"SA ORAS NA MAKUHA ni bossing ang one hundred million pesos, ikaw na raw ang bahala riyan kay princess. Kilala mo naman si bossing, ayaw nun ng tatanga-tanga kaya siguraduhin mong didispatyahin mo nang maayos `yan, kung hindi tayo ang malalagot."
Tahimik na umiiyak si Lexine habang inaalala ang pag-uusap ng dalawang kidnapper na nagbabantay sa kanya. Narinig niya ang pagbubulungan ng mga ito may ilang oras nang nakalilipas. Ang akala ng mga ito ay tulog siya.
Inilibot ni Lexine ang mata sa paligid. Natatanaw niya sa labas ng mga sirang bintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan at pakisap-kisap na kidlat. Sinusundan ito ng makapagtindig-balahibong kulog na lalong nakadadagdag sa takot na kanyang nararamdaman.
Ang lalaking may peklat na tinatawag ng mga ito na "Bossing" ay lumabas at hindi pa bumabalik. Sa kabilang sulok ng bodega limang dipa ang layo mula sa kanyang kinauupuan abalang naglalaro ng baraha ang dalawang kidnappers habang nagkalat ang mga bote ng beer sa paanan ng mga ito. Isa na roon ang binatang kasama ni Bossing sa hotel. Malapit sa pintuan natutulog at nakaupo ang matabang lalaki na "Boyet" ang pangalan. Malakas pa itong humihilik habang nakasukbit sa shorts ang isang kalibre kwarenta'y singko na baril.
Muling dumagundong ang kulog at kasing bilis ng kidlat na bumalik sa alaala ni Lexine ang magandang mukha ng kanyang mommy habang sinasabi nito ang mga katagang tumatak sa puso't isipan niya.
"Lexine, my angel, there's nothing in this world that you can't do. When you put a strong faith in your wishes, the universe would give it to you."
"Really, mommy?"
Leonna smiled and kissed the top of her head. "Keep these words in your heart and mind." Nilapat nito ang palad sa kanyang dibdib at taimtim siyang tinitigan sa mga mata. "You are more than what you think you are."
Sunud na pumasok sa isip ni Lexine ang huling pag-uusap nila ni Alejandro.
"Lolo, ikaw lang kaya ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! And no matter what happens, I'd never leave you. I promise."
I promise. Nangako siya sa lolo niya at kahit anung mangyari ay tutuparin niya iyon.
Lexine closed her eyes as she deeply inhaled and slowly exhaled. Her mommy was right. She's a fighter and she should never be afraid.
Matapos ang ilang sandali at muling dumilat si Lexine. Her eyes were now as sharp as a knife. Sinimulan niyang ikiskis ang dalawang pulsuhan. Mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa mga kamay niya but being a ballerina has an advantage; flexibility training for years certainly gained her a benefit.
Ilang minuto pa ang lumipas at kahit masakit nang balat niya sa pulsuhan ay hindi pa rin siya sumusuko. Ilang saglit pa at naramdaman niyang tuluyang lumuwag ang tali. Nagdiwang ang kanyang kalooban. Hindi niya inaalis ang mga mata kay Boyet at sa dalawang lasing na parehong nakatalikod sa kanya. Sinamantala ni Lexine ang pagkakataon at dