IYA
Kinuha ko mula sa kamay ni Philip ang tupperware. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bigat-bigat nitong pakiramdam ko. Hindi maalis sa isipan ko ang masungit at walang kaemo-emosyong mukha ni Ivan o Iker. Whatever. Bakit ko pa ba pag-aaksayang isipin kung anuman ang pangalan ng taong kagaya n'ya? Hindi n'ya ba alam na ang dami-daming tao na nagugutom tapos itatapon n'ya lang ang tempurang pinaghirqpan kong gawin? Pwede naman sana n'yang ibalik ng maayos kung ayaw n'ya. Hindi naman s'ya pinipilit.
Hindi ko lang mapigilang isipin ang mga pangyayari...huminga ako ng malalim. Alam ko naman sa sarili ko na walang espesyal sa mga pangyayari a year ago. Naisip ko lang na, after what has happened...medyo, medyo close na kami. Iniisip ko nga lang pala 'yun dahil nandito na s'ya sa tunay na mundo n'ya. Kung saan na tila ba s'ya ang pinakikisamahan at hindi s'ya ang nakikisama.
Muli akong napabuntong-hininga saka dinala sa basurahan ang madumi ng tempura. Gustuhin ko mang ipakain man lang sana iyon sa aso o pusa pero wala naman akong alam na aso at pusa.
"Ahm, Boss...pwede bang akin na lang yan?"
Lumingon ako sa nagsalita. Hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya pero nahuli ng mga mata ko ang pagbuka ng mga labi n'ya.
"Pwede naman sigurong hugasan 'yan diba, Boss? Tas lulutuin ulit?"
"Kung sa hayop mo ipapakain okay lang, pero kung sa tao, huwag na," mahina kong sabi kay Philip.
Hindi na ako umangal ng muli n'yang kunin sa kamay ko ang tupperware.
"Huwag kang mag-alala Boss. Asal hayop naman ang pagbibigyan ko eh," hindi na ako kumibo. Ni hindi ko inisip kung joke ba ang sinabi ni Philip. Malapit ng matapos ang lunch break kaya bumalik na ako sa upuan ko. Hindi ko napansin na halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.
"Sinasabi ko na may something sa kanila eh,"
"Tingin n'yo ba higit pa sa magkakilala ang relasyon nila?"
"Whoa! Akala ko isang uri ng halimaw si Ivan Kerwin na hindi tinutubuan ng puso, pero isang probinsyana lang pala ang makakapagpa-inlove sa kanya?"
"Wait, wait, wait! Anong na-inlove? Bakit? Na-inlove na ba si Iker baby kay Iya? Paano n'yo naman nasabi?"
"Ipina-reserve lang naman n'ya ang buong canteen sa STEM Building,"
Napakunot-noo ako. Kanina pa ako nakakarinig na parang ang daming mga bubuyog na dumayo sa classroom namin. Sino bang mga nagbubulungan? nang mag-angat ako ng paningin ay kaagad na huminto ang lahat ng naririnig ko.
"Beshy,"
Lumingon ako kay Josefa. Hindi ko alam kung saan ba n'ya napulot ang pangalang 'beshy'. Hindi ko rin maintindihan kung bakit para s'yang namatayan sa itsura n'ya.
"My gee beshy! Is he breaking up with you? Kailangan n'ya pa ba talagang mag-rent ng isang buong canteen para lang makipag-break sa'yo? Paaasahin ka n'yang okay lang ang lahat tapos dudurugin n'ya ang puso mo? Ganun ba 'yun?"
Hanudaw?
"Anong pinagsasasabi mo?" Peks man, mamatay man ang kulugo sa paa ng kung sino mang may kulugo pero hindi ko mawawaan kung ano ang sinasabi ng baklitang 'to. Papunas-punas pa s'ya ng kanyang mga mata na animo'y may mga luha ngang nalalaglag mula roon.
Sinong nakikipag-break? Sinong nagpapaasa?
