Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 18 - Chapter 17: It's Their Fault That You're Mad

Chapter 18 - Chapter 17: It's Their Fault That You're Mad

IYA

Bilo-bilo. Turon. Maruya. Vegetable salad. Carbonara. Seafood pizza at egg sandwich ang mga ginawa naming pantinda. Nakakapagod sa totoo lang. Hindi ko na nga sana gagawin ang pizza dahil gusto ko pang pag-aralan muna pero mapilit ang apat kaya naman hindi ako sigurado sa kinalabasan ng lasa noon. Nag-request ang apat na sa susunod naman daw ay gumawa na rin kami ng pang-almusal at pang-lunch. Susme, ito ngang pang-recess lang pagod na pagod na ang pakiramdam ko paano pa kung pati pang-lunch at pang-almusal ay gagawin pa namin?

Iniwanan namin sa Kitchen Dungeon ang mga ginawa namin. Mamaya na lang bago mag-recess namin kukunin.

Nagkakagulo sa loob ng classroom nang makarating kami. Palagi na lang ganito ang eksena sa tuwing darating kami. Pero ngayon, parang may kakaiba. Nakakaramdam ako ng kakaibang tensyon sa paligid.

"Anong nangyayari?" tanong ni Yana sa isa naming kaklase.

"Si Iker, hinahanap si Iya,"

Awtomatikong napataas ang kanang kilay ko.

Huh?

Bakit naman ako hahanapin ng kumag na 'yun? Ano na namang problema n'ya sa buhay?

"Ano na namang kailangan n'ya?" Nakasimangot na tanong ko. Hindi ko pa s'ya napapatawad sa ginawa n'yang pagsasayang sa shrimp tempura. Tapos, nadagdagan pa ang kasalanan n'yang 'yun dahil sa ginawa n'yang pag-kidnap sa akin kahapon.

Kidnap naman talaga ang tawag dun diba? Labag sa loob ko ang pagsama sa kanya. Kung hindi lang dahil sa pamba-black mail n'ya hindi naman ako sasama sa kanila 'no.

"Ikaw lang ang kailangan n'ya,"

Tumingin ako sa nagsalita. Seryoso s'ya habang nakatingin din sa akin pero nakatawa naman ang mga mata n'ya.

"Mamayang breaktime, sa rooftop ng building na 'to. Hindi ka pwedeng humindi. Magkakagulo lang ang lahat," iyon lang ang sinabi ng lalaking palaging kasama ni Iker.

Hah?

Ano ba talaga ang problema ng lalaking 'yun? Talagang gustong-gusto n'yang pinagbabantaan ako ah. Malilintikan s'ya sa akin mamaya. Ni hindi pa nga s'ya nagpapasalamat sa ginawa naming pag-aalaga sa kanya noon. Umalis na lang s'ya ng hindi nagpapaalam tapos kung makapagbanta ngayon akala mo naman parang wala kaming pinagsamahan.

Hmp!

After ng klase namin ng umagang iyon ay sila Josefa na ang pinagpaasikaso ko ng mga niluto namin. Inilista ko na ang mga presyo ng paninda. Sisimulan muna sa classroom namin, at kung suswertehin, pwede namang magbenta din kami sa ibang grade level.

"Kailangan ko ng umalis guys. Kayo na ang bahala sa mga paninda natin ah," bilin ko kila Ces, Yana, Sue at Josefa.

Tumango sila. Pero punong-puno ng pag-aalala ang mga mukha nila. Iniisip ba nilang masasaktan ako ng kumag na 'yun? No way! Hindi n'ya kayang gawin 'yun.

"Wag nga kayong umarte d'yan na para kayong mamamatayan. Go na. Kunin n'yo na ang mga paninda natin. Make us rich." Dinampot ko ang bag ko saka ako tumayo.

Hindi na ako lumingon sa kanila ng lumabas ako sa classroom. Nakakaloka ang paraan nila ng pagtingin sa akin. Para namang pupunta ako sa katapusan ko kung maka-react sila ng ganoon kalungkot.

