UNTI-UNTING iminulat ni Lexine ang mabigat na mga talukap. Unang tumambad sa kanya ang mataas na kisame. Nakakapaso ang lamig na nanunuot sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang bumangon. Nilibot niya ang mata sa paligid. Sa gawing kanan natanaw niya ang walang tigil na bagyo sa labas. Maya't maya ay kumikidlat kasabay ng malakas na kulog.
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw na nagpatalon ng dibdib niya. Mabilis niyang hinanap ang pinaggalingan ng ingay. Kung may nagpaputok, ibig sabihin ay delikado ang kinaroroonan niya.
"Gago ka Boyet, bakit mo binaril?" May lalaking sumigaw.
Agad nataranta si Lexine. Mabilis siyang tumayo at naghanap ng mapagtataguan. Nagkalat ang mga kahoy at sako sa bawat sulok. Natagpuan niya ang isang lumang sand mixer machine. Maingat siyang nagtago sa likod niyon habang sinusundan ang pinanggagalingan ng kaguluhan.
`Di kalayuan, natanaw ni Lexine ang apat na lalaki. Ang isa sa mga ito na pandak at maitim ay takot na takot habang hawak ang isang baril. Ilang dipa mula sa kinatatayuan ng mga ito natanaw niya ang isang batang babae na nakahandusay sa sahig. Nagkalat ang dugo nito at nag-aagaw buhay.
Tinakpan niya ang bibig upang pigilan ang tunog na muntik nang kumawala. Binaril ng mga lalaking `yun ang bata at hindi niya alam kung anung dapat gawin. Paano siya hihingi ng saklolo?
Bakit ba kasi ako napunta rito? Paano ako naipit sa ganitong sitwasyon?
Ang huling naaalala ni Lexine ay nasa ballet studio siya at nagpa-practice. Pagtingin niya sa sarili ay suot niya pa rin ang training uniform niya. Kung ganoon paano—nagilalas si Lexine nang maalala ang lalaking naka-hood. Tama! That monster! Ang lalaking `yun ang nagdala sa kanya rito at ang walanghiya ay iniwanan siya basta!
"S-sorry bossing nabigla kasi ako—"
"Tignan mo ang ginawa mo! Magkakaletse-letse tayo nito, sinira mo ang plano inutil!"
"Bossing! Napuruhan ata `to."
Muling napukaw ang atensyon ni Lexine sa mga lalaki. Mas lalo niyang itinago ang sarili. Malinaw na masasamang loob ang mga ito at hindi siya maaring mahuli kung hindi ay siguradong mapapahamak siya. Sino kaya ang batang `yun at bakit parang pamilyar ito sa kanya? At teka, parang nakita na niya dati ang lugar na ito. Hindi niya lang maalala kung kailan siya nakapunta rito.
Maingat siyang gumapang patungo sa mas malapit na pwesto upang masilayan niya nang maayos ang mukha ng bata. Nagtago siya sa likuran ng mga patong-patong na sako. Nang makalapit ay pilit niyang i-pi-nokus ang mga mata at inayos ang posisyon hanggang sa tuluyan niyang natanaw ang mukha ng kawawang biktima.
"Oh… my… God!" Nanlamig ang pakiramdam niya.
It's impossible! This can't be real! Dahil ang batang `yun ay walang iba kundi siya!
Sa isang sulok ng bodega lumitaw ang isang kakaibang bagay. Isa itong itim na usok na tila pintuan patungo sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi niya nanaising puntahan. Nangilabot ang buong katawan ni Lexine. Tila napako siya sa kinatatayuan. Ilang sandali pa at isang pamilyar na lalaki ang iniluwa ng portal. That's him! Anung ginagawa nito?
