DAHAN-DAHAN naglalakad si Martin sa tila walang katapusang disyerto. Nilalamon ng buhangin ang mga paa niya sa bawat hakbang habang nakakapaso sa balat ang mataas na sikat ng araw. Hindi na niya alam kung gaano na sila katagal naglalakbay ng lalaking nagsundo sa kanya. Ni hindi rin ito nagpakilala. Basta ang alam niya lang ay ito ang maghahatid sa kanya patungo sa kabilang buhay.
Hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanyang ina at tatlong mga kapatid. Nalungkot siya nang maalala ang naiwang pamilya. Siya ang panganay, maliliit pa ang mga ito at may sakit naman sa puso ang kanyang ina. Matagal na silang iniwan ng walanghiyang ama at sumama sa ibang babae.
Pauwi na sana si Martin galing sa trabaho. Excited pa naman umuwi ang binata dahil may dala siyang pasalubong sa mga kapatid. Ang huling naaalala niya'y tumatawid siya ng kalsada nang makarinig ng malakas na busina. Paggising niya ay kaharap na niya ang Tagasundo.
"Paano na'ng mga kapatid at nanay ko?" tanong niya sa binatang nauunang naglalakad. Pinagmasdan ni Martin ang kabuuan nito; matangkad ito, nakasuot ng itim na damit, at natatakpan ng hood ang buong mukha.
"They will continue living," he said in a bored voice.
"Bata pa ang mga kapatid ko tapos may sakit pa naman si nanay. Paano na sila kakain sa pang araw-araw? Kasalanan ko `to, eh. Sana nag-ingat ako sa pagtawid." Yumuko siya, kinagat ang ibabang labi at pinigilan ang nagbabadyang hikbi.
"You died because of an accident. Naka-red na'ng stop-light but the fate was a bloody bitch and the motherf*cker who exploded your brain was driving so fast and then––boom! You're dead. That's how the cycle of life works. It's not your fault so stop whining like a p*ssy and walk faster `cause I have things to do."
Mas lalo lang bumigat ang loob ni Martin dahil sa sinabi nito. Totoo pala ang kasabihan na hangga't nabubuhay ka pa ay palagi mong ipapaalam at ipaparamdam sa pamilya at mga kaibigan mo kung gaano mo sila kamahal. Dahil sa isang iglap ay maaring wala ka ng pagkakataon pa.
"We're here." Huminto ang Tagasundo. Lumikot ang mga mata ni Martin sa paligid. Puro gabundok na buhangin lang ang natatanaw niya at walang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa.
"Saan?"
Nasagot din ang tanong niya nang biglang lumindol. Natumba si Martin sa buhangin pero `di man lang natinag ang Tagasundo na tila isang nakatayong matibay na rebulto. Lumakas nang lumakas ang pagyanig ng lupa hanggang unti-unting hinihigop ang buhangin sa kanilang harapan. Mula sa sentro ng whirlpool ay unti-unting lumitaw ang isang bungo. Umangat ang isang kakaibang bagay mula sa ilalim. Ilang sandali pa at tuluyang lumabas ang kabuuan niyon.
Isang higanteng pyramid na gawa sa mga bungo at kalansay ang matayog na tumayo sa kanilang haparan. Humarang ang patulis nitong dulo sa sikat ng araw. Ang taas nito ay katumbas ng twelve floors na building. Sa sentro ng base nito bumukas ang isang tagong pintuan. Madilim ang loob niyon. The darkness is eerily silent and it's ready to devour anyone who comes to it.
"What are you waiting for? Go inside."
Namutla si Martin. "Anung nasa loob niyan?"
"This door will lead you to the Gates of Judgement. You'd know once you come inside. If you believe that you did nothing but goodness when you're still alive, then you don't have to worry," paliwanag nito na hindi pa rin siya nililingon.
Dahan-dahan lumakad si Martin palapit sa madilim na pinto. Ilang hakbang pa at muli niyang nilingon ang Tagasundo. Sa wakas at nag-angat ito ng tingin at tuluyan niyang nasilayan ang kabuuan ng nakatago nitong mukha. Unti-unting napangiti si Martin.
"Good bye, little buddy."