Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 14 - Chapter 13: Punishment

Chapter 14 - Chapter 13: Punishment

3RD Person

Is she a monkey? How can she climb so fast?

Lalong lumalim ang gatla sa noo ng binatilyo dahil sa hindi maintindihan kung mag-aalala ba o hahanga sa ginawang pag-akyat ng dalagita. Sa totoo lang hindi mababa ang pader sa Villa n'ya. She must be a monkey in her past life.

"Boss, sino po s'ya?" Nagtatakang tanong ng isa sa mga guard sa binatilyo.

"My future girlfriend," walang kagatol-gatol na sagot ng binatilyo, showing off a playful grin on his handsome face.

The guards around him turned into a stone. Tama ba ang nakikita nila? Ang boss nilang kaseng cold ng bato ay...ngumiti? Ilang beses pa nilang ikinurap-kurap ang mga mata nila bago nila nakitang bumalik na sa normal ang kanilang amo.

Hindi kaya guni-guni lang ang nakita nila kanina?

"Remember her face. Every time you see her, make sure to report it to me. Tell me what she's doing, where she is and make sure she is safe,"

Lihim na napalunok ang lahat. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng ganoong klase ng utos ang kanilang amo. First time in history na may pinababantayan itong babae. And take note, he wanted to make sure that the said girl is to be safe. Sinundan nila ng tingin si Iker habang papasok ito sa loob ng mansion.

"Tol, nakita mo ba ang mukha n'ya? Hindi ko masyadong naaninag kanina. Madilim eh,"

Lumingon ang personal driver ni Iker sa nagtatanong sa kanya. Paanong hindi n'ya makikita ang mukha ng mabangis na dalagita eh ito ang kauna-unahang babaeng nakasakay sa maselang sasakyan ng boss nila. Hanggang ngayon nararamdaman pa rin n'ya na ninenerbiyos ang buong kalamnan n'ya dahil sa senaryong nasaksihan kanina.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Boss sa kanya. Napaka-simple lang naman ng itsura n'ya. Ano sa palagay mo, Cardo?"

Sa pangalawang nagsalita naman napalingon ang driver. Eduardo ang pangalan n'ya, mula ng sumikat ang palabas ni Coco Martin na Ang Probinsyano...ang dating palayaw n'yang 'Ed' ay naging 'Cardo' na ngayon and he can't do anything about it.

"Shut up Alakdan. Kung ayaw mong paglamayan ka namin mamaya din itikom mo 'yang bibig mo," seryosong wika ni Cardo na s'yang nagbigay ng palayaw kay Edmond na 'Alakdan'. Paano, dinaig pa nito ang kontrabidang si Homer sa Ang Probinsyano kung makakontra palagi sa kanya.

"Kung paglalamayan si Alakdan kaagad-agad sa pagsasabi lang na hindi kagandahan ang napupusuan ni Boss, ibig sabihin...patay na patay si Boss sa kanya?"

"May punto ka d'yan Edward. Well, based on what I saw...that girl a while ago is not an ordinary human being. Siya lang yata ang biniyayaan ng lakas ng loob na sumagot-sagot at kumontra kay, Boss,"

"You're right, Edzell. Teka, nasaan si Edrien?" Ani Alakdan ng mapansing aapat lang silang nag-iipon-ipon sa labas ng mansion.

"Bakit mo ba hinahanap si Mister Principal? natural nakabuntot na naman kay Boss 'yun para mag-check sa mga notebooks or assignments. Dahil kapag bumaba sa 95 ang bawat average ng mga subjects n'ya, kasama tayong ipapadeport sa kontinenteng pinanggalingan natin,"

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Eduardo o Cardo. Silang lima ay kasama ni Iker ng ipadala ito sa Pilipinas. Sa paningin ng iba, simpleng bodyguards lang ang trabaho nila pero ang hindi alam ng lahat... higit pa doon ang tungkulin nila.

Lahat sila ay pinulot, inampon, pinangalanan, pinag-aral at pinalaki ng mga magulang ni Iker. Hindi simple ang pamilyang pinagmulan nito, at hindi rin simple ang mga training na ginawa nila para lang masiguro na sa pagdating ng tamang panahon ay maprotektahan nila ang isa sa tagapagmana ng pamilya.

_____

AJ

Anak naman ako ng nanay ko oh-oh. Ano na naman bang nangyayari at bakit ganito na naman kadilim ang pagmumukha nitong si Iker? Hindi pa nga ako nakaka-move sa nangyari kahapon. Halos himatayin na ako sa sobrang kaba dahil sa hindi pagsipot noong babaeng bagong salta. Ngayon naman, saang lupalop ng Pilipinas ba sumibol itong issue ngayon sa tempura?

"Tell me... who recieve it yesterday? Bakit hindi nakarating sa akin?"

Napatingin ako kay Duke at Jaire. Matay ko mang isipin, dude... pero wala talaga akong maalalang tempura.

"Hindi kaya gumagawa lang ng issue iyong dyowa mo? Wala naman talaga kaming na-recieve na kahit ukoy na hipon kahapon," napapakamot sa batok na sambit ko.

"It's tempura. Who said it's ukoy? Are you insulting my girl," Nakakunot-noong tanong ni Iker na muntik ng ikalayas ng kalukuwa ko sa aking katawang lupa.

Really, I blame myself for being so...so...?

So handsome. Pati ba naman sarili ko ay pahihirapan ko pa. Wala talagang ibang dapat sisihin kundi ang kagwapuhan ko eh.

Sino bang may sabi na sa pagsasabi lang ng ukoy ay iniinsulto ko na ang... wait... What?! He called that country bumpkin his 'girl'? Umuulan na ba ng snow sa Pilipinas kaya hindi ko na maintindihan kung paano gumagana ang utak ng boss slash kaibigan naming 'to?!

Wait. I have to clarify myself first. Hindi ko iniinsulto ang babae n'ya. Hindi talaga.

"Boss, ukoy is ano Boss. Iyong maliliit na hipon na nilagyan ng harina tas ipiniprit----,"

"It's shrimp fritters," putol ni Duke sa mga sasabihin ko.

Wow.

Namimilog ang mga matang lumingon ako kay Duke na as usual, napakaseryoso pa rin ng facial expression. S'ya 'yung seryoso na nasa warm side habang si Iker yung seryoso na nasa cold and dark side.

Darn. Bakit hindi naman ako na-inform na ang sosyal pala ng english name ng ukoy?

Itinikom ko na lang ang bibig ko lalo pa at lalong nagdilim ang mukha ni Iker. Ewan ko ba, there's something about his aura na nakakatakot kapag nagagalit s'ya. Hindi naman s'ya dating nagkakaganyan. Ngayon ko nga lang nakita na para s'yang mauubusan ng pasensya. And it's because of that girl. Teka lang...hindi kaya ginayuma n'ya si Boss?

Pero hindi eh. Sa lason nga immune na ang katawan ni Iker, gayuma pa ba?

"It's tempura, Duke! Not fritters," high blood na saad ni bossing.

"Pero tinatanong mo kung ano ang ukoy," Duke said in a matter-of-fact tone. Gusto ko tuloy palakpakan ang kaastigan n'ya. S'ya lang yata ang bukod tanging hindi natatakot kay Iker.

Iker pinch the bridge of his nose.

"Anong pagkain ba ang hinahanap n'yo? Iyong tempura na galing sa section C ng Grade 10 kahapon?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Jose Manuel, ang aming class president.

"You... what did you do to my tempura?"

Dahan-dahang napaatras si Prez dahil talaga namang kahit sino yata ay kakabahan sa paraan ng pagtingin at pagsasalita ni Iker.

"Hindi ako ah. Nakita ko lang na may pinapaabot na tupperware ang estudyante ng trash section kahapon kay Carl. Tapos ng malaman ni Lorrie na sa iyo 'yun ipinabibigay, ipinabalik n'ya 'yun kase baka daw pinagtitripan ka lang ng section C," pangangatwiran ni class president na sa kabila ng kabang nararamdaman n'ya ay nakapag-deliver pa rin ng maayos na pangangatwiran. As expected from our class president.

"Lorrie? Who is she?" Nakakunot-noong tanong ni Iker.

Isang masamang pangitain na ang natatanaw ko mula sa kawalan. Kailan ba matututo ang mga babaeng 'yun? Kailan ba nila isisiksik sa utak nila na hindi nila mabibihag ang isang abnormal na kagaya ni Iker? Bakit hindi na lang ako ang pag-aksayan nila ng panahon? Hindi pa sila mapapahiya at mas lalong hindi ko sila sasaktan dahil ang turo ni Daddy sa akin, mahalin ang mga babae dahil sila ay mga vulnerable na nilalang.

Vulnerable.

Biglang pumasok sa nananahimik kong isipan ang babaeng tagabukid na s'yang dahilan ng pagkakadagdag ng kaabnormalan sa kaibigan naming hindi naman dating ganito kaabnormal.

No.

Ilang beses pa akong napailing na para bang nakikipagtalo sa sarili ko.

Hindi sa lahat ng babae applicable ang salitang 'yun. Dahil ang babaeng 'yun balatan mo man ng buhay... hindi pa rin s'ya magmumukang 'vulnerable' sa paningin ko. Para s'yang ligaw na kabute na may dala-dalang nakamamatay na lason.

"Lorrie, s'ya 'yung bunsong anak ng Mayor nitong Syudad na patay na patay sa'yo. Nakalimutan mo na bang nililigawan ka nun?" Napapailing na tanong ni Jaire. Kitang-kita ko sa mukha n'ya ang kaba.

Alam ko naman kung bakit. Matagal na n'yang gusto ang babaeng 'yun pero ano bang silbi ng karisma n'ya kung kay Iker ito patay na patay?

Napalingon ako kay Iker. Plano ko sanang haluan ng kalokohan ang usapan pero nalunok ko lang lahat ng gusto kong sabihin. Sino bang hindi? Iyong makita mo na nahati na sa dalawa ang mamahalin n'yang mechanical pencil, plus hindi na talaga maipinta ang mukha n'ya. Napalunok na lang ako ulit.

