IYA
Tahimik ang buong klase nang pumasok ako sa loob ng classroom. Lahat sila ay nakatingin sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit parang manghang-mangha ang reaksyon ng mga mukha nila. Palagi na lang ganito ang eksena kapag ako ang pumapasok dito sa pintuan ng classroom namin.
"Beshy!!!"
Napakunot-noo ako dahil sa nakakatulig na hiyaw ni Josefa. Bakit ba parang may sapi ang mga tao ngayon?
"Kung makasigaw ka para namang may napakalaking sunog," napapailing kong wika at pinagtaasan ng kilay si baklita ng makita ang hawak-hawak n'ya.
Kandila?
"Sino namang kukulamin mo? Bakit may dala-dala kang kandila? Mas tumatalab ba ang kulam kapag pink ang gamit sa halip na itim?" nakakaloko kong tanong. Anak ng tokwa. Peeenkkk? Eww. Bakla talaga ang kutong-lupa na 'to. Napailing na lang ako sa naisip ko. Kabilang kase ako sa lupon ng mga babaeng hindi mahilig sa gamit o damit na kulay pink.
Ilang beses akong inikutan ni Josefa.
"Ikaw ba talaga si Iya? Tell us, paano ka nakauwi dito ng wala ka man lang kagalos-galos? Hindi ba dapat iniwanan ka na ng hininga mo?"
Ano bang pinagsasasabi ng baklang 'to? Pambihira, hindi lang pala si Kumag ang tumitira ng katol. Mas malala ang isang 'to. Isang kahon yata ang inubos ng bakla.
"Bakit naman ako magkakagalos? May prosisyon ba at may dala-dala kayong mga kandila?" Nakamaang kong tanong dahil ngayon ko lang napansin, na hindi lang si baklita ang may hawak na pink na kandila. I mean, bakit lahat sila may hawak na mga kandila and worst iba-iba ang mga kulay?
Hindi ba kapag may libot or prosisyon puting kandila lang naman ang ginagamit? Alam ko 'yun dahil nakasama na ako sa ganun para makalibre sa tinapay, lugaw o sopas o kung ano pa mang pagkain pagkatapos lumibot.
"Weird. Kayo lang ang nakita kong lilibot na iba-iba ang kulay ng kandila. Paparada ba kayo sa hallway at kakanta ng ave maria?" tanong ko ulit saka nagpunta sa upuan ko.
Nagkatinginan ang mga baliw kong kaklase.
"Sabi sa inyo masamang idea ang mga kandilang 'to eh,"
"Hindi ah. Pakiramdam ko nga naging good luck charm pa ni Iya ang mga kandilang 'to eh."
"Kakaiba talaga,"
"Wit-wiw!"
Napailing na lang ako dahil sa kung anu-anong pinagsasasabi ng mga kaklase ko. Iilang araw pa lang kaming magkakasama pero palagay na kami sa isa't-isa. Hindi ko rin ma-explain kung bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanila. Maybe it's the perks of being losers? Napailing ako.
Saang panig ng braincells ko naman nakuha ang katagang 'losers'? I've never been one and never will be.
"Ahm, guys... de Ayala will be eating lunch here later," mahina kong sabi ng makaupo ako sa upuan ko. Ginamit ko ang apelido ni Ivan dahil pakiramdam ko, wala naman na akong karapatang tawagin s'yang Ivan. Ang layo-layo na namin oh. Malayo na kami sa kung anumang sitwasyon meron kami dati. Simpleng mga tao lang kami noon. Lalo na hindi naman namin alam kung ano at sino s'ya sa lipunan noon. Marahil, gusto n'ya lang akong i-treat sa isang lunch para makabawi. Sinabi n'ya nga diba, hindi naman daw nakarating sa kanya iyong ibinigay kong tempura.
Ayaw ko sanang maniwala. But my heart believes in him.
Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa mahina kong deklarasyon. Hindi naman kase pwedeng hindi ko sila i-inform. Unang araw pa lang nakikita ko na kung gaano kataas ang estado ni kumag para sa mga ito na halos ayaw nilang makipagbanggan.
"Say what?!"
"Hell...what?!"
"de Ayala who?"
"Come again Beshy?!"
"Ehhhhh?!"
"Whattt?!"
"Him?!"
Awtomatikong tinakpan ko nang dalawa kong kamay ang magkabila kong tenga. Ipagpapasalamat ko nang labis kung kusang natatanggal ang mga iyon at pwedeng itago sa mga panahong kagaya nito na para silang mga timang na humihiyaw, sumisigaw at tumitili.
"C'mon tell us what happened!"
Napatingin ako sa magkabilang kamay na yumuyugyog sa magkabila kong balikat. It's Ces. For real? Pati ba naman s'ya na ini-expect kong magiging matured sa sitwasyong ganito ay kakikitaan ko din ng kakaibang reaksyon ang mukha? Kinikilig ba s'ya? Or was it something else?
