nilang ipakita iyon sa akin. No way. No, no way! Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa bagay na iyon.
"Tell him, welcome, " ani Josefa sa tonong nakakaurat pakinggan.
Gusto ko tuloy s'yang batukan sa pagpapa-cute na ginagawa n'ya. Welcome-welcome! Sira talaga 'tong mga 'to. Akala yata super nag-enjoy ako sa mala-Halloween na ayos nila. Sarap pagbabatukan ang mga baliw na 'to!
"Teka nga Iya, bakit kanina ka pa nakasimangot d'yan? Hindi ka ba nag-enjoy sa date n'yo? Hindi ka man lang ba magt-thank you sa effort na ginawa namin? " nakapamewang na tanong ni Josefa.
I gave him a smile that looks like a grimace.
"Thank you your face." inirapan ko s'ya sabay subo ng huling shanghai. Nagmuka na nga akong eng-eng sa harapan ni Ivan, dapat ko bang ipagpasalamat 'yun!? Hindi ba nila alam na sa ginawa nila ay naalala ko lang ang mga bagay na hindi ko na dapat pa naalala? Dahil kase doon umaasa na naman ako eh. Tsk.