"Pero Beshy, answer me. Paano mo naging boyfriend si Iker de Ayala?"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Ano bang pinagsasasabi ng nilalang na 'to? Iyong hudas na 'yun? Boyfriend ko? Hindi naman siguro ako ganoon kamalas para magkakaroon ng boyfriend na ganun ka salbahe, hindi ba?
"Hindi ko s'ya boyfriend,"
"Weh?"
"Tunay?"
"Wag kami,"
"Wag mo ng itago, halata naman namin,"
Sunod-sunod na birada nang mga kaklase ko. At dahil malalakas ang boses nila, hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Bahala nga kayo d'yan. Mukha lang akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa ginawa kong tempura na itinapon n'ya. Hay naku. Hindi ko na kayang i-accomodate ang imagination n'yong ubod ng wild. Paniwalaan n'yo na ang gusto n'yong paniwalaan. Basta hindi ko s'ya boyfriend. Wala kaming kahit na anong relasyon. Hindi kami close.
Hindi nga ba...?
Muling bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari noong isang taon. Noong panahong nakatira pa s'ya sa amin habang nagpapagaling s'ya. Iyong mga sandaling sinasamahan n'ya ako sa gubat para lang mangahoy. Tumutulong s'ya sa paggawa ng uling kahit na halata namang hindi s'ya sanay sa ganoon. Ilang beses pa s'yang napaso noon.
Kapag ginagabi ako sa bayan, hinihintay n'ya ako sa may tulay para may kasabay ako pag-uwi sa bukid. Never s'yang nagreklamo sa mga iniluluto ko. Masyado s'yang morbid magkatay ng manok kaya never na akong nagpatulong sa kanya. Ayaw n'ya na naliligo ako sa ilog dahil dirty daw dun. Pero kaya lang naman n'ya nasabing dirty iyon ay dahil nakita n'yang pinaglulubluban ng mga kalabaw ang ilog sa amin.
Hindi ko mapigilan ang pagguhit ng munting ngiti sa aking mga labi. He doesn't know how to smile, nor to laugh but his presence...I don't know why, but I always felt so secured and safe around him.
Unti-unting nabura ang ngiti mula sa mga labi ko ng muli kong maalala ang shrimp tempura. Sa totoo lang, mas lamang ang lungkot na nararamdaman ko kesa sa inis or galit. Lungkot dahil... inakala ko lang pala na ma-appreciate n'ya ang effort ko. Iba pala talaga ang kinasanayan nya. Ibang-iba ang mundong ginagalawan n'ya kesa sa mundong kinasanayan namin ng kapatid ko. Iniisip ko lang pala na kilala ko na s'ya.
Nang makita ko s'ya kaninang umaga hindi ko mapigilang makaramdam ng saya kahit na hindi ko iyon ipinapahalata. Hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa dahil sa bagong mundong gagalawan ko, hindi ko inaasahan na nandito s'ya. Halos wala akong pagsidlan ng tuwa. At napatanong ako sa sarili ko na ...paano kung habang kinakain n'ya ang tempura... Maalala n'ya kaya 'yung mga simpleng bagay na ginawa namin sa bukid noon? Ang bilis-bilis pa ng tibok ng puso ko habang iniisip ang mga iyon. Ang tsunga ko naman. Magkaiba nga pala kami ng mundong ginagalawan. Bakit ba nakalimutan ko agad 'yun.
Kaya hindi magandang sumasaya ako eh. Ang sakit kaagad ng kapalit.
"Okay Beshy, s-shut up na ako. Nakakatakot na 'yang itsura mo, huwag ka ng magalit okay? Naniniwala na kami na hindi mo dyowa si Iker babes basta huwag na mainit ang ulo, okay?"
Muli na naman akong lumingon sa baklitang katabi ko. Ang daldal! Bakit ba wala akong packaging tape, ang sarap i-tape ng bunganga n'ya sa totoo lang. At isa pa, hindi ako galit. Nagluluksa ang puso ko hindi nagagalit. Magkaiba 'yun! Haist.
"Iimik ka pa? Hindi mo talaga ititikom 'yang bibig mo?" Kulang na lang ay umusok ang bunbunan ko sa sobrang inis. Bakit ba paulit-ulit n'ya pang binabanggit ang pangalan ng mokong na 'yun!?
