Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 19 - Red apple

Chapter 19 - Red apple

ISANG PULONG ng mga tao ang nag-uusisa sa gitna ng kalsada sa kahabaan ng Makati Avenue. Panay ang pag-flash ng camera ng cellphone ng mga ito. May ngilan-ngilan ang kumukuha ng selfie o kaya nagpu-post ng stories sa social-media accounts. Samantala, naka-ready nang ambulansya sa tabi ng pinangyarihang aksidente habang abala ang mga pulis sa pag-iimbestiga sa nangyari. Isang binatilyo ang nakaratay sa malamig na sahig habang naliligo sa dugo. Na hit and run ito. Dead on the spot.

Mula sa tuktok ng mataas na building na kanyang kinauupuan malinaw niyang natatanaw ang lahat ng kaguluhang nangyayari sa ibaba. Nililipad ng malakas na ihip ng hangin ang suot niyang itim na hood habang abala naman ang isa niyang kamay sa paglalaro ng pulang mansanas. Hinagis-hagis niya `yun na tila bolang nilalaro.

"Isang kaluluwa na naman ang kailangan nating sunduin, Master. Sariwa at birhen ang kaluluwa ng batang nilalang."

Lumingon ang binata sa anino na lumulutang sa kanyang tabi. Nakasuot ito ng mahabang itim na balabal na tumatakip sa mukha at buong katawan nito. Ang color purple nitong mga mata—na maihahantulad sa nanlilisik na mata ng hayop na nagtatago sa dilim—ang tanging masisilayan. Habang ang bawat paggalaw nito ay nag-iiwan ng itim na usok sa hangin.

"Martin Hernandez, born on July 12, 1997. Died today, January 23, 2017. Cause of death: accident. The boy worked as a bartender and he was the breadwinner of his family," aniya habang hindi inaalis ang tingin sa kaguluhan.

Bilang isang Tagasundo nakikita niya ang eksaktong panahon kung kailan mamamatay ang isang tao. Bawat detalye ng magiging kamatayan nito: saan, kailan at paano. It's his foremost responsibility to guide the spirits until they reached the boundary between the world of the living and the world of the dead.

"Humans are emotional souls, Ira. They're all a bunch of stupid mammals, running and walking around without thoroughly using their brains," kinagatan niya ang mansanas, "Only the purest soul should enter the shitty paradise to say hello to their Papa and spend the rest of the afterlife smooching the ass of the old man. But unfortunately, nobody is pure anymore." He chuckled while he savored the sweetness of the fruit on his mouth—as sweet as the promise of salvation.

Humalakhak ang tapat at kanang kamay niya na si Ira. Tila nanggagaling sa isang malalim na balon ang boses nito na sinusundan ng pag-echo. "Ngunit walang makahihigit sa kaluluwa ng babaeng `yong kinahuhumalingan, napakalinis at puti, walang kahit anung bahid ng dumi at kasamaan. Sa tagal kong naglilingkod sa inyo ngayon lamang ako nakakita ng gano'n. Totoong nakakamangha ang taglay niyang kagandahan."

Sang ayon ang binata sa sinabi ng kanyang anino. Matagal nang naninilbihan sa kanya si Ira. Sa pito niyang mga alipin ay ito ang pinakamaasahan. Walang kuwestiyon din ang katapatan nito.

May limang taon na rin ang lumipas simula nang binali niya ang isang mahigpit na patakaran upang bigyan si Lexine ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Breaking the rule for one precious soul was a big risk that he took. Pero malakas ang kutob niya na may kakaiba sa babaeng iyon. Sa tagal ng panahon niya bilang Tagasundo ay ngayon lang siya nakakita ng gano'ng klase ng kaluluwa.

