Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 22 - Chandelier

Chapter 22 - Chandelier

SHE SPUN like an origami pinwheel swirling with the wind as the symphony danced inside her ears. Her pointed toes—with pressure as light as dust—followed each rhythm of the violin. She poured all her compassion in every movement of her body and swayed like a climactic hurricane inside the chaos of resonance. The music gently faded as she slowly bent her back in a hundred eighty degrees, with her arms at her side, fingers pointed at the floor and her eyes looking straight into an upside-down position.

Tumigil ang musika kasunod ng malakas na palakpakan. "Good job, Lexine! That's so wonderful!" puri ni Ms. Garcia. Bakas sa nagliliwanag nitong mukha ang labis na galak. Nagpasalamat si Lexine at humihingal na ngumiti sa lahat.

Pagkatapos niyang ihatid si Alejandro sa airport ay agad na siyang dumiretso sa ballet-studio para sa kanilang weekend practice. Nang matapos ang training nila at nakauwi na ang lahat ay naisipan muna niya na magpaiwan. Gusto niya pa kasing libangin ang sarili at baka sakali matanggal sa isip niya ang mga `di kaaya-ayang pinagdaanan.

"Are you sure you'll be okay here, Lexi?" tanong sa kanya ni Ms. Garcia. Nakasukbit na sa balikat nito ang malaking bag. Naiwan siyang nakaupo sa sahig habang ginagawa ang hamstring stretching exercise at nakaharap sa malawak na salamin sa unahan ng studio.

"I'm good, Ms. Garcia. Uuwi na rin `ko after an hour."

"Hindi mo na kailangan masyadong mag-practice. You're already too good to be true."

Tumawa siya sa huling biro nito. Hindi na rin nagtagal si Ms. Garcia at nauna nang umalis. Tinapos muna ni Lexine ang kanyang stretching bago muling sumayaw. Pumapailanlang ang musika sa buong studio. Isang accoustic version ng "Wouldn't be Love by Ritual."

The song is very emotional. Bilang isang passionate na ballerina ay natutunan ni Lexine na isabuhay ang bawat piece na kanyang isinasayaw. Ballet was her first love. She always put so much emotion into her craft. Music is a vibrating energy that connects with our mind and body. Kaya naman sa pagsasayaw niya lang din nagagawang ibuhos ang lahat ng nararamdaman. Whenever she's happy, sad, frustrated, or stressed—ballet is her sanctuary.

Isang dramatic pero fierceful na galaw ang kanyang isinabuhay. Kasabay ng bawat ritmo ng musika ang pagpilintik ng kanyang mga daliri. Ang bawat pagtingkayad ng kanyang mga paa ay nakikipag-isa sa mensaheng nais ipahiwatig ng kanta.

Pumasok sa isip ni Lexine ang masiglang mukha ng kanyang mommy Leonna habang magiliw siya nitong pinapanood sa ballet practice. Five years old pa lang siya noon nang magsimula siyang mag-attend ng summer class. Ang yumaong ina ang may gusto na maging isa siyang magaling na ballerina.

Nung una ay nahihirapan siyang makisabay sa mga classmate niya dahil siya ang pinakabata. Madalas pa siyang umiiyak noon dahil feeling niya hindi siya magiging magaling na ballerina. Ngunit ang mommy niya ang palaging nagpapalakas ng kanyang loob.

"Keep these words in your mind and heart. You are more than what you think you are."

Kung sana lang ay nabubuhay pa ang mommy niya, siguradong magiging proud ito sa lahat ng mga na-achieve niya. Ang pangarap niyang maging successful na ballerina ay ang pangarap ni Leonna na gusto niyang tuparin. She believes that through living her dream, she could make her mother proud in heaven.

Isang matulis na punyal ng nakaraan ang tumusok sa dibdib ni Lexine. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Tumalon-talon siya sa parte ng chorus. She did a continues cabriole. Then she pointed her toes and executed a petit allegro. Gumawa siya ng sunud-sunod na pique turn. Binilisan niya ang pag-ikot na tila isang turumpo. She spun more and more and more until she felt a sting of pain in her left foot that caused her to lose balance.

Isang matigas na bisig ang sumalo sa kanya. Agad nanuot ang pamilyar na amoy sa kanyang ilong.

"Easy there, cupcake."

Napigil ni Lexine ang paghinga kasabay ng pag-angat ng tingin. It's him! Agad siyang lumayo rito. Hindi niya napansin na namatay ang mga bumbilya sa kisame. Tanging kulay kahel na sinag mula sa papalubog na araw na tumatagos sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Hindi siya sigurado kung dahil ba `yon sa pagkahingal o sa lalaking kaharap. Pakiramdam niya ay lumiit ang studio kahit silang dalawa lang naman ang nasa loob.

"Paano ka nakapasok dito?" May sa pusa ata ang lahi nito at parang hangin na dumadaan at nawawala

"Through the door," he answered with amusement in his voice.

Saglit siyang lumingon sa pintuan at bumalik sa estrangherong binata. How come she already felt stupid by the three words that came out from his mouth?

