IYA
I really can't believe this. How on earth a thing as precious as this exist? Ilang taon na ako dito sa Academy pero ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa mapang ito. Palagi kami ng grupo ko sa naturang building kaya naman alam ko kung saan itong secret passage na tinutukoy dito patungo sa Kitchen Dungeon. Kilala ko lahat ng mga landmark na naka-highlights sa mapa. Although hindi ko pa nadadaanan ang mga lihim na lagusang nakasulat, alam kong hindi peke ang isang 'to.
"Maaga pa naman kaya walang ibang tao dun." Muli kong ibinalik kay Iya ang mapa.
This girl is really something. Magaan ang loob ko sa kanya. Maangas ang dating n'ya at kahit na medyo aloof s'ya sa amin, nakikita ko naman na nagsisikap s'yang pakisamahan kami.
Lumang school ang The Ruins. Ayun sa mga tsismis na kumakalat, isang prestihiyosong paaralan ang The Ruins 50 years ago. Maraming magulang ang nagreklamo sa school kaya naman ipinasarado iyon at napabayaan na. Ginawa iyong head quarters ng iba't-ibang grupo ng mga gangster. Kasama na kami doon. Sa lawak ng naturang premises, may kanya-kanya kaming teritoryo doon.
Kaya lang...
Ayon dito sa mapang ibinigay ni Iya, ang secret passage patungong Dungeon Kitchen ay mula pa sa fifth building, ground floor. Kung hindi pa pumapalya ang memorya ko ang lugar na tinutukoy dito ay ang pinakamalaking building sa lahat. At iyon ay pag-aari ng grupo ni Iker.
They're no gangster pero gustong-gusto nilang nakikipag-kompetensya sa amin.
"Mahihirapan tayong makapasok mula dito," napapaisip na wika ko. Palaging may bantay sa lugar na iyon. Hindi papayag ang isang Iker de Ayala na maisahan s'ya ng kahit na sino.
"Bakit mahirap?" Nakakunot-noong tanong ni Iya.
Napatingin ako sa kanya at isang brilliant idea ang biglang kumalembang sa isipan ko. Oo nga pala. I almost forgot. We have a very deadly weapon here.
"But since kasama ka namin. Palagay ko naman ay mababawasan na noon ang hirap," pabirong wika ko saka binuksan ang kinakalawang na gate. Kung sa labas titingnan ang naturang lugar. Wala talagang makakaisip na iyon ay tambayan ng mga gangster at minsan naman ay mga taong walang magawa sa buhay. It look so ruined outside pero kapag pumasok ka naman sa loob, mapapanganga ka dahil ang bawat building na mukhang bukbukin, inaanay at matutumba na anumang oras ay na-renovate na pala sa loob.
Ilang building ang nilagpasan namin bago kami nakarating sa harapan ng isang lumang-luma at may kalakihang building. Nakapagtatakang walang bantay.
Hmm, walang bantay. Ibig sabihin, ang lugar na ito ay punong-puno ng mga hidden camera at bago ka makapasok ay kailangan muna ng password.
"Pero ano naman kaya ang ipa-password ng isang Iker de Ayala para sa teritoryo n'yang hindi pa napapasok ng kahit na sino?" Mahinang tanong ko, not intending to let them hear it pero hindi ko napansin ang pagtitig ni Iya sa akin.
"What about his birthday?"
Napalingon kaming lahat sa kanya. Heh, at naisip n'ya talaga 'yun? Sinong maswerteng nilalang ba ang may alam ng birthday nang taong 'yun? Ni mga kasama n'ya yata sa grupo walang may alam. They never celebrated his birthday.
Lumapit sa pintuan si Iya at dinampot ang tila sirang telepono. May kung ano s'yang sinabi doon at maya-maya pa ay tumaas na ang bakal na pintuan.
"Let's go?"
Nakataas pa ang kilay n'ya habang tinatanong iyon. Ang yabang ng dating pero lalo lang tumaas ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. How did she do that? Talaga bang wala silang kahit na anong relasyon ni de Ayala?
"Anong sinabi mo?" Curious na tanong ni Josefa. Iyon din ang gusto kong malaman.
"His birthday," napaka-kaswal pa ng pagkakasabi n'ya.
"You knew?!" Sabay-sabay na bulalas namin nila Ces at Josiah. Si Sue na hindi naman pala-imik at bibihira ding makakitaan ng kakaibang reaksyon ang mukha ay nakanganga at nanlalaki ang mga mata.
"Tara na nang makapagluto na tayo. Yana, lead the way,"
Hirap na hirap pa akong humakbang. Really. This girl is really above the norm. Palagi n'yang sinasabi na wala silang relasyon ni Iker pero ang layo naman ng ikinikilos nila sa nakikita namin.
Muli kong tiningnan ang mapa. Nasa pangatlong kwarto ang naturang secret passage. I started counting the rooms. Hindi nila inayusan ang sirang building. Akala ko pa naman kakaibang interior design ang makikita ko pagpasok. Tambakan lang pala ito ng mga basag na semento at inaamag na mga kahoy. Nakaawang ang pintuan ng pangatlong kwarto. I open it at tumambad sa harapan namin ang isa pa uling tambakan. Tambakan ng mga sira-sirang silya.
Inilibot ko sa silid ang paningin ko. At mula sa gilid ay nakita ko ang sira-sirang book shelf na nasa tamang lugar kung saan ito nakapwesto sa mapa.
Nagtungo ako sa tabi ng shelf at in-arrange ang mga lumang libro na nasa loob. Nothing happened.
"Patingin," inagaw ni bakla ang mapa mula sa kamay ko. "My gee, I don't understand a thing," inabot n'ya kay Ces ang mapa na kaagad nitong ibinigay kay Sue.
Ilang segundo lang iyong tinitigan ni Sue. Naglakad s'ya patungo sa shelf at inayos ang libro based on the year kung kailan iyon na-published. Nang matapos s'ya ay umatras s'ya ng kaunti.
Isang minuto yata ang matuling lumipas pero wala pa rin kaming nakikitang pagbabago.
"I'll try," ani Iya.
Inabot ni Sue sa kanya ang mapa. Pero bago pa iyon matingnan ni Iya ay may narinig na kaming kung anong tumutunog sa loob ng shelf. Parang sementong nagkakalampagan na para bang may kung anong ina-allign sa loob. After seconds of waiting, kusang gumalaw ang shelf at tumambad sa harapan namin ang isang sementadong hagdanan pababa. May kalaparan ang passage at pwedeng pumasok ng sabay ang dalawang tao.
"Congrats Sue," tinapik ko pa sa balikat ang napakatahimik kong kaklase. Ang tagal na naming kaklase ang isa't-isa pero never kaming nagkaroon ng pagkakataong magkakilala o magkasama ng personal. Ngayon lang.
Hindi na rin masama.
Ngumiti s'ya ng kimi na para bang ikinahihiya n'ya ang talentong meron s'ya.
"I-it's n-not a b-big deal,"
"Sus! Wag ka na ngang pa-humble d'yan. Halika na!" si Ces ang humila kay Sue at sila ang unang pumasok sa madilim na daan. Nang makapasok kaming lahat ay kusang sumarado ang sementadong pintuan.
"Ang dilim,"
"Wala akong makita,"
"Baliw, madilim nga diba. Ano ka pusa para makakita sa dilim,"
"Saan ba ang daan papuntang dungeon kitchen?"
"Wahhhhh!!!"
Sabay-sabay pa kaming napasigaw ng makarinig kami ng kung anong kaluskos. Maya-maya pa ay nagliwanag ang paligid. Amazed na amazed na napatingin kami sa mga sinaunang lampara na nakadikit sa wall na isa-isang nagliwanag.
Sinundan namin ang liwanag hanggang sa makarating kami sa malawak na bahagi ng underground. Mula doon ay may nakita kaming lima pang passage na may kanya-kanyang pintuan.
The Ruins Central.
Dungeon Kitchen.
Black Market.
Arena.
The Lost Mansion.
Isa-isa kong binasa ang mga pangalang nakalagay sa itaas ng bawat passage. Marahil daan iyon patungo sa mga lugar na nakasulat sa pader. Ang The Ruins Central, wala pang nakakapasok doon. Ang Black Market at Arena ay naririnig ko lang sa daddy ko saka sa mga tauhan n'yang nagtutungo doon. The Lost Mansion? Never heard before. Anong lugar ba itong pinasok namin? It's like going to another dimension and discovering something so important.
"Alam kaya ng jowa mo ang tungkol sa lugar na 'to?" Hindi ko mapigilang itanong kay Iya.
Pinagtaasan n'ya ako ng kilay ng magtama ang paningin namin.
"Sabi ko nga hindi mo s'ya jowa," sumusukong sabi ko. Bakit ba namin pipiliting umamin ang taong ayaw ngang umamin?
"Boyfriend n'ya lang. Ang sagwa kayang pakinggan kapag jowa," ani Josiah. Kumakalembang ang balakang na nauna na itong naglakad papasok sa passage na patungo sa Dungeon Kitchen.
Sumunod kaming apat sa kanya.
"Sosyal oh. May elevator din," nakangising itinuro ni Josiah ang elevator sa harapan n'ya.
Hindi na kami nagulat sa nakita namin dahil kagaya lang din iyon ng nakita namin kahapon. Pumasok kaming lima. At kumpara sa byaheng ginawa namin kahapon, medyo matagal kaming nakatayo sa elevator. It took us ten full minutes before the elevator finally came to a stop.
"May palagay akong nasa underground lang ng de Ayala Academy ang Dungeon Kitchen," ani Ces.
Sinang-ayunan naming lahat ang sinabi n'ya. May kalayuan naman talaga sa Academy na pinapasukan namin itong The Ruins. Thirty minutes din ang byahe mula doon pagtungo dito sa de Ayala Academy. So short cut ang dinaanan namin?
Tahimik na lumabas ng elevator si Iya. Isa-isa naming inilapag ang mga plastic bags na dala-dala namin. Si Iya ang mag-isang kumikilos. Pinaghiwa-hiwalay n'ya ang mga ingredients na hindi ko naman mawari kung ano.
"Josefa, pakibalatan 'tong mga saging,"
Sabay-sabay kaming napalingon kay Iya. Sino si Josefa?
"O bakit na naman?"
"May multo ka bang kasama Beshy? Sinong Josefa ba ang hinahanap mo?"
"Multo? Bakit, multo ka ba?" Pagbabalik tanong ni Iya na muntik ko ng ikasamid kahit na wala naman akong kinakain.
"Josefa? Me? Girl, I'm Josiah. Not Josefa,"
"Just the same to me. O hala, magbalat ka nito," inilapag ni Iya sa tapat ni Josiah ang isang malaking sako bag ng saging. Hindi kaya mali ang ginawa naming pakikipagsosyo dito kay Iya? Mukhang gagawin n'ya lang kaming alipin eh.
Hindi nakapalag si Josiah. Napasimangot na lang ang bakla. Ako naman at si Ces ay hindi napigilan ang paghagalpak ng tawa kahit na deep inside ay kinakabahan ako.
"Magbilog-bilog ka nito Yanabelle,"
Ako naman ang napakunot-noo. Is this girl talking to me? Yanabelle? Who on earth is Yanabelle?!
"O, rereklamo ka din? May masama ba sa Yanabelle?"
I swallow hard. She's frightening. Lalo na kapag tumitingin na s'ya ng may kasamang panlilisik. Hindi ko alam na adik pala s'ya sa pagbibigay ng palayaw.
"Bilog-bilog lang?" Tanong ko sabay lunok. Wala naman akong choice diba? Paano kung magsumbong kay Iker ang babaeng 'to? Di nalintikan ako sa boyfriend n'yang 'yun. Buti kung malilintikan lang. Baka pati buong angkan ko ipabura noon sa mundong ibabaw.
"Ganito kalalaki," nagpakita pa s'ya ng example. It's kinda easy.
"Sue, paghiwa-hiwalayin mo 'tong wrapper na gagamitin natin sa turon. Alam n'yo ba kung ano ang turon?"
"Oo naman. Palaging may tinda nun sa canteen," Ani Ces.
"How much?"
"Twenty each," panabay na sagot ni Josiah at Ces. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano 'yung turon na pinag-uusapan nila. Puro pasta, frappe, sandwiches and salads lang kase ang ino-order ko dun.
"Anooo?!"
Halos matulig ang tenga namin dahil sa ginawang pagsigaw ni Iya.
"Bente?! As in bente isa? Ilang saging ba ang nakapalaman dun?"
Kaloka. Nakakagulat ba talaga ang presyo nun? For me, twenty pesos is nothing.
"Isa't kalahati? Kase tatlong biyak eh. So kung yung dalawang biyak ay isang piraso ng saging, sa tatlong biyak... it's one and a half," saad ni Josiah na nagsimula na sa pagbabalat ng saging. "Tama ako hindi ba? " parang bigla din s'yang naging diskumpyado sa sagot n'ya.
"Bente, 'di pwede nating itinda ng kinse 'yung sa atin?"
"Kinse? Why make it cheaper than the canteen's product?! We'll make it 30!"
Halos lumuwa ang mga mata ni Iya dahil sa sinabi ni Josiah.
"I agree," segunda ko naman. "Kapag nalaman ng lahat na ang nagluto ng mga pagkaing ito ay girlfriend ni Iker, kahit singkwenta pesos pa 'yan hindi sila magdadalawang isip na bumili,"
"Bakit ba ang titigas ng ulo n'yo? Hindi ko nga s'ya boyfriend! Sige, ibenta natin ng 25. Pero sa 25 tayo ang magdedeliver ng mga orders nila,"
Napakamot na lang ako sa ulo. Wala namang nagrereklamo kahit ibenta pa namin ng singkwenta isa ang turon na pinag-uusapan namin. Sa takot na lang sa akin ng ibang estudyante sa school na 'to. Bibili at bibili sila ng panindang ititinda ko. Hindi na lang kami nagreklamo o kumontra pa. Baka mamaya maging monster ang babaeng 'to, delikado.