"Cut her hands into tiny bits,"

Parang gusto kong mawalan ng ulirat dahil sa narinig ko. Dude, he didn't said 'strain her hands' or 'make sure to cripple her hands' but instead... he said...c-cut? And to make it more horrible, 'cut it into tiny bits'?

Tama ba ang narinig ko? Bigla tuloy akong pinagpawisan ng malamig.

Cut? As in putulin? And into tiny bits?

Alam ko naman na may pagka-morbid 'tong si Iker. Minsan nga, kinikilabutan ako kapag ngumingisi s'ya sa tuwing nakakakita s'ya ng duguang nilalang lalo na 'yung bumabangga sa kanya, pero hindi pa naman kami humahantong sa sitwasyong pumutol kami ng kamay o paa o nakapatay na.

Iyong mga babaeng binalian n'ya ng buto noon, naka-recover naman na. Iyon nga lang, sa takot marahil nila kay Iker baka hindi na sila maghanap ng love life for the rest of their life. Bakit pa kase hindi nila magawa humanga lang. Kapag hanga lang, hanga lang. Hindi naman tatalab sa mokong na 'to kahit anong klaseng seduction pa ang gawin nila.

"Pwede natin s'yang paalisin dito sa school but we can't cut her hands, Iker. Pwede kang kasuhan ng pamilya nila at baka mahirapan tayong aregluhin ang mga 'yun," seryosong wika ni Duke.

Noon ko lang s'ya nakita na ganoon kaseryoso. Bago pa man ako makasali sa grupo, magkasama na talaga si Duke at Iker. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang bilis-bilis lang para kay Duke na basahin ang bawat body language or facial expressions ni Iker. Dahil din kay Duke kung bakit nabuo sa sistema ko ang pagkatakot kay Iker sa tuwing magagalit ito. Ginagawa kase talaga ni Duke lahat ng paraan para maibsan ang galit o anumang hindi magandang nararamdaman ni Iker sa tuwing nasa bad mood ito.

Naisip ko pa noon na baka nababakla lang si Duke dito pero hindi. Sa bawat ginagawa n'ya, may kasama iyong respeto at tahasang pagsunod. Kaya nabuo na din sa isipan namin ni Jaire na dapat naming gayahin si Duke. Umiwas hangga't makakaiwas at tumulong hangga't makakatulong para iwas gulo.

Nabuntong-hininga na naman ako. Anong klaseng mga kaibigan ba ang natagpuan ko? Pero magkagayunman, masasabi ko naman na mabubuting kaibigan ang mga ito. At isa pa, ako naman ang nagpumilit sa sumali sa grupo nila dahil lang sa napaka-duwag ko dati at palagi akong nabu-bully. Si Iker ang nagligtas sa akin kaya may utang na loob ako sa kanya.

"Are you disobeying my orders?" Ni hindi man lang tumitingin kay Duke na tanong ni Iker.

"Well, naisip ko lang. Kapag ba nalaman ni Iya ang ginawa mo... lalapitan ka pa ba n'ya? Hindi ba s'ya makakaramdam ng takot kapag nalaman n'ya 'yun?" Nananantiyang tanong ni Duke.

Ilang sandaling naghari ang katahimikan.

"Expel her from this class and from this school. I don't want to see her again. And for that guy na nagtapon ng tempura sa labas, cripple him."

Ilang buwan na rin kaming hindi nagbibigay ng kahit na anong punishment. Ilang buwan na rin kaseng nanahimik ang mga pasaway na estudyante. Buong akala ko ay wala ng susunod sa yapak ng iba pero meron at meron pa rin pala. Napailing ako. Hindi naman kami ang nagsasagawa ng punishment, may iba kaming inuutusan para hindi madawit ang mga pangalan namin.

That Lorrie del Mundo, sayang s'ya.

"Malay mo naman this time, mapasagot mo na s'ya," nakangising wika ko kay Jaire ng lumabas na kami sa classroom.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jaire.

"C'mon, Dude. Dapat nagpapasalamat ka nga ngayon dahil hindi na s'ya mapuputulan ng kamay. Kaya lang, kapag naging gf mo s'ya. Hindi mo s'ya pwedeng iharap kay Boss o isama sa mga outing ng grupo natin," ipinagdiinan ko pa ang salitang 'boss' kahit na hindi naman ako madalas gumamit noon patungkol kay Iker. Mas prefer ko ang first name basis. Iyong mga sumusunod lang sa grupo namin ang tumatawag ng boss sa kanya when talking to him.

Muli na namang napabuntong-hininga si Jaire. Napailing na lang ako. Sa totoo lang, hindi naman ako sigurado kung seryoso talaga s'ya sa nararamdaman n'ya para sa babaeng 'yun dahil hindi ko mabilang sa mga daliri ko sa kamay ang mga gf n'ya sa iba't- ibang school. Andami kayang reserba ng mokong na 'to. Feeling mauubusan ng babae.