First time kong pupunta sa rooftop. Sila Peter ang madalas tumambay doon. At sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan ng Ivan na 'yun. Nagalit ba s'ya dahil sa ginawa ko kagabi?

Bastos na kung bastos but I don't want to bring complications in my life. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ng pamangkin ng magaling kong nanay, napapabuntong-hininga na lang ako.

"You came,"

Saglit akong natigilan. Pakiramdam ko ay biglang huminto sa pag-ikot ang mundo.

Dhug! Dhug! Dhug!

Huminga ako ng mamalim.

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil biglang-bigla na lang nag-iba ang tahip ng dibdib ko ng marinig na naman ang malamig na boses na 'yun. Bigla akong na-excite na ewan. Ang eng-eng ko. Ano bang nangyayari sa'yo self?

"Ano bang kailangan mo? Hanggang kelan ka mambubwesit?" Pinagtaasan ko s'ya ng kilay at pilit kong pinagtakpan ang kabang hindi ko alam kung saan nanggaling.

"I'm not trying to annoy you. Bring him here,"

Sa isang kumpas lang ng kamay ni Kumag, dalawang estudyante ang lumabas mula sa storage room. May hila-hila silang isa pang estudyante.

Awtomatikong tumaas ang kilay lalo na ng makita ko ang itsura ng estudyanteng kinakaladkad. Punong-puno ng sugat ang mga kamay n'ya. May pasa din s'ya sa mukha at namumugto ang mga mata.

"Remove that plaster on his mouth and let him explain everything," seryosong wika ni Kumag. Prente s'yang nakaupo sa isang monoblock na kulay pula habang nakadekwatro at nakahalukipkip. Para pa s'yang bored na bored na hindi ko mawari sa lagay na 'yan.

I rolled my eye, alam naman pala n'yang nakaka-bored ang pinaggagagawa n'ya, bakit dinadamay pa ako? Minsan ang sarap n'ya talag----

"Sorry Boss! Sorry! Hindi ako ang nagtapon ng tempura. Hindi ko itinapon 'yun. Inutusan lang ako ni Lorrie na ibalik 'yung tupperware. Promise, hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa n'ya sa laman noon. Promise. Sorry! Sorry Boss!"

Napahinto ako sa pag-iisip ng kung anu-ano dahil bigla na lang may kung sinong humila sa laylayan ng blouse ko.

"Take off your filthy hands or do you want me to cut it into tiny pieces?" Sabi ng lalaking nakakaasar ng may pagbabanta.

Kaagad namang inalis ng estudyante ang kamay n'ya sa damit ko. Kitang-kita ko ang pangangatal n'ya. Tiningnan ko ng masama si Iker. Ano bang gustong gawin ng kumag na 'to?

"I already told you, hindi ko alam kung anong tempura ang tinutukoy mo. I'll let him explain it for you," seryosong sabi n'ya pa.

"H-hindi talaga nakarating kay Boss Iker ang ipinabibigay mo kahapon, Boss mam. Nakita 'yun ng isang kaklase naming babae at sinabi n'ya na ibibigay n'ya raw kay Boss Iker kaya ibinigay ko 'yun sa kanya. Noong ipinasauli n'ya 'yung tupperware, sinabi n'ya na ipinasosoli daw 'yun ni Boss Iker. Sorry Boss Mam! Kasalanan ko kung bakit hindi iyon nakarating kay Boss Iker. Hindi ako nagtanong at basta ko na lang sinunod si Lorrie. Pasensya na po, hindi na po mauulit!"

Umiiyak pa ang estudyante habang nagsasalita. Matiim ko s'yang tinitigan.

"Do you really have to look at him like that?"

Napakunot-noo ako dahil sa tono na naman ng boses ni kumag. Parang s'ya pa ang galit. Ano namang pakialam n'ya sa paraan ng pagtingin ko?