Napaatras si Josefa saka tinakpan ng mga kamay n'ya ang bibig nya. Para s'yang halamang unti-unting nalalanta.
"Anong ibinubulong-bulong n'yo?" angil ko naman sa mga kaklase ko. Nawala sa isipan ko na nasa trash section nga pala ako. Ibig sabihin noon, halos lahat ng mga estudyante dito ay may ugaling 'trash', at mga hindi rin nagpapatalo. Pero dahil sa inis ko kay Iker at sa ginawa n'ya sa tempura ko, damay-damay na.
Hanggang sa matapos ang klase namin maghapon, hindi ako kinibo ng mga katabi ko. Ni hindi nga rin sila lumilingon sa gawi ko which is pabor sa akin. Para mawala ang atensyon ko sa lungkot at inis na nararamdaman ko nag-focus na lang ako sa subject namin.
Nang magkaroon kami ng debate sa Filipino kanina about abortion, all out na 'ko. Wala akong mapagbuntunan ng galit, eh, di dito ko ibubunton. Syempre hindi naman ako pabor doon, pero dahil nakatoka ang grupo namin sa pagtatanggol sa abortion halos durugin ko sa pangangatwiran ang kalaban naming grupo.
"Mam! Overtime na po kayo,"
Napilingon kaming lahat kay Park Soo. Pawis na pawis s'ya at akala mo naman ay nanggaling sa gyera. S'ya kase ang tagasagot nang kabilang grupo.
Tila nakahinga sila ng maluwag nang tumingin sa wall clock ang Filipino teacher. Atubili pa ito ng magligpit ng mga gamit n'ya. Mukhang sa aming lahat, s'ya lang ang nag-enjoy sa pagtatalo naming magkakaklase.
"Okay class, para sa assignment n'yo gusto kong gumawa kayo ng tula para sa nanay ninyo. At dahil nag-participate ang lahat sa discussion at activity natin, may plus point kayo sa akin. Good job," iyon lang at nakangiting lumabas na sa classroom si Mam.
Napakunot-noo ako. Nang-aasar ba si Mam? Tula para sa nanay? Bakit naman ako gagawa ng tula para sa kanya? Sino ba s'ya sa buhay ko? Dapat nga yata ipina-abort na lang n'ya ako noong nasa sinapupunan pa lang ako para naman hindi napupuno ng maraming bakit ang isipan ko ngayon.
"Ces, ano bang problema n'ya...bakit parang mas dumilim ang mundo n'ya?" Kinakabahang tanong ni Josefa kay Ces na hindi naman kumikibo. Akala yata ng baklitang 'to bingi ako. Hello, naririnig ko ang sinasabi n'ya. Huminga ako ng malalim saka unti-unting pinakalma ang mainit kong ulo. Mahirap na, baka hindi na ako samahan ng mga ito sa pamimili mamaya.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Josefa. Tahimik na inayos ko ang mga gamit ko saka isinukbit sa kanang balikat ang isang handle ng back pack.
"Let's go?" tanong ko sa kanila. At napakunot-noo ako ng makitang parang namutla ang mga ito.
"Ahmmm..." hindi ko maintindihan kung plano bang ubusin ni Yana ang bag n'ya dahil bigla n'yang kinagat ng kinagat ang handle noon.
"I think my driver is...you know, waiting for me already." anaman ni Ces na ngayon ko lang nakitang mawalan ng composure sa sarili. She also look bothered.
"Yes, Beshy, alam mo na mga gawaing bahay...luto ng hapunan ganyan at---,"
"So ginogoyo n'yo lang ako nang sabihin n'yo kaninang sasamahan n'yo akong mamili?" Nakaigkas ang kilay na tanong ko sa kanila.
"Ahmm, I-i'll go with you,"
Nakataas pa rin ang kilay ko ng tumingin ako kay Sue. Hindi ko ini-expect na sa kabila ng pagiging mahiyain n'ya ay may lakas din naman pala s'ya ng loob na itinatago.
"Sure ka?"
Tumango naman si Sue sa tanong ko.
