Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 15 - Chapter 14: At 3:00AM

Chapter 15 - Chapter 14: At 3:00AM

IYA

Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naka-alarm ang cellphone ko ng 3:30 pero nauna pa ako sa alarm. Ayoko na rin namang matulog dahil siguradong sasakit lang ang ulo ko kapag nabitin ako sa tulog.

Kinuha ko ang phone saka pinatay ang alarm. Para hindi na iyon mag-alarm mamaya. I in pl look at the contacts, pinagkaguluhan 'tong phone ko kahapon nila Josefa eh. Thankfully, naka-save na doon ang mga numbers nila. Pinindot ko ang pangalan ni Josefa saka iyong tinawagan.

Ilang beses na nag-ring ang phone bago may sumagot doon.

[Hello]

Inaantok pa ang boses ni baklita. Ano na naman kayang pinagkaabalahan nito at mukhang bangag ang bruha?

"Anong petsa na natutulog ka pa rin? Akala ko ba magbi-business tayo? Bakit nakahilata ka pa d'yan sa halip na namimili ka na dapat ng mga ingredients?" Nakakunot-noong tanong ko.

Ilang segundo ring nanahimik ang nasa kabilang linya bago ko narinig ang malakas na pagsinghap ni Josefa. Anong nangyayari sa baklitang 'to?

[You're still alive?!]

Ano bang pinagsasasabi nito. Dinalaw yata ng masamang panaginip.

[Tell me, anong ginawa ni Ikerbabes sa'yo kahapon? Hindi ka ba pinarusahan? Or... or... nag-date ba kayo?!]

Sa lakas ng boses n'ya parang imposible naman na hindi magising ang mga kasama n'ya sa bahay. Mapwera na lang kung nag-iisa lang s'ya sa bahay nila.

"None of the above okay. What can he do to me?" Kaswal kong sabi sabay kibit ng balikat ko.

Bakit ba worried na worried sila sa lalaking 'yun eh ang dali-dali ko nga lang s'yang natakasan. Hmpp. Naiinis pa rin talaga ako sa tuwing maiisip ko ang tungkol sa tempura na ginawa ko kahapon. Pablihasa mayaman sila kaya okay lang sa kanila ang magtapon ng magtapon ng pagkain. Hindi sila nasasayangan dun. Tsk.

[Wow. Malupet ka talaga beshy. Pero sa totoo lang, kinabahan ako para kay Sue kahapon ah. Akala ko katapusan na n'ya. Pero mamaya na tayo magkwentuhan. Bakit ka napatawag ng maaga?]

"Gusto kong sumama sa pamamalengke. Pwede mo ba akong puntahan dito sa may Heritage Lands? Nandito kase ang villa ng tiyahin kong nagpapaaral sa akin. Pwede mo siguro akong hinatayin sa may gate," tanong ko kay Josefa dahil sa totoo lang, hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa City X. Malay ko ba kung nasaan ang mga palengke nila dito.

[My gee! Mayamanin ang tiyahin mo beshy ha. Puro pangmayayamang villas ang nakatayo sa HL. Sige, hihiram ako ng motor kay mamah. Kaso, paano tayo makakapasok sa school eh ang aga-aga naman ateng?] Dinig na dinig ko ang excitement sa boses ni Josefa. Ako man ay nai-excite din. Gusto ko ng simulan ang negosyong naiisip naming magkakaklase. Sa paunti-unting halaga, makakaipon din ako ng malaki-laki at iyon ang is-save ko para naman sa pag-aaral ni Trii. Hindi pa malaki ang gastos n'ya ngayong bata pa s'ya pero kapag nasa High School at College na s'ya, madadagdagan na ang mga gastusin n'ya at dapat ko iyong paghandaan dahil wala namang ibang aasahan ang kapatid ko kundi ako lang.

"Hindi ba't may nakuha akong manual kahapon sa Dungeon? Hulaan mo kung ano 'yun?" Hindi ko mapigilan ang mapaglarong ngiti na awtomatikong gumuhit mula sa mga labi ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama saka kinuha ang manual na nakalapag sa study table. Mukha lang itong maliit na libro pero kapag binuksan...

[Anong manual? Manual ba 'yan ng mga fafang may abs? Tell me daliii....! Huwag mo na akong pahulain beshy. Bilis na...!]

Napailing na lang ako. Kung makapalirit naman ang baklitang 'to parang hindi alas-tres ng madaling araw sa lugar na kinatitirahan nito.

"It's a map. Lahat ng secret passage sa buong campus ay nasa mapa. Tawagan mo sila Yana, Sue at Ces. We're all in this together diba?"

[Wahhhh! That is so exciting beshy. Sige-sige. Tatawagan ko lang sila. Maliligo na rin ako pagkatapos]

Nang matapos ang usapan namin ni Josefa ay nagtungo na ako sa banyo para maligo.

