ILANG ORAS ng pinagmamasdan ni Lexine ang hawak na piraso ng puting balahibo. Mas mahaba pa `yon sa buong palad niya. Kanina pa siya nagri-research sa internet pero wala siyang makitang katugma niyon. Nakasisiguro siya na hindi `yon isang ordinaryong feather lang dahil masyadong mahaba, makapal, at makinang ang bawat hibla.
"Sa'n ka ba talaga nanggaling?"
Muling sumagi sa isipan niya ang lalaking napaginipan niya nung nakaraang gabi. Naiwan sa memorya niya ang dalawa at pahaba nitong peklat sa likuran. Saan kaya nito nakuha ang peklat? Pinag-iingat din siya nito, pero kanino? Sino ang tinutukoy nitong nagbalik?
Sunud-sunud na katok ang pumainlanglang sa silid. "Pasok!" sigaw niya.
Bumukas ang pinto at sumilip si Belle. "Lexi, pinapatawag ka ni sir Alejandro."
Agad bumangon si Lexine at tinago ang balahibo sa ilalim ng unan. Naabutan niya ang kanyang lolo na abala sa loob ng home office nito habang tambak-tambak ang mga papeles na nagkalat sa ibabaw ng working table na gawa sa mahogany wood.
"Lolo, baka pinapagod niyo na naman masyado ang sarili niyo. Diba, Doc Juanito already advised that you need to less down the stressful works?" Nakangusong nilapitan niya ang matanda.
Nag-angat ito ng tingin. "I'm okay, apo. Matatapos na rin `to."
Umupo si Lexine sa itim na victorian sofa na katapat ng desk nito at pumalumbaba sa arm rest. "Bakit mo pala `ko pinatawag, lolo?"
Tumayo si Alejandro at inayos ang mga papel. "I'll be leaving for a few days, darling, roughly a week. I'll fly to Australia tomorrow for an important business conference with our international investors and some things that I need to chesk first hand. I just want to remind you to please be careful while I'm away. Kung pu-pwede, eh, `wag ka ng masyadong lumayo at umalis ng bahay." Mabigat itong bumuntong-hininga. "I already filed the case against your schoolmates. Ayoko ng maulit pa `yun. Kung `di lang importante ang lakad na `to ay `di na `ko tutuloy. I'm so worried at baka kung ano na naman ang mangyari sa `yo."
Na-guilty naman agad si Lexine dahil may kasalanan din siya sa nangyari at naging masyado siyang pabaya. Lumapit siya kay Alejandro, pinatong ang ulo sa balikat nito sabay nilingkis ang sarili na parang pusa. "Lolo, I'm so sorry. I didn't mean to make you worry. I promise that I'll behave myself. No parties, no out of towns, and no—"
"No boys!" pagtuldok nito sa sinasabi niya.
Tinaas niya ang isang kilay. "Kahit si Ansell bawal?"
Ngumiti ang kanyang abuelo. Malapit ang lolo niya at si Ansell. Sa lahat ng lalaking umaaligid sa kanya ay ito lang ang may basbas mula rito. "Of course, Ansell is allowed."
Ngumiti siya nang matamis at mahigpit na niyakap ang braso nito. "Mag-iingat ka rin dun, lolo. Don't forget to take your meds on time, okay?" she sweetly said.
"Yes, my dearest darling."