Takot na takot ang mga masasamang loob sa pagdating ng lalaking naka-hood. Akala ni Lexine ay naubos na'ng lahat ng pangingilabot niya nang makita ang batang sarili na nag-aagaw buhay subalit mas masahol pa pala ang mga susunod na kaganapan. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata kung paano walang awang pinatay ng lalaking naka-hood ang mga masasamang loob. Mas karumal-dumal pa ang ginawa nito sa apat na kidnappers kaysa sa grupo ni Cristoff.
She can't believe that he brutally murdered all of them. Hindi na niya napigilan ang pag-asim at pag-ikot ng kanyang sikmura. Nagsuka siya. Matapos ilabas ang lahat ng laman ng tiyan ay muli niyang sinilip ang nangyayari. The hooded guy is now holding her lifeless body.
"Please save me ..."
"In every wish comes with a price. Are you willing to pay the price?"
"Yes"
Nasaksihan ni Lexine kung paano hinalikan ng lalaking naka-hood ang bata niyang sarili. Mabilis ang paglamon sa kanya ng realisasyon. Parang isang eksena sa pelikula na sunud-sunud na bumalik ang lahat ng kanyang alaala; ang gabing ito, ang mga kidnapper, ang lalaking nagligtas sa kanya, ang masakit nitong halik at ang kasunduan nila.
Unti-unti nang nagkalinaw ang lahat. Namatay siya nang gabing `yun. Matagal na dapat siyang patay. Pero nakipagkasundo siya sa isang demonyo at ngayon ay nagbalik na ito upang singilin ang kabayaran.
"Naaalala mo na'ng lahat?"
Pumihit si Lexine sa kanyang likuran. Nakatayo na roon ang binata. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Tila nanlalamig na kuting na siniksik niya ang sarili sa sulok ng mga kahoy at sako. She doesn't want him near her again. Her mind was shouting at her to run, but her knees were too weak to move.
Muli niyang naalala ang mga binitiwan nitong salita sa studio, "A kiss of death. It binds your soul in my hands." Kung talaga ngang nangyari ang lahat ng ito at ang tungkol sa halik, ibig sabihin ay totoong nakipagsugal siya sa isang kampon ng kadiliman?
"Kukunin mo na ba `ko?"
Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib. Nakapa niya ang peklat na nakuha niya five years ago. Wala siyang kahit anong maalala matapos magising sa hospital. Ang sabi lang ng kanyang lolo Alejandro ay nakuha niya `yon sa isang aksidente. Ni hindi niya nga alam na na-kidnap pala siya noon.
"That would be too easy for you," sagot ng binata.
"What do you want? Sino ka ba talaga?"
Matagal silang nagtitigan bago siya nito tuluyang nilapitan at inalalayang makatayo. Halos hindi na niya maramdaman ang sariling tuhod sa sobrang panlalambot ng mga `yon. Pinunasan ng binata ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito.
She doesn't know what he wants from her o kung ano pa ba'ng pinaplano nito sa kanya. Why did he help her? What the hell is he? But what she scares the most is the huge probability that she can't run away from him. He's too strong, powerful, and evil. Dalawang beses na niyang nasaksihan kung anung kaya nitong gawin. At kung talagang nakaugnay ang kaluluwa niya sa binata dahil sa sumpa ng isang halik. Ibig sabihin ba ay habangbuhay na siyang matatali rito? Mababaliw na siya sa mga teoryang nabubuo ng isip niya.
"Please... kung ano man ang gusto mo sa `kin, I can't… I—"
"There's nothing that you can do. You're mine, Lexine. I own you."
"No, no, no! Hindi ako papayag! Never!" Bumitaw siya sa mga kamay nito. "You're a monster!" She shot him daggers with her eyes.
Tumaas ang sulok ng bibig ng binata at hinablot ang kanyang braso. Dinikit nito ang mukha sa kanya. "You have no idea." He gritted his teeth.
Mas lumakas ang hagulgol ni Lexine. She's losing it. She's too weak, how can she fight him? Ngayon pa nga lang ay wala na siyang magawa.
