Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 29 - No touch allowed

Chapter 29 - No touch allowed

"GIRL, OKAY ka lang? Natulala ka na riyan!" Hinigop siya pabalik sa realidad nang marinig ang boses ni Xyrille. "Bakit bigla ka na lang namutla? Ano? Na-starstruck ka na? I told you, he's super perfect, diba? Like, is he even a human?"

Wala itong ka idi-ideya na ang kinakikiligang lalaki ay mapanganib at kampon ng kadiliman. At oo, hindi ito tao dahil isa itong diablo na nagmula sa kailaliman ng mundo! Gusto sana niya `yun isa tinig pero pinigilan niya ang sarili. Wala siyang maisagot sa pang aasar nito sapagkat para siyang naubusan ng hangin sa paninikip ng kanyang dibdib.

Nagtagal pa ng kaunting segundo ang pagtititigan nina Lexine at Night. Obvious na walang pakialam ang binata kahit pa pinagkakaguluhan ito ng mga babae habang naglalakad papalapit sa direksyon nila. Tanging sa kanya lang nakatuon ang mga mata nitong napakalalim kung makatingin.

"Ay! He's walking towards us, oh gosh!"

Gusto na niyang pumasok sa loob ng kotse at umalis na sa lugar na `yon. Ayaw niya na muling makalapit pa sa kanya ang demonyong ito. Pero napako naman ang mga paa ni Lexine sa kinatatayuan habang naninigas sa ilalim ng mga titig ni Night. Ilang hakbang na lang ang layo nito nang biglang humarang si Ansell sa kanyang harapan.

"Sorry to keep you waiting, baby. Let's go."

Hinawakan nito ang bewang niya at inalalayan siya patungo sa loob ng sasakyan. Hindi nakaligtas kay Lexine ang mabilis na pagtalim ng mata ni Night sa kamay ni Ansell. Bakit ganun ito kung makatitig?

Nagpaalam na siya kay Xyrille. Pinagbuksan siya ni Ansell ng pinto at inantay na makaupo bago ito mabilis na umikot sa drivers seat. Nanatili lang siyang nakatulala kay Night na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibitaw ng titig sa kanya.

"Hey, seatbelt on."

Inabot ni Ansell ang seatbelt sa side niya dahilan ng hustong pagdikit ng mga katawan nila. Halos yakap-yakap na siya nito sa ganung posisyon. Pansamantalang na-distract si Lexine at napasulyap sa mukha ng kaibigan na ngayon ay kadangkal na lang ang distansya sa kanya.

Nginitian siya nito sabay kumindat pero isang malakas na putok ng gulong ang agad pumutol ng titigan nila. Lumundo ang sasakyan. Agad napatuwid nang upo si Ansell at lumingon sa labas. Mabilis itong bumaba ng kotse. "What the fuck?" sigaw nito.

Napilitan na rin tuloy bumaba si Lexine at alamin kung anung nangyari. Nanlaki ang mata niya nang matagpuan na umuusok ang isang gulong sa harapan ng pulang 2019 Hyundai Veloster ni Ansell. Napasabunot na lang ito ng buhok sabay hugot sa cellphone at nag-dial ng numero. Pagdating pa naman sa kotse ay napakaarte ng kanyang best friend. Halata sa mukha nito ang pagkabalisa.

Halos lahat ng atensyon ay nasa kanila na. Maging ang mga babae sa paligid ni Night ay nagbubulungan na rin. Gano'n din si Xyrille na nagpalipat-lipat ng tingin sa gulong at sa kanya.

Dumapo uli ang mata ni Lexine kay Night at nahuli niya itong nakangisi nang malaki. Tinaasan siya nito ng kilay at umismid bago naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa sumakay ito sa isang itim na R8 Audi Coupe V10.

Malakas ang kutob ni Lexine na ang demonyong `yun ang may kagagawan ng pagsabog ng gulong. Hindi niya napigilan ang labis na iritasyon sa kapilyuhan ng bwisit na gunggong. Hindi niya mabasa kung ano ba talaga'ng nasa isip ni Night at bakit bigla na lang itong nag-enroll sa kanilang university. Ngayon tuloy ay nasa malapit lang ang kalaban.

Mas lalong hindi mapapalagay si Lexine dahil alam niya sa sarili na anumang oras ay nasa panganib ang kanyang buhay. Sa mga kamay ng lalaking nagtatago sa itim na leather jacket at hood.