Saktong 3:30 ay nakalabas na ako sa Villa. Tinanong lang ako ng mga gwardiya kung saan ako pupunta pero dahil naka-uniform naman ako, hindi na sila nagtanong pa ng kung anu-ano. Walang dumadaang mga sasakyan kaya ilang minuto pa lang akong naghihintay sa labas ng gate at pinili ko na lang na maglakad.

Susme, anong petsa kaya ako makakalabas sa napakalawak na lugar na 'to?

"Good morning Mam!"

"Ay kabayong mam!" Bulalas ko sa sobrang gulat. Hindi ko rin napigilan ang pagtalon dahil talaga namang hindi ko inaasahan na may biglang magsasalita sa may tagiliran ko.

Kinakabahan na lumingon ako sa nagsalita, pero nilakasan ko lang talaga ang loob ko dahil sa totoo lang parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Ano namang malay ko kung multo 'yung nagsalita diba?

"Sino ka? Bakit ka nanggugulat?!" Naaasar kong tanong. Tinamaan ng magaling 'tong si kuya. Hindi pa sumisikat ang araw pahihintuhin na ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang gulat.

"Pasensya na po kung nagulat ko kayo Mam. Ako po si Edward, isa sa mga guards dito sa villa ni Boss Iker. Maglalakad po ba kayo palabas ng Subdivision?" Magalang na tanong ni kuya.

Etchusero 'to. Ano namang paki n'ya?

"Natural maglalakad. Nakita mo ba akong may pakpak para makalipad?" Inis na tanong ko. Tsk. Hindi na ako nag-explain pa. Nagmamadali akong maglakad para makalabas kaagad-agad tapos iistorbohin lang.

Hindi ko na napansin na napakamot sa ulo ang gwardiyang binara ko dahil tinalikuran ko na s'ya.

"Ah Mam, ihatid ko na po kayo. Masyado pong malayo kung lalakarin n'yo ang palabas."

Napahinto ako sa paglalakad. Anong motibo ng lalaking 'to na gwardiya ng Kumag na 'yun?

"May motor po kami dito Mam. Pwede ko po kayong ihatid palabas. Kaibigan po kayo ni Boss diba? Sabi po kase ni Boss, dapat naming igalang ang mga kaibigan n'ya,"

Seryoso? May patakarang ganoon ang Kumag na 'yun? Bakit hindi ko makita sa mala-statue n'yang mukha? Pero teka lang, kung maihahatid ako ni kuya palabas sa pamamagitan ng motor mas magiging mabilis ang pagdating ko sa pupuntahan ko. Baka kase nandoon na rin si Josefa at nag-iintay.

"Okay, magpapahatid ako. Pero walang bayad ha? Wala rin akong utang na loob na dapat bayaran dahil ikaw naman ang nag-offer," seryosong wika ko. Pero deep inside, nagtatanong din ako sa sarili ko kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kaba sa inaalok ni kuya. Kung tutuusin, napaka-delikado ng ganitong oras. Napakadilim pa ng kapaligiran at hindi ko rin naman alam ang pasikot-sikot dito sa sosyal na Subdivision.

"Okay Mam. Kukunin ko lang po ang motor,"

Ilang sandali pa ay lumabas na si kuya sakay ng napakagwapong motor. Kung gwapo si kuya, mas gwapo ang motor n'ya. Feeling ko, natagpuan ko na si one true love ko. Ngayon lang ako nahumaling ng ganito sa isang bagay. Hindi ko mapigilan ang pagnganga at pagkakatulala. Noon pa man, pangarap ko na talagang makapagmaniobra ng ganyan kaangas na motor. Ewan ko ba kung saan ko namana ang hilig kong 'yun. Basta bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakakakita ako ng napakagwapo at napaka-astig na motor.

Sunod-sunod na tikhim ang pumukaw sa lumilipad kong kaisipan.

"Ahh... Mam, huwag po kayong tumingin sa akin ng ganyan lalo na kapag kaharap si Boss Iker. Baka mapatay ako ng wala sa oras,"

Napakunot-noo ako sa sinabi ni kuya.

"Sa kanya ako nakatingin. Hindi sa'yo." mataray kong sambit sabay turo sa motor nya. "Feeling n'yo bang dalawa ng Boss mo kagagwapo ninyo para maakit akong tingnan kayo? Mas kaakit-akit pa sa inyo ang itsura ng motor mo eh. Tara na, bilis!"

Nagmamadali na akong umangkas. Kung pwede ko lang dyowain 'tong motor. Ito na lang ang dyodyowain ko.

Hindi na kumibo si kuya. Mabilis na n'yang pinaandar ang motor ng makaangkas na ako. Sa bilis ng takbo ng motorcycle, pakiramdam ko ay lalo akong na-inlove sa napaka-angas na sasakyan.

"Salamat kuya, pakiingatan ang boyfriend ko ah," nakangiting sabi ko.

May isa pa akong goal ngayon. Ang makabili ng gwapo, maangas, mabilis at astig na dyodyowain.

