Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 31 - VIP

Chapter 31 - VIP

"WHY ARE YOU late, Lexine? `Di ka nag-attend ng Entrep kanina."

Iyon ang unang bungad ni Janice sa kanya pagpasok niya sa Law of Business Organization na pangalawang class niya sa araw na iyon. Dahil sa mga isiniwalat ni Cael ay hindi na siya muli dinalaw ng antok kaya tinanghali na siya ng gising. "Ah, masakit kasi ang puson ko," pagsisinungaling niya.

Nag-kwentuhan pa sila tungkol sa mga report at ginagawang thesis. Fifteen minutes pa ang lumipas bago dumating ang kanilang professor na si Mr. Hernandez. Nilapag nito ang laptop at itim na messenger bag sa ibabaw ng professors table. Gamit ang panyo na kinuha sa bulsa nito ay pinunasan nito ang pawis sa napapanot nitong noo.

"Okay class, good afternoon. Last meeting we weren't able to complete our discussions, so today, we need to continue and finish the entire chapter. You need to make a five pages reaction paper about this so better listen carefully and take down notes."

Umungol ang buong klase.

"Would you like ten pages instead?" Binulsa nito uli ang panyo at binuksan ang laptop nito.

"Sir, okay na po kami sa five pages," sagot ni Xyrille. "Right guys?"

Labag man sa kalooban ay sabay-sabay na sumangayon ang lahat. Kilala si Mr. Hernandez sa buong department na isa sa mga pinakamadaming pinapagawa pagdating sa paper works. Limang pahina pa lang ay kalbaryo na para sa isang reaction paper. Ano pa ang sampu?

Ngumiti ang matandang professor. Kaligayahan nito ang pahirapan ang mga estudyanteng katulad nila. Lalo pa't lagi nitong dahilan na huling taon na nila sa kolehiyo kaya nararapat lang na lubusin na nila ang pagsusunog ng kilay dahil mas marami pa silang susunugin sa totoong mundo sa labas ng eskwelahan.

"Good, now let's start."

Mabilis na nagsimula ang discussions. Halos kalahati ng klase nila ay kung hindi natutulog, busy sa mga cellphone o sa kung ano-anong pinagkakaabalahan upang pampalipas oras. Nanatili lang nakatingin si Lexine sa white board kung saan nakatutok ang projector habang nagdi-discuss si Mr. Hernandez ng powerpoint. Pinipilit niyang makinig at mag-focus kahit ang totoo ay gusto ng sumarado ng mga talukap niya.

"Business organization law refers to the numerous ways a business may be legally formed under state law—" naputol ang pagsasalita ni Mr. Hernandez sa biglang pagbukas ng pintuan.Sabay-sabay na pumihit ang ulo ng lahat sa pinanggalingan ng ingay. Diri-diretsong pumasok ang isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket. Napatuwid agad nang upo si Lexine kasabay ng nag-uunahang kabayo sa kanyang dibdib

'Night'

Napakurap ng ilang beses si Mr. Hernandez sa bagong dating. Samantala, ang lahat ng mga babae naman sa silid ay tumititig nang napakalagkit sa binata. Nagbubulungan pa ang mga ito habang hindi maitago ang kilig.

Aroganteng tumayo lang doon si Night ng ilang segundo bago naglakad sa harapan, inilapag ang isang piraso ng papel sa ibabaw ng professor's table (enrollment form) at preskong nagtungo sa bakanteng upuan sa likod ni Lexine. Halos hindi siya gumagalaw at humihinga. Nararamdaman niya ang nakapapasong titig nito mula sa kanyang likuran.

"Mister..." Huli na nang matauhan si Mr. Hernandez. Pasimpleng sinilip nito ang papel. "Fuerdo, Night."

Nagsitilian ang mga kababaihan matapos marinig ang pangalan nito. Anung nakakikilig sa pangalan niya? Tumirik ang mga mata niya.

Tumikhim nang malakas ang matandang professor at agad tumahimik ang lahat. Bahagya nitong inayos ang suot na eyeglasses bago lumakad palapit sa pwesto nila.

Hindi napigilan ni Lexine ang sarili at sumilip sa likuran. Tama nga ang kanyang instinct dahil pag-lingon niya, agad nagtama ang kanilang mga mata. Relax na nakadikwatro ang binata habang nakahalukipkip. Nilalaro pa nito ang ibabang-labi gamit ang dila nito habang nang-aakit naman ang tsokolate nitong mga mata na tila isang huni ng sirena na humahatak upang siya ay lumapit sa malalim na karagatan. Nakakalunod ang mga titig nito at isang suicide na magpadala sa agos niyon. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero hindi talaga maipagkakaila ang nagmumurang sex-appeal ng demonyong ito.