"Ikaw ba ang bumugbog sa kanya?" Seryosong tanong ko. S'ya naman ang tiningnan ko ng masama.

"No," tipid n'yang sagot habang hindi pa rin nagbabago ang expressionless n'yang mukha.

Pinagtaasan ko s'ya ng kilay.

"But I'm the one who order to do it. Any problem?"

Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi n'ya. At tinatanong pa talaga kung may problema? Aba ay talagang malakas ang sapak ng isang 'to ah. Asar na nilapitan ko s'ya sa kinauupuan n'ya saka gigil na piningot ang tenga n'ya.

"Hey!"

"Hey, it hurts!"

"Hurts?! Sa palagay mo 'yung ginawa n'yo sa kanya hindi masakit?!" Gigil na piningot ko rin ang isa pang tenga n'ya. Katanda-tanda na nito kung makaasta akala mo naman bata.

Hina-high blood talaga ako sa lalaking 'to! Anong akala n'ya sa katawan ng tao? Punching bag na pwede n'yang bugbugin kahit na kailan n'ya gusto at hindi makakaramdam ng sakit 'yung tao?

"It's his fault that you're mad at me,"

Saglit akong natigilan sa sinabi n'ya.

Dhug!  Dhug!  Dhug!

Sa sobarang wild ng kabog ng dibdib ko hindi ko namalayan na nakahawak na lang pala ang mga kamay ko sa magkabila n'yang tenga. Wala ng pwersa doon kaya naman nagtatakang napatitig s'ya sa akin..

"You---! " bigla na lang nanlaki ang mga mata n'ya sa hindi ko malamang dahilan. "What happened to your hair?" Nakakunot-noong tanong n'ya.

To my hair? Bakit ano bang nangyari sa buhok ko? Wala sa sariling hinawakan ko tuloy ang buhok ko. Maiksi.

"Ah, pinagupitan ko," sagot ko. Pero bigla kong naalala ang mga kalokohan n'ya.

"Huwag mo nga akong tinatanong ng kung anu-ano. Ikaw ang tinatanong ko. Bakit kailangan mong mambugbog eh magpapa-explain ka lang naman?!"

"Why are you so worried? Do you like that wimp?"

Hanudaw?

Anak ng pating, paano ba umaandar ang utak ng kumag na 'to?

"Alam mo, ang labo mong kausap. Babalik na 'ko sa classroom. Nagugutom na 'ko. Ang tino-tino mong kausap, grabe!"

Kaka-stress!

"Kayo, bitawan n'yo s'ya kung ayaw n'yong masaktan," utos ko sa dalawang estudyante na hawak-hawak na naman ang estudyanteng tumutulo na ang sipon sa kakaiyak.

"No. Throw him down,"

"B-boss... mula po dito sa rooftop?"

"Why? Is there any other place?"

"S-sa b-basurahan B-boss?" Kandautal na tanong ng isa sa mga estudyante.

Tinitigan ito ni kumag na para bang isa itong nilalang na hindi n'ya inaasahang nag-i-exist pala sa mundo. Na para bang tinatanong ng mga mata n'ya ang mga katagang 'tanga ka ba o sadyang tanga lang?'

"S-sabi k-ko n-nga B-boss,"

"Tch. "

Pinagsingkitan ko ng mga mata ko si Kumag. At talagang dissatisfied pa s'ya sa pagdadalawang isip ng alipores n'ya? Siguro kung ang kasama n'ya ay iyong mga lalaking sumundo sa kanya kahapon, malamang walang tanong-tanong na ginawa ng mga ito ang utos n'ya. Talaga naman. Pinapakulo talaga ng kumag na 'to ang dugo ko.

"Ginagalit mo ba 'ko? Papatayin mo s'ya? Are you even human?" gigil na bulong ko sa kanang tenga ni kumag. Gigil na gigil na talaga ako.