Napakarami niya pang pangarap na gustong tuparin. Lexine's at the peak of her ballet career. She has a school to finish, her friends, and above everything else, she has her most valued person in the world: Alejandro. No! She can't let this beast get her!
"Please, kung sino ka man, just let me go. I can't die like this. I want to continue my life. I have so many dreams, I still have… no, please."
Nanlulumo siyang umupo sa sahig. How the hell it turned out like this? She has a damn perfect life! Nanaginip lang ba siya? Sana nga ay isa lang `tong masamang bangungot at bukas ay magigising na siya at babalik na sa dati ang lahat.
Lexine was painfully breaking inside. Unti-unti nang lumalabo ang dating malinaw niyang kinabukasan. She has always believed that everything in her life would fall in the right places. But it was a big fat joke! Just like how she'd believed that she'll be forever happy with her parents.
Her parents left her when she was only six. Nagtungo sila noon ng mga magulang niya sa Bali Indonesia. Sumakay sila sa sasakyan upang puntahan ang kaibigan ng mommy niya na gusto nitong bisitahin. Leonna was hugging her tightly at the back seat while Andrew was smiling to her from the front seat. Iyon ang huling naaalala niya bago siya inantok at nakatulog. Hindi niya inakala na iyon na rin pala ang huling beses niyang masisilayan ang mukha ng mga magulang.
Paggising ni Lexine ay nakahiga na siya sa isang `di pamilyar na lugar kasama si Alejandro. Hinanap niya ang mga magulang pero tanging paghihinagpis at pag-iyak lang ang sinagot ng kanyang lolo. Her parents died because of a car crashed. Pansamantala siyang inihabilin ni Leonna sa kaibigan nito kaya nakaligtas siya sa aksidente.
Those were the happiest day of her life, but perversely, it was also the worst. Now, she was back again as the six years old girl crying endlessly every night—alone and helpless. And no matter how long she'd wailed for her parents to come back and no matter how hard she'd prayed to God to let her feel their warm embrace again, it will never happen. Her parents are forever gone. Death is finally here and ready to pull her to the abyss of darkness, exactly like how it took her parents away from her.
Lumuhod ang binata sa kanyang harapan. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at sinalubong ang mga mata niyang nahihilam sa luha. Natigilan si Lexine. Ano itong nababasa niya sa mga mata nito? Is he…?
"Stop crying."
Nahigit niya ang hininga at agad tumigil sa paghikbi. Guni-guni niya lang ba o talagang nakitaan niya ng emosyon ang mga mata nito? Pero imposibleng may puso ang demonyo para maawa sa kanya. Isang milagro na lang kung tutubuan ito ng damdamin.
But he gave you a second life, Lexine.
Is he really heartless o baka naman may natitira pang kapirangot na puso ang lalaking ito? Dahil kahit gaano pa kaliit ang porsyento na maaring may natitirang awa ang binata, handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kalayaan niya sa mga kamay nito.
"Five years ago, nagmakaawa ka sa `kin na bigyan ka ng pangalawang buhay. Now that I'm back to get your payment from our deal, iiyakan mo pa rin ako. You always use me." Naningkit ang mga nito. "What will I do to you?"
Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Lexine. Mukhang umi-epekto naman ang pagda-drama niya rito. Kumakapit siya sa pag-asang `yon.
Tumayo na'ng binata at humakbang palayo. Naiwan siyang nakatunganga.
"Wait!" sigaw niya. Huminto ito ngunit hindi lumingon. "Sino ka ba talaga?"
Matagal na hindi kumibo ang binata. Dahan-dahan na siyang hinahatak ng kadiliman at nanghihina na ang buong katawan niya.
Sa kabila ng lakas ng ulan at kulog sa kalangitan. Nangibabaw pa rin ang mababang boses nito.
"Night... that's my name."
Malakas na kidlat ang huli niyang nasilayan bago siya tuluyang nilamon ng dilim.