Noong gabi na iniligtas niya si Lexine ay agad na niyang napansin na may espesyal sa dalaga. Hindi ito katulad ng mga ordinaryong soul na araw-araw niyang nakikita, sinusundo at nakakasalamuha. Kaya naman mas lalong lumaki ang interes niya rito. Aalamin niya kung ano ang hiwagang nababalot sa babae. Bukod pa dun ay mayroon siyang hindi maipaliwanag na nararamdamang kakaibang kaugnayan kay Lexine.

There's something with that girl that he couldn't explain. He just found himself mindlessly following her since the night he had kissed her. Lexine is like a drug that he couldn't resist. For the last years, he has been secretly watching her from the shadows. He admits that Lexine is the most beautiful woman he has ever seen. And he's just merely waiting for the perfect moment to get his precious price.

Ang halik na ibinigay niya kay Lexine ang tanging bagay na nag-uugnay ng kaluluwa nito sa kanyang mga palad. She's still in this world because of the curse that he has put on her. Ngayon lang siya nagkaroon ng labis na paghahangad sa isang nilalang sa lupa. Hinding-hindi siya papayag na mapunta sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan dahil sisiguraduhin niyang sa mga kamay niya ito babagsak.

Grim Reaper couldn't wait to reveal every layer of her mysteries; mind, body, and soul. Lexine is his most anticipated present, save for the last and wrapped in beauty and grace. Ready for him—only for him.

"Anung plano mo para sa moral, Master? Hindi ka na niya naalala," tanong ni Ira.

Sinadya niyang tanggalin ang memorya ni Lexine no'ng gabi na una silang nagkita. Besides, he always likes to play games with humans. Seeing how scared and frustrated she is ay mas lalo siyang naaaliw at nalilibang. She's so cute when she's terrified like a crying unicorn, isn't she just lovely?

"Living for hundred of years is pretty tedious, Ira. She'd keep me entertained."

"Kailan mo babawiin ang kanyang kaluluwa, Master? Kakaiba ang angkin taglay ng mortal. Tiyak na makapagbigay siya sa'yo ng karagdagang kapangyarihan."

Hinagis niya uli ang hawak na mansanas at pagkasalo niyon ay muling kinagatan. "Not yet. I have other plans for the girl. I'm still enjoying my little toy. After all she's mine so I can do anything I want with her."

Umalingangaw ang malamig na tawa ng anino. "Napaka tuso mo talaga, Master."

Hmp, I just know how to play my game. Ngumisi ang binata at muling tinuon ang atensyon sa kaguluhan sa ibaba ng building. Tumayo siya at tinapon ang buto ng mansanas. Walang pag-aanlinlangan niyang tinalon ang hangganan ng rooftop at mabilis na nagpahulog. Sinalubong siya ng malakas na ihip ng hangin.

Kasing gaan ng papel na lumapag ang mga sapatos niya sa sementadong daan `tsaka dahan-dahang humakbang palapit sa nakaratay na katawan ni Martin. Nilagpasan niya ang mga taong nag-uusisa. He used his powers to hide from human eyes.

Nilapitan ng Tagasundo ang malamig na bangkay ng binatilyo. Hindi na niya naririnig ang pulso nito senyales na namatay nang katawang lupa nito. Tinapat niya ang kanang kamay sa dibdib ng bangkay at gamit ang hintuturo niya ay gumuhit siya ng triquetra symbol. Sa bawat guhit niyon ay umiilaw ang asul na liwanag.

"Śudhātman abhyāgata madrik," he chanted a spell using the oldest language.

A thread of a blue flame blazed on the corpse's chest. That's his hellfire.

Ilang sandali pa at unti-unting bumangon ang kaluluwa nito. Pagkatapos ay tumayo ito at tuluyang humiwalay sa katawan.

Humarap sa kanya ang kaluluwa. Tama nga si Ira dahil malinis at sariwa ito. Martin's soul is luminous as it emanates a bright light. It means that his spirit was not corrupted by evilness. Ngumiti ang Tagasundo kay Martin. "Say goodbye to your world little buddy. It's time for another ride."