BUONG GALAK NA sinalubong ni Lexine nang mahigpit na yakap ang kanyang Lolo Alejandro. Kakarating lang nito galing airport. "I missed you so much apo."
"Welcome back, Lolo! Na-miss din kita!"
Inalalayan ni Lexine si Alejandro pagpasok nito sa mansion. Nagpatulong siya kay Belle sa pagluto ng masasarap na putahe para sa pananghalian. Galak na galak naman ang matanda sa maliit niyang surpresa. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa naganap nitong business conference habang nagsasalo sa hapag.
"That's good to hear, lolo," tugon niya tungkol sa kinukwento nito. Na-close raw nito ang isang malaking deal sa merging ng Vondeviejo Mega Corp at isang big oil company sa Australia.
Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi na siya mapakali. Kay tagal niyang hinintay si Alejandro upang itanong mismo rito ang isang bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya. Humugot siya ng malalim na hangin sa dibdib. "Lolo."
"Yes, apo?"
Humigpit ang hawak niya sa mga kubyertos at kinagat ang ibabang labi. "I'd like to ask you something. I hope that you'd tell me nothing but the truth."
Bahagyang natigilan si Alejandro. "Yes my darling, what is that?"
Nagbilang muna siya ng ilang segundo bago naglakas loob na magpatuloy. "Five years ago, nung naaksidente ako at naggising sa hospital. It wasn't just a simple accident. There was something wrong that happened that night."
Biglang nasagi ni Alejandro ang baso sa tabi nito. Natapon ang tubig sa lamesa. Saglit bago ito nakaimik. "Alexine, apo, bakit mo naman biglang tinatanong ang tungkol do'n? That's already part of the past."
Napalunok si Lexine. It's now or never. She deserves to know the truth.
"I just want to know the whole story. I need to know the real reason of this mark." Tinuro niya ang dibdib. "I did not get this just because of a simple accident. Why didn't I remember anything nung naggising ako? Why did you lie to me?" Hindi na niya napigilan ang bibig. Kahit alam naman niya ang sagot ay gusto niya pa rin malaman ang rason nito sa pagtago sa kanya ng totoo.
Lexine has lived her entire life believing that everything will fall into place. Siguro kung nalaman niya ang totoo na na-kidnap siya ay baka mas maaga niyang naalala ang mga nangyari ng gabing `yun. She could have done something to prevent all these dilemmas she's facing now. She can't help but feel upset.
Bumagsak ang balikat ni Alejandro at malalim itong bumuntong-hininga. "It was the scariest day of my life, Alexine. It was the day that I almost lost you," paninimula nito.
"Kinidnap ka ng isa sa mga dati kong security. Nahuli siyang nagnanakaw so I fired him. Malaki ang galit niya sa `kin. He begged for a second chance pero `di ko siya pinagbigyan. I sent him to the prison but he'd escaped. Bilang ganti kinuha ka niya. Nagpanggap silang hotel staff at nakita sa CCTV na lumabas sila ng kwarto mo. Tinago ka nila sa ilalim ng trolley. Belle called me and told me na bigla kang nawala ng hotel. Malakas na agad ang kutob kong may nangyari sa `yo until I received a call from Romell.
"He asked for a big amount of money. I was helplessly scared and worried that night at `di ko alam kung anung gagawin ko. Saglit na oras lang ang palugid nila sa `kin at natatakot akong `pag nahuli ako ng kahit isang minuto ay tuluyan ka ng mawala sa `kin. So, I prepared the money and went to the place where they hid you.
"I went there alone while the policemen were hiding. But when I reached the place, I saw you lying on the ground almost lifeless. I was scared to death and I cried in pain. Akala ko patay ka na. I immediately called the police and we rushed you to the hospital. Natagpuan din ang mga bangkay ng kidnappers sa bodega pero hindi na nahuli ng mga pulis kung sino ang may gawa ng krimen."
Natahimik si Lexine. Nababasa niya sa mga mata nito ang matinding takot na naranasan nito noon. Gusto sana niyang sabihin na si Night ang pumatay. Ang lalaking dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon. Pero hindi niya iyon maaring sabihin.