Nagsimula itong humakbang pasulong kung kaya't agad siyang humakbang paatras. Biglang bumaba ang temperatura ng paligid. Pinagkrus niya ang dalawang braso sa bewang na para bang kaya nitong takpan ang kanyang katawan. Nakasuot siya ng black sleeveless leotards at white stockings. Naka-bun ang kanyang buhok kung kaya't litaw ang batok, balikat at malubog niyang collarbone. Pakiramdam niya tuloy ay sinusuri siya ng mga mata nitong nagtatago sa anino.

Humakbang ulit ito at umatras ulit siya. "Don't you dare come near me. Stay there or else—"

"Or else what? What are you going to do with me?"

Natigilan si Lexine. Ano nga ba ang laban niya rito? Nakita mismo ng dalawa niyang mata kung gaano ito kapanganib at kahit pa sabihin na may utang na loob siya sa binata dahil sa pagligtas nito sa kanya ay hindi pa rin siya dapat magpakapanatag.

Lumikot ang kanyang mga mata. Nasa locker ang mga gamit niya. Bukod sa salamin sa paligid ng studio ay wala ng ibang bagay na matatagpuan doon na pwede niyang maging armas upang ipagtanggol ang sarili. Ang pintuan ay nasa kaliwang korner ng studio ngunit kailangan niya pang malusutan ang lalaki bago siya makarating roon.

Now she's cornered. She got more anxious. But she'll never let him be satisfied by seeing her frightened like a kitten. He can intimidate her all he wants, but she would never let him succeed on whatever freaking plans he has.

Tinaas niya ang dalawang kamao at matalim itong tinignan. She used to train Taekwondo with Ansell when she was in grade eight kaya mayroon naman siyang alam na basic self defense. "Marunong akong ng martial arts kaya diyan ka lang at `wag kang magkakamaling lumapit kung hindi makakatikim ka sa `kin ng..." Pinilit niyang patatagin ang nanginginig na boses. "Round house kick!"

Tila dumaan ang anghel sa loob ng studio at binalot sila ng nakakabinging katahimikan. Ilang segundong walang reaksyon ang estranghero bago ito yumuko. Nagsimulang yumugyog ang balikat nito. Tinakpan nito ang bibig gamit ang likod ng palad nito na tila nagpipigil. Ngunit hindi ito nagtagumpay at tuluyang tumawa nang malakas. Umikot sa apat na sulok ng studio ang malusog na tunog ng halakhak nito.

Mabilis na namula ang buong mukha ni Lexine. Ganun ba talaga siya kalamya tignan kaya kahit simpleng pang-bluff ay walang epekto? Gusto niyang mainsulto pero mas nangingibabaw ang takot niya sa dibdib. "Anung nakakatawa?" Gusto na talaga niya itong bigyan ng malupit na round house kick sa mukha.

Sa isang kurap ay bigla itong nawala sa kinatatayuan at lumitaw sa harapan niya. Nahigit niya ang hininga. Sumandal ang likuran ni Lexine sa malamig na salamin. Umaabot lang ang noo niya sa ilalim ng baba ng binata habang binabati siya ng malapad nitong dibdib. Nanuot sa ilong niya ang bango ng katawan nito. His smell reminds him of a cold winter night when she and Alejandro went on a vacation in Japan for New Years Eve.

Yumuko ito at agad siyang pumikit. Lexine can feel his warm breath touching her right ear. Tumindig ang mga balahibo niya mula ulo hanggang paa.

"Stop making yourself cute or I might not be able to control myself."

"I'm not trying to be cute," mariin niyang giit.

"But you are." The amusement in his voice was apparent. He was obviously flirting with her and she hates it. "Why don't you look at me?"

Mabilis ang pag-iling niya na tila batang matigas ang ulo at ayaw sumunod sa magulang. Inangat nito ang kanyang baba gamit ang hintuturo nito.

"Open your eyes, Lexine," he teasingly whispered like how Satan had tempted Eve to take a bite of the forbidden fruit from the tree of good and evil. His voice was a seducing melody, and it's making her knees feel weak.

She clenched both of her fists, strongly fighting the demon's alluring words. "Ayoko."

"Look at me."

She remained hard as a statue.

"Stubborn girl, huh?"

Napasinghap siya nang malakas nang biglang umangat ang mga paa niya mula sa sahig. Pumulupot ang isang braso nito sa maliit niyang bewang habang ang isa naman ay umalalay sa kanyang pang-upo. Napakapit si Lexine sa balikat ng binata at awtomatikong lumingkis ang mga binti niya sa balakang nito sa takot na mahulog.

Nagmulat siya ng mga mata. "STOP!"

Habol-habol ni Lexine ang mabibigat na paghinga at pakiramdam niya'y para siyang sinisilaban ng apoy. This guy is torturing her and she hates how much her body responded to his. She looked down and immediately regret it.

A pair of familiar and beguiling brown eyes greeted her first. He has jet raven hair that looks so soft her hands are itching to touch them. His thick eyebrows are perfectly conformed to his long lashes. His pointed nose was annoyingly distracting because it's too perfect. The face of his skin was smooth and flawless. How could that be possible? Is he a baby or a man? Lastly, he has a well-defined jawline that can undoubtedly cut any pieces of jewelry in the world.