Huminto sa gilid ni Lexine si Mr. Hernandez. Nakataas ang kilay nito habang mapanuring nakatitig kay Night na walang pakielam at hindi inaalis ang malagkit na tingin sa kanya. Siguro kung nakapapatay lang ang pagtitig ay kanina pa siya pinaglalamayan. Hindi niya tuloy mapigilan ang biglang pag-iinit ng buong mukha. Ikaw ba naman ang titigan ng demonyo?

Demonyong ubod ng gwapo.

"Mr. Fuerdo, I don't know who the hell you are and I don't care. But you're already two terms late in my class. Ano ka VIP? Super late enrollee at basta-basta ka na lang papasok ng klase ko? Nasaan ang excuse letter mo? At bakit pumasok ka pa gayong finals na?" mahabang sermon ni Mr. Hernandez na nagpahatamik sa lahat nang nangyayaring kaguluhan sa paligid.

Napalunok si Lexine sa labis na tensyong nabubuo sa loob ng silid. Hindi pa rin bumibitiw ng titig sa kanya si Night at naiirita na siya sa ginagawa nito lalo na sa paglalaro nito sa labi. Sariwa pa sa kanyang isipan kung paano siya panggigilan ng mga labing iyon. Ugh!

"I am talking to you, Mr. Fuerdo!" Dumagundong ang boses ni Mr. Hernandez. Namumula na ang buong mukha nito habang namumutok ang maliliit na mga ugat sa leeg at sintido nito.

Tila mabibigat ang mga talukap na bumaling ng tingin si Night sa matandang professor. Hindi man lang alintana ang namumuong tension sa paligid at feel at home na nakaupo lang doon. Huling-huli ni Lexine kung paano biglang nag-iba ang kulay ng mata nito. Mula sa dating brown ay naging blue iyon.

"I forgot my excuse letter," walang gana nitong sagot.

Hindi siya sigurado kung siya lang ba ang nakapansin pero bigla na lang nag-iba ang mood ni Mr. Hernandez. Mula sa mabagsik nitong anyo ay bigla itong naging maamong tupa. "Okay, I will excuse you for today, but next time I won't accept any late comers in my class," anito na tila walang nangyari at bumalik sa pwesto sa harapan.

Nakanganga na nagpabalik-balik ang tingin ni Lexine kay Mr. Hernandez at sa lalaking nasa likuran niya na ngayon ay muli na naman nakatitig sa kanya. Freaking demon power!

Hindi niya na napigilan ang sarili. Bahagya niyang nilapit ang mukha sa binata at bumubulong na kinausap ito. "Anung ginawa mo kay Mr. Hernandez? Kitang-kita ko `yang ma—" Naputol ang sinasabi niya nang tumuwid nang upo si Night at agad sinalubong ang mukha niya. Nahigit niya ang hininga. Halos nagbabanggaan na ang mga ilong nila.

"Shhh, cupcake. We're in a classroom."

Nagtagis ang bagang niya. "Please lang, huwag kang gumawa ng masasamang bagay rito," mahina ngunit may diin niyang sabi.

Ngumisi ito nang nakaloloko. Napipikon na talaga siya sa ngisi nitong nakabi-bwiset. Sarap tsinelasin!

"What? Wala `kong ginagawa. `Di ko naman siya sinaktan or something. I just shut his fucking mouth," pa-inosente nitong katwiran.

Nagkuyom ang mga kamay niya sa ibabaw ng lamesa. Nararamdaman niya na may hindi ito magandang binabalak kaya naman ang dakilang gunggong ay nag-enroll pa talaga sa university nila. Pilyo talaga ang lalaking ito at gusto makipaglaro sa kanya. Sa laro na wala siyang balak pasukin.

"Kung ano man ang pinaplano mo at kung bakit mo `ko sinundan dito, hindi kita hahayaang saktan ako o kahit ang mga tao sa paligid ko." Naniningkit ang mga mata niya. Alam niya na pinagtitinginan na sila ng mga kaklase niya pero wala na siyang pakielam. Kumukulo ang dugo niya sa demonyong ito.

"Masama na ba mag-aral ngayon? Am I that bad in your eyes? Aw, that's too harsh my dear. You're hurting my poor little heart." Hinawakan pa nito ang dibdib sabay ngumuso at nag-drama na parang batang iiyak na. Nanginginig-nginig pa ang labi nito.

Gusto na niya itong sakalin. "Hindi mo `ko mapapaikot, Night!"

Sa inis niya ay tumaas lang ang sulok ng labi nito. Pinukol niya ito ng matalim na tingin bago bumitiw ng titig at binalik ang atensyon sa white board.

Buong klase lang siyang nakatuon sa harapan habang ramdam na ramdam niya ang bigat ng mga titig ni Night sa kanyang likuran na tila paulit-ulit siyang hinuhubaran.