"It was a miracle that you still survived according to the doctors. Maraming dugo ang nawala sa `yo. Your wound was deep pero nakapagtatakang wala silang bala na nakuha. Sa operating room, your heart already stopped beating. I-di-neclare na nila ang time of death mo. I almost lost my mind when I thought that you're already gone. But then a miracle happened, you came back to life.
"They checked your pulse and it started beating again. After that you're in a comatose state for weeks. At nang nagkamalay ka na wala ka ng maalala. The doctor said it was just a side effect from your trauma. It's also one of the reason why I decided to lie. It's better if you don't remember that dreadful night. Hindi na ulit bumalik ang memory mo tungkol sa gabing `yun kahit lumipas na'ng ilang buwan at taon but now..." Nagtatakang bumaling ito sa kanya.
"I remember everything lolo."
Napailing ito. "But how, Lexine?"
Natigilan siya. Hindi niya maaaring sabihin ang katotohan dahil mapapahamak ang lolo niya sa oras na malaman nito ang tungkol sa kasunduan nila ni Night.
"I don't know, I just remembered what happened in the old storage house. `Yun lang ang naalala ko," pagsisinungaling niya.
Lumuhod si Alejandro sa kanyang harapan. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at hinalikan `yon. "I'm sorry for not telling you the truth. Ayoko na lang balikan ang nangyari. I wanted to forget everything. It was too painful. I can't bear to loose you again, Alexine."
Naluluhang hinagkan ni Lexine ang kanyang abuelo. Ngayon ay nauunawaan na niya ang pinagdaanan nito at kung bakit nito tinago sa kanya ang totoo. "It's okay, lolo. Thank you for telling me. I'm sorry if you have to go through that horrible—"
"Shh, no, no, no." Hinaplos nito ang magkabila niyang pisngi. "Wala kang kasalanan apo. It was all my fault. I could have known na may leukemia pala ang bunsong anak ni Romell."
Napatakip ng bibig si Lexine.
"Kung pinakinggan ko lang siya sana noon at tinulungan ang anak niyang makalabas ng hospital hindi sana nangyari ang lahat ng `yon. Hindi ka sana nasaktan." Humagulgol ito.
Nadudurog ang puso ni Lexine na makitang nagkakaganoon ang kanyang lolo. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at dinaluhan ito sa sahig. "Lolo, please, don't say that. It's not your fault. Wala naman gusto na mangyari `yun."
"But I could have protected you. Wala `kong nagawa nung kinuha sa `kin ang mommy mo. And I swore to myself that I'll never let anything happen to you. But I failed. Just like how I failed your mother."
Hinaplos niya ang luha sa pisngi nito at kinuha ang isa nitong palad. Nilapat niya `yon sa kanyang didbib.
"Every day, I wake up in the morning feeling grateful for having a wonderful grandfather. You've done so much for me. You provided me everything." She looked into his eyes and saw all the love and regret. "You were never a failure, lolo. Because you're the only reason why I'm still here in this world—alive and happy."
Marahang hinaplos ni Alejandro ang kanyang pisngi. "I love you so much, darling. You're my life, my everything, my little princess."
Pinatong niya ang mukha sa palad nito. "I love you so much, lolo."
Natatakot si Lexine na kapag tuluyan na siyang mawala sa mundong ito ay maiiwang malungkot at nag-iisa ang kanyang lolo. Nakita niya sa mga mata nito kung gaano ito naghirap noong muntik na siyang mamatay. Paano na kapag tuluyan na siyang kunin ni Night at ilayo kay Alejandro?
Yes, she decided to deal with the devil when she was dying and it was a mistake. She was too young and reckless and desperate. Lexine wanted to feel grateful to Night for giving her a second life but it feels wrong. Everything is wrong. She didn't know that he was an evil cunning beast in a body made of sex and sin. Night manipulated her. Pinagsamantalahan nito ang sitwasyon na desperado siya at ngayon ay nakatali siya rito na tila isang tuta na gusto nitong paglaruan. He is a monster. The essence of depravity and darkness.
Hindi siya papayag. Nabuo ang isang desisyon. Na sa kahit anong paraan, kahit sa pinaka imposibleng paraan ay lalaban siya. Hindi niya hahayaan na makuha siya ng prinsipe ng kadiliman. Hindi niya ibibigay rito ang buhay at kaluluwa niya. Kailangan niyang lumaban at magpakatatag para sa mga taong nagmamahal sa kanya.