"Kinokontra mo ang utos ko?" Mahinang bulong din n'ya na kaming dalawa lang ang nakakarinig. There's a bit of amusement in his handsome voice na lalong nagpapawindang sa sistema ko. Grrr! Bakit ba ganito kalakas ang epekto ng impaktong 'to sa buong pagkatao ko?!

Dahan-dahan akong lumayo sa kanya dahil kahit ako ay hindi na mapigilan ang nararamdaman ko. I miss him so much. So so much. At ngayon ko lang inamin sa sarili ko ang bagay na iyon. Being with him this close. Sabayan pa ng biglang pagbulong n'ya sa tenga ko, swear, hindi lang balahibo ko sa batok ang nagsitayuan.

"B-bakit anong gagawin mo kung kokontrahin ko?" I swallowed hard para lang mawala ang kabang nararamdaman ko at kakaibang damdaming muli na namang nagkukumawala sa puso ko. I swallowed hard the second time para mawala ang pags-stummer ng boses ko.

I am now frightened.

Really, really frightened.

Not of him but of myself. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kalakas ang atraksyong nararamdaman ko para sa kanya. I thought I'm just infatuated.

"Wala naman. Kailangan mo lang akong samahang mag-lunch everyday," he answed lazily.

"Ha?! Tumira ka na naman ba ng katol? No way! N. O. W. A. Y!"

Kulang na lang ipadyak ko pa ang mga paa ko para lang maipakita kung gaano ako ka-against sa sinabi n'ya. Hindi pwede. Hindi pwede ang gusto n'ya.

Paano na lang ang kahuli-hulihang pader na pilit kong itinayo sa pagitan naming dalawa? Kapag iyon ay unti-unti ring nabasag... ano na lang ang matitira sa akin? Ano na lang ang kahihinatnan ko?

"Okay. Throw him now,"

"Boss Maaam!!! P-please, p-please help B-boss Maaamm!"

Tumutulo na pati ang sipon ng naturang estudyante. Although ang sakit sa tenga ng paulit-ulit n'yang pagb-boss mam, mas masakit naman sa mata na makita ang itsura n'ya.

"Ivan Kerwin kapag hindi mo tinantanan ang mga kalokohang 'to..."

"What?" nananantyang tanong n'ya rin sa akin kaya naman pareho kaming nagsusukatan ng tingin.

"You give me no choice," sabi ko sabay buntong-hininga saka s'ya tinalikuran. Kung ang pagsama sa kanya sa pagkain ng lunch ang makakapagpatigil sa kalokohan n'ya...huminga ako ng malalim. So be it. Kailangan kong makabili ng gamot. Iyong gamot na gagawin s'yang isang malaking yelo sa paningin ko.

Yeah. I need that medicine.

Tinalikuran ko na si Kumag saka hinarap ang dalawa n'yang alipores.

"Kapag hindi n'yo s'ya binitiwan. Hinding-hindi ako sasama sa lunch na sinasabi ng boss n'yong Kumag!" Seryoso kong wika na silang dalawa lang ang nakakarinig.

Nang tinalikuran ko sila ay hindi ko na sila tiningnan pa ulit. Pero kaagad akong bumalik ng may maalala ako.

"Sa classroom namin. Dun tayo kakain ng lunch. Hindi sa department n'yo, hindi sa campus n'yo, at mas lalong hindi sa canteen n'yo. Sa classroom lang namin. Kapag hindi ka dumating dun, ikaw ang may kasalanan."

Dali-dali akong tumalikod ulit pagkasabi ko sa litanya ko. Hindi ko na sinilip kung ano ba ang naging reaksyon n'ya. Basta gusto ko na lang makaalis sa lugar na 'yun dahil pakiramdam ko talaga nas-suffocate ako.

At bago pa ako tuluyang makababa ay narinig ko ang malakas na boses ni Kumag.

"I'll be there!"

Peste! Bakit kailangan n'ya pang isigaw 'yun?! At bakit para akong timang na ngumingiti ngayon?! Pinapataas na naman n'ya ang level ng pag-aasam ko. Busettt!!!