Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 18 - Did you change your perfume?

Chapter 18 - Did you change your perfume?

NAGING TAHIMIK ang buong byahe nila pauwi. Umalis agad sila sa mansion ng mga Dominguez matapos ang insidente. Wala namang namatay sa apat na binatang nagtangka ng masama sa kanya maliban sa mga sugat at bali sa buto. Samantala, kritikal naman ang kalagayan ni Cristoff dahil sa taas ng naging pagbagsak nito. Galit si Lexine sa ginawa ng mga ito at sisiguraduhin niyang mananagot ang mga ito sa batas. You cannot mess up a Vondeviejo and she will use all their family's power to put them behind bars.

Humingi naman ng paumanhin sa kanya si Xyrille. Lahat ng tao ay nasa kanya ang simpatya lalo na't napanuod ng karamihan ang Facebook live ni Cristoff. Naging usap-usapan din kung sino ang misteryosong lalaking nagligtas sa kanya. Hindi na muli pa nagpakita ang binatang nakamaskara at `di rin siya sigurado kung nais niya pa `tong makita.

Ang mga titig nito, ang boses at ang kakaibang pakiramdam na dulot ng pagdampi ng mga daliri nito sa kanyang labi at peklat sa dibdib. Hindi niya `yun basta makakalimutan. Pakiramdam niya dumikit at nag-iwan `yon ng matinding marka sa kanyang balat. Hindi na mapaliwanag ni Lexine kung ano ba `tong nangyayari sa kanya. Bakit pakiramdam niya pamilyar ang lalaking `yun? Bakit tila may `di maipaliwanag na koneksyon ang humahatak sa kanya sa estranghero?

Muling sumiksik sa kanyang isipan ang tungkol sa lalaking nagtatago sa itim na hood na palagi niyang nakikita. Bakit malakas ang kutob niya na iisang tao lang sila? Maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan pero wala ni isa siyang makuhang sagot.

"`Yung tungkol sa lalaking nagligtas sa `yo, sabi mo nakamaskara siya. Anung ginawa niya sa `yo, Alexine? Sinaktan ka ba niya?"

Naputol ang malalim niyang iniisip nang magsalita si Ansell. Kasalukuyan itong nagmamaneho pauwi. Nagsalubong ang kilay niya. Kanina niya pa nahahalata na parang may kakaiba rito. Hindi niya maipaliwanang pero tila may mali sa mga kinikilos ni Ansell. Most especially the way he speaks; he seems like a different person. Isa pa sa pinagtataka niya ay kung bakit siya nito tinatawag sa buong pangalan niya, which is a very seldom act of him.

"Hindi naman niya `ko sinaktan," sagot niya pagkuwan. Huminto ang sasakyan sa tapat ng kanilang mansion. Nakauwi na pala sila. Hindi man lang niya namalayan.

Tinanggal ni Lexine ang seatbelt. "Thank you sa paghatid, Ansell. Goodnight." Hinawakan niya ang door handle nang biglang kumapit ito sa braso niya. Natigilan siya. Seryoso ang mukha nito.

"Alexine, pakiusap mag-iingat ka. Lalo na sa lalaking `yun. Kung sino man siya ay hindi ka ligtas sa kanya."

Bakit ba lahat na lang ng sinasabi ng mga tao sa paligid niya ay hindi niya maintindihan?

"Ano ba'ng sinasabi mo? Do you know that guy?"

Natigilan ito. Malalim itong nag-isip at mabigat na bumuntong-hininga. "Basta, makinig ka lamang sa'kin. Sa sandaling magpakita ulit sa'yo ang lalaking `yun, layuan mo agad siya."

Masyado ng maraming nangyari ngayong araw at pagod na pagod na siya para mag-isip pa. Ang gusto na lang niya ay matulog at magpahinga.

She sighed. "Okay fine, I need to rest. I'll see you tommorow at school." Hinalikan niya ang kaibigan sa pisngi at bigla na lang itong nanigas sa kinauupan. Napakunot ang kanyang noo. Madalas naman niyang halikan si Ansell sa cheeks so bakit bigla na lang itong naging awkward? At teka, parang may kakaiba sa amoy nito. "Nag-change ka ba ng perfume mo?"

Nagtataka na talaga si Lexine sa kinikilos ni Ansell. Para itong nakakita ng multo sa pamumutla ng mukha nito. Medyo naiilang na siya kaya nagmadali na siyang bumaba ng kotse. Pinagkibit balikat na lang niya ang lahat at napapagod na ang utak niya. Nang makapasok sa loob ng mansion ay muli niyang nilingon si Ansell. Tulala pa din ito habang hawak ang pisngi.

So weird.