"B-boyfriend mo Mam?"

Kita ko sa mukha ni kuya ang labis na gulat na may kahalong... takot? Ano naman ang nakakatakot sa sinabi ko?

"Oo. Boyfriend ko," sabay turo sa motor n'ya. "Pakisabi na lang sa Boss mo, maraming salamat." Sabi ko pa saka tumalikod na kay kuyang nakatulala pa din. Pabalik-balik ang tingin n'ya sa akin at sa motor n'ya na para namang gumawa kami ng malaking kataksilan ng sasakyang pag-aari n'ya. Ilang beses pa s'yang lumunok saka muling sumakay sa kotse n'ya. Hindi ko na napansin na biglang nagbago ang timpla ng mood ni kuyang guard.

Sa labas ng napakalaki at sosyal na Subdivision ay may mahabang waiting shed. Doon ako nagtungo. Tahimik na naupo ako sa bakal na upuan saka kinuha ang cellphone sa bag. Maliwanag naman sa lugar kahit na 3:45 pa lang ng madaling araw. Tatawagan ko pa sana si Josefa kaso may isang van na itim na huminto sa harapan ko.

Mabilis kong ipinasok sa bag ang cellphone at hindi ko inaalis ang pagkakatingin sa itim na van. Baka akala ng mga ito ay anak mayaman ako ha. Hindi ako anak mayaman para kidnapin nila.

Mula sa kinaroroonan ko ay tiningnan ko kung gaano kalayo ang mga gwardya ng Subdivision. Isang malakas na sigaw lang ay maririnig na nila ako.

Nang bumukas ang malaking pintuan ng van ay ini-ready ko na ang sarili kong pumalirit ng sigaw...pero may nauna na eh. Sa katahimikan ng umaga ay umalingawngaw ang matinis at baklang-baklang boses ni Josefa. Anak ng tupa, nakakahiya!

"Beshhhhyyyyy!!!"

Asar na tinampal ko ang malaki n'yang bunganga gamit ang librong hawak-hawak ko.

"Napaka-eskandaloso n'yang bunganga mo! Feeling mo ba nasa sabungan tayo?" Gigil na pinanlakihan ko s'ya ng mga mata.

Napahawak si bakla sa bibig n'yang mukha na namang pinaliguan ng lipstick.

"Ano ka ba, nag-aalala lang naman ako sa'yo. Kami." Itinuro n'ya pa ang loob ng sasakyan at mula doon ay sumilip sa labas ang tatlong nasa loob. Nandun si Yana, Sue at Ces. "Akala namin ipinatapon ka na ni Ikerbabes sa labas ng planet Earth eh. Natakot kaming sumama sa'yo kahapon kase naman 'yung mukha mo para kang mangangain ng buhay. Tapos noong sasamahan ka naman ni Sue, kinidnap ka naman ni fafah Iker. Umamin ka nga, anong ginawa n'yo kahapon?"

Tsismoso talaga.

Hindi ko na pinansin si baklita. Pumasok na ako sa loob ng van saka ko s'ya pinagsaraduhan.

"Ang mean-mean mo girl. Worried lang naman kami sa'yo eh. Anyway, nasa palengke na ang nanay ko. S'ya ang pinakisuyuan kong bumili ng mga gagamitin natin. Pupunta tayo sa apartment na pag-aari ni Ces ngayon para ipa-make over ka,"

Make-over?

"Mga bangag kayo? Make-over? Make-over talaga sa madaling araw?" Nandidilat ang mga matang tanong ko sa tatlo.

"Don't worry, 9am pa magsisimula ang first subject natin. Nasa apartment ko na ang kaibigan kong mag-aayos sa'yo. Nagkataon lang na doon s'ya nakitulog kagabi kaya samantalahin na natin. Tapos mamayang hapon, ituloy na natin ang pamimili ng mga damit na kailangan mo. Just make sure na wala kayong date ng boyfriend mo ha," nanunudyong wika ni Ces.

"Tch, "

"Dapat bago mag-5am ay tapos na tayo para makapag-prepare na ng mga lulutuin. Yanabells, alam ba ng driver n'yo ang papunta sa apartment ko? Medyo tago kase ang lugar na 'yun," baling ni Ces kay Yana na mukhang napilitan lang bumangon sa higaan.

"Umm,"

Tanging ungol lang ang naisagot ni Yana. Antok na antok pa talaga s'ya dahil halos hindi n'ya maiangat ang ulo n'yu mula sa headrest ng sasakyan.

"Okay lang naman kahit six. Kung mamadaliin natin, bakit hindi na lang natin ipakalbo si Besh?"

Napatingin ako kay Josefa. Kinindatan lang ako ng bruha. Nang si Ces naman ang tingnan ko ay nginitian lang ako ng pagkatamis-tamis. Napahawak tuloy ako sa mahaba kong buhok na napakatagal kong inalagaan. Susme, kakalbuhin ba talaga ako ng mga nilalang na 'to?!