Subconsciously, Lexine nibbled her lower lip as she instantly felt the building dryness in her throat. His face is illegal!

"Don't fall for me too soon, cupcake. We're just starting the game."

He claimed her lips with a force that knocked all layers of her essence. She tried to push, punch, and kick him, but his body was hard as a rock. Lalo lang itong naging agresibo sa paglaban niya. He hungrily sucked her lips na para bang nakasalalay ang buhay nito sa labi niya. The flame they both created burst into a wildfire. It was too much for her weak heart.

She gasped for air. Wrong move, Lexine. He used that opportunity and freely inserted his tongue inside her mouth. Unti-unting lumambot ang mga tuhod niya dahil pakiramdam niya'y isa siyang kandila na unti-unting nalulusaw sa init ng halik nito.

And then he suddenly withdrew. Both of their mouths hung open. He pressed his forehead on hers. The sound of their heavy breaths synchronized with the erratic pulse of their heartbeats.

"I missed your lips."

Nag-init nang husto ang dalawang tenga ni Lexine. Tinulak niya ito at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa magkahalong paghahabol ng hininga at galit na nararamdaman. "How dare you!"

Lexine's eyes were blazing in outrage. Hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaking ito sa pambabastos na ginawa nito sa kanya! It was not the first time she was kissed by a man, but this is the only time it was out of her consent! Gusto niyang sumabog na parang bulkan.

Unti-unting lumingon pabalik ang binata sa kanya. His two beautiful brown eyes are sparkling in astonishment. Tumaas ang sulok ng labi nito at hinawakan ang pisngi nito na may mainit-init pang marka ng kanyang palad. "Aw."

Nagkiskis ang ngipin ni Lexine at pinaghahampas ang dibdib nito. "You evil jerk! How dare you kiss me! Bastos! Manyak! I hate you!"

Sinangga nito ang mga hampas niya habang hindi maalis ang ngisi sa labi na para bang permanente nang nakadikit doon. Hinuli nito ang dalawa niyang pulsuhan at muli siyang sinandal sa salamin. "Bitawan mo `ko!" singhal niya rito.

"I hate to say this, but you're turning me on when you fight me."

He claimed her lips once again, and this time it was harder than before. Lexine continued fighting and moaning in protest, but he keeps on feasting her mouth as though it was the most delicious meal in the world. Umiikot ang mundo niya sa halo-halong emosyong nararamdaman. Her body started to melt while her strength was slowly leaving her. Hanggang sa isang matinding kirot ang tumusok sa kanyang dibdib. Isang malaking kamay ang pumipiga sa kanyang baga. Kumapit siya nang mahigpit sa balikat nito. Bumitiw ang binata sa labi niya at madilim na tumitig sa kanya. "Is it painful?"

Kumalas si Lexine sa mga bisig nito at nagmamadaling humakbang palayo. Nadapa siya sa sahig habang pilit niyang hinahabol ang hininga niya. Nasapo niya ang dibdib, nagmumula ang kirot sa kanyang peklat.

Lumapit ito at lumuhod sa tapat niya. His eyes were dancing at the sight of her misery. Ngayon nakumpirma ni Lexine kung gaano kasama ang kanyang kaharap. He's nothing but an evil cunning demon. Sinusumpa niya ang lalaking ito!

"W-what... d-did y-you... do to... m-me?"

"Well, my dear cupcake, that thing is called kissing."

Pinukol niya ito ng tingin na kasing talim ng kutsilyo.

"A kiss of death. It binds your soul in my hands. At dahil nakalimutan mo na'ng masayang gabi na pinagsaluhan nating dalawa, ipapaalala ko ulit sa `yo." Hinablot nito ang kanyang braso at pilit siyang itinayo.

"Ira!"

Biglang gumuhit ang asul na liwanag sa tattoo sa loob ng kanang braso nito. It's a mark of a crescent moon with one eye on its side. A dark liquid suddenly emerged from the man's shadow on the wooden floor. The fluid floated in the air as it slowly shaped into a figure of a seven-foot man hiding in a large black cloak. Lexine was startled by a pair of glowing purple eyes. They are glaring at her like an animal hiding in the darkness of the woods.

Nanlaki nang husto ang mga mata niya. Wala siyang makita na mukha o katawan kundi isang lumilipad na itim na balabal. Ang laylayan ng suot nito ay tila isang tela na sumasayaw sa ilalim ng tubig habang ang bawat paggalaw nito ay nag-iiwan ng maiitim na usok sa hangin.

"Master."

Tumirik ang mga balahibo niya sanhi ng tunog ng boses nito. Tila nanggagaling iyon sa malalim na balon at sinusundan ng maliit na pag-echo.

"My cupcake and I will have a little date. Give us a ride."

Mabilis na sumunod si Ira. Ang suot nitong itim na balabal ay lumaki nang lumaki hanggang sa tumakip iyon sa buong kisame. Tuluyan silang nilamon ng kadiliman.