"Okay, tara na. Una na kami," paalam ko sa tatlong naiwanang nakanganga.
JOSEA's POV
Oh my dear!
Napahawak ako sa nininerbyos kong heart. My gee! Hindi kinikeri ng bangs ko ang isang kagaya ni Delaila Magtanggol! Napapa-isip tuloy ako kung tama ba ang desisyon kong i-beshy s'ya.
"Will she be fine?" narinig kong ask ni Ces. Ako pa ang tinanong, eh pare-pareho lang naman kaming ngayon lang nakilala si Iya. Sino bang nakakaalam kung aabutin pa ba ng tomorrow si Sue? That girl, what is she even thinking?
"Let's follow them. Baka naman kumalma na si Iya at hindi s'ya maging bayolente,"
Pinasingkit ko ang mga mata ko habang tinitiningnan ang babaeng sa sobrang straight ng body, she looks like kahoy na may kakaibang pintura sa mukha. Her ayos, it's really-really making my bangs hurt...big time!
"That's a good idea. Tara na,"
Sinundan ko ng tingin ang dalawang kalahi ni eva. My gee, hindi ba pwedeng umuwi na lang kami para naman makapag-beauty rest na ako?! Pero nakonsensya din ako dahil nagpresinta pa naman ako kanina na sasamahan si Iya girl sa pasa-shopping n'ya.
Huminga ako ng malalim then I elegantly flip my beautiful bangs. Wala naman akong choice diba? My conscience is so big and besides, that Iya girl, she really needs a total make over.m
"Hey gals! Wait foh mehhh!" Sigaw ko gamit ang pinakamaganda kong tinig. I swear, mahihiya ang Ibong Adarna kapag naging magkaribal kami sa isang singing contest.
Sa first floor ko na naabutan ang dalawa. Nakatayo lang sila na parang mga tuod habang nakatitig sa isang direksyon so I look at the certain direction curiously.
"Whhhaaa----!"
The moment na nakita ko ang senaryong tinitingnan ni Alyanang mukhang tuod at Celeste na well...she passed my taste sa pwedeng tumapat sa beauty ko---hindi ko mapigilan ang paglaglag ng panty este ng panga ko dahil sa sobrang pagkakanganga.
Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko pero iyon at iyon pa rin ang tanawing nakikita ng paningin ko. My gee! Hanga na talaga ako sa karismang taglay ni Iya girl! Sa lahat ng babaeng nag-i-exist sa paaralang ito and who knows kung saang parte pa ng mundo...s'ya lang ang may kakayanang tumingin ng ganyan kay Iker baby.
Kung nakamamatay lang ang tingin hindi ako sure kung saang ambulansya ba isasakay ang machong katawan ni Iker baby.
"Let's talk. I have something to tell you,"
Mariin akong napapikit at ninamnam ang ligayang dulot ng malamig na boses ni Iker baby. Ilang beses ba? Ilang beses ba akong nangangarap na palaging marinig ang boses n'ya? Kahit magsalita s'ya ng pagalit keri lang basta naririnig ko ang makatunaw puso n'yang boses. My gee! Even his voice sounds so yummey! Ano pa ba ang hindi katakam-takam sa kanya basta ibawas lang ang malahalimaw n'yang ugali kapag nagagalit.
"Talk? Talk to your face!" cold na sabi ni Iya girl sabay tabig sa napakagandang kamay ng lalaking pinapangarap ko. Naman eh! Pwede naman kaseng ako na lang ang hawakan pero bakit hindi ako?!
Hindi ko magawang pumalakpak sa ligaya ng makaalis na si Iya girl dahil biglang nag-iba ang temperatura ng paligid.My Iker baby, why he suddenly looked so dangerous. Parang isang maling hakbang palapit sa kanya, lalapangin na n'ya ako ng bongga. At hindi ko magawang pumalakpak sa saya dahil sa naisip ko dahil when it comes to Iker...hindi langit ang pupuntahan ko kundi morgue!
________
A/N: Guys, bago pa malito ang inyong mga isipan...Josea is Josefa. Si Iya lang ang naka-imbento ng pangalang Josefa :'>