"Wala namang nangyari. Ano bang nangyayari sa inyo? May bumisita bang masamang elemento dito habang wala ako?"
"C'mon girl! Paano mo napasagot si Iker babe?"
Pinagsingkitan ko ng mga mata si Josefa. Kung makaasta naman ang baklitang 'to, parang bulateng binudburan ng sandamakmak na asin. Nakakairita palang tingnan ang bakla kapag kinikilig? O si Josefa lang ang ganitong bakla kapag kinikilig?
At teka nga, bakit ba sila kinikilig?
"Ano bang nakakakilig? Kakain lang si Ivan Kerwin dito. Hindi s'ya makikipag-date sa inyo 'kay?"
Parang baliw na naman ang mga ito dahil nagkanya-kanya na naman ng hiyawan. May ilang sumisipol pa.
"Eh, bakit nga s'ya kakain dito?"
Tumaas ang kilay ko sa tanong ni Yana.
"Aba malay ko. Baka bored?" Iyon din talaga ang hindi ko maintindihan. Ano bang nakain ng kumag na iyon at gustong-gusto akong makasabay sa pagkain. Pwede namang magpa-piging na lang s'ya sa buong klase namin at ipahayag na nagpapasalamt s'ya sa ginawa ng pamilya ko sa kanya. Magkakaroon pa tuloy ng issue ang gagawin naming pagkain na dalawa.
Hayyy naku naman Iya. Bakit naman hindi mo naisip na isang malaking eskandalo 'yun?! Iisipin ng iba na nagl-lunch date kayo kahit na hindi naman talaga ganoon ang mangyayari!!!
Teka lang.. Lunch what?
No, no. Don't be a clown Iya. Ano bang lunch date ang pinag-iiisip mo?! Simpleng tanghalian lang ang mangyayari. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pahamak kase 'tong magagaling kong kaklase eh. Pati tuloy ako nahahawa sa mga kapraningan nila. Susme naman.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin 'yung mga panahong nasa bahay s'ya. Noong mga panahong sinasamahan n'ya ako sa bukid at magkasalo kaming kumakain sa binalot naming nakalagay sa dahon ng saging. Hindi s'ya nagtatanong ng kung anu-ano. O naghahanap ng masarap. Basta kung anong nakahain, kinakain n'ya rin. Basta edible daw, walang problema.
Hindi ko tuloy mapigilan ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Ngayon ko lang na-realize na...na ang awkward pala nung ginagawa namin noon. Pero bakit parang napaka-normal lang naman ng ginagawa namin noong unang panahon? Wala akong nararamdamang kaba o asiwa. Ang sarap n'ya pa ngang kasalo sa pagkain lalo na kapag natitinik s'ya sa tinik ng sapsap. Ang liit-liit ng sapsap na tuyo pero natitinik pa s'ya.
"Hoy babae! Bakit ka nagb-blush?! Share mo naman sa amin 'yang iniisip mo,"
Asar na inirapan ko ang mga kaklase kong babae. Tahimik na inilabas ko ang libro para sa susunod naming subject.
Bakit ko naman ikukwento ang tungkol sa mga 'yun? Ang pagdating ni Iker sa buhay namin ng hindi namin inaasahan ay isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko wether I like to admit it or not. Hindi ko kayang i-share sa iba ang dalawang buwang kwento ng buhay n'ya sa piling namin. It's the most unexpected yet it's the memorable one.
And then suddenly...bigla ko s'yang na-miss. Ang presensya n'ya. Ang pagsusungit n'ya. Ang pag-arko ng kilay n'ya. Ang pagrereklamo n'ya. Ang pagpapakalma sa akin sa tuwing kinakabahan or stress ako.
Dalawang buwan lang naman iyon pero bakit parang napakatagal ko na s'yang nakasama? Bakit parang ang dami-dami naming pinagsamahang masasaya? Bakit parang kalahati ng buhay ko napasaya n'ya? Susme naman. Anong pagdadrama ba 'yang ginagawa mo self?
"Tumahimik nga kayo d'yan. Darating na si Mam," hindi ko na sila pinansin at laking pasasalamat ko dahil dumating na nga si mam.
And in all honesty, wala akong na-gets sa tinuturo ni Mam dahil sa bawat pagpatak ng oras lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto ko na ngang sabunutan ang sarili ko dahil sobrang napa-praning na ako, swear.
Well...okay... ang lagay...dito kakain ng lunch si Kumag. Ano naman ang ipapakain ko sa kanya? Wala akong baon. Wala akong niluto at wala rin akong maluluto so anong katangahan ang iniisip ko nang sabihan ko s'ya na dito s'ya sa classroom namin kumain? Hahainan ko ba s'ya ng semento? Ipagtatapyas ng arm chair sabay isusubo ko sa kanya? O ipapanguya ko sa kanya 'tong buong classroom para naman matauhan s'ya sa lahat ng mga kalokohan n'ya?
Napa-face palm na lang ako sa nag-uumapaw kong kasyungahan.
Congratulations Maria Delaila! Ikaw ang pinakahenyong tao sa ibabaw ng Earth! Pwamis 'yan.
Nang-uuyam kong puri sa sarili ko. Eh ano pa nga bang maiisip ko? Hindi ba't isa naman talaga akong henyo sa ginawa kong pag-iinvite sa kanya ng wala man lang akong ipapakain? Kahit nga lemon na kendi wala ako eh. Naku naman Iya.
Pero teka lang parang may nakakalimutan ako.
Hindi ba't s'ya naman talaga ang nag-aayang kumain? Lugar lang naman ang sinabi ko. Hindi ko naman inako pati ang mga pagkaing kakainin namin. Napakamot na lang ako sa ulo. Iba na talaga. Iba na talaga ang direksyong pinupuntahan ng utak ko. Hindi na ako makasunod dahil sa pagkawindang.
Isa pang mental slap ang ginawa ko sa sarili ko.
"Beshy, samahan mo nga muna ako saglit sa Kitchen Dungeon at may kukunin lang ako,"
Napahinto ako sa pagmumuni-muni dahil kay Josefa. Gumawa lang ng letrang O ang bibig ko pero wala namang lumabas doon na kahit anong kataga.
"Lika na. Mabilis lang 'to. Uy, Yana, Ces, Sue 'lam n'yo na ah. Ayusin n'yo,"
Hindi ko na-gets ang pagsa-sign language ng mga kaklase ko dahil una, hindi naman talaga sila marunong ng sign language at pangalawa, paniguradong kalokohan na naman ang gagawin nila. Nagpatinanod na lang ako sa ginagawang paghila sa akin ni Josefa dahil ang totoo nasa Problem Landia pa rin ang utak ko.
Ilang minuto na lang at darating na si Kumag. Magpunta kaya ako sa garden at magbungkal ng lupa doon? Anong malay ko ba kung may makita akong fertilizer diba? O di pati natitigang na utak ni Kumag mababahagihan ng pataba.
"Ano ka ba Beshy, bilisan mo nga! Ano bang iniisip mo at para kang nasa ibang mundo? "
Hindi ko namalayan na nasa underground kitchen na pala kami. Naupo ako sa isang stool dahil wala pa rin akong maisip ihain o lutuin. Hindi ko na rin tinanong si Josefa kung ano ba ang hinahanap n'ya. May palagay akong mas malaki ang problema ko kesa sa problema n'ya.
"Bakit ka ba natutulala d'yan? Ano bang iniisip mo?"
Walang ganang tiningnan ko si baklita. Aaminin ko ba sa kanya na si Kumag at ang mahiwagang pagkain na dapat ihain mamaya ang iniisip ko?
No. No. No. No. No.
Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nilang iniisip ko ang kumag na 'yun? That I'm weak? That I... I...I ...ano na Delaila? Hindi mo masabing may kakaiba kang nararamdaman para sa kanya?!
Napalunok ako.
Hindi ba masyadong weird na dalawang buwan lang naman namin s'yang nakasama pero dahil first time 'yun na na-expose ako sa male species, normal lang ba na makaramdam ako ng kakaiba? Kung ibang lalaki ba 'yun makakaramdam rin ba ako ng ganito ngayon?
"Ayyyyyy!"
Kasabay ng paghiyaw ni Josefa ay ang pagkabasag ng kung ano man. Maang na tiningnan ko si bakla pagkatapos ay sa nabasag na plato sa may paanan n'ya naman ako tumingin.
"Sorry," nakangiwing anas ni Josefa sabay bigay ng peace sign. Ilang beses kong ipinikit at iminulat ang mga mata ko. Parang may kung anong nagising sa diwa ko.
Tinamaan ng magaling!
Bakit ba kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko eh kakain lang naman kami ng tanghalian!?
Kainis!
At dahil wala naman talaga akong ipapakain kay Kumag, papauwiin ko na lang s'ya pagpunta n'ya sa classroom mamaya. Kung may dala naman s'yang pagkain eh di mas mabuti. Pambihira naman, ang simple-simple naman pala ng sulusyon Iya ang dami-dami mo nang problemang iniisip. May pa-miss miss ka pang nalalaman. Kalimutan mo ng may nararamdaman ka para sa kanya okay? Kailangan mong sabihin sa sarili mo na hindi mo s'ya crush. Na hindi mo s'ya type. Na hindi mo s'ya gusto! Tapos. Period! Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Tsk.
Nandito ka sa City X para kumita ng limpak-limpak. Nandito ka para mapagamot ang lola mo at para makaipon ng pampaaral sa kapatid mo.
Gets mo self?
It's really getting out of hand. Nababaliw na 'ko.
(。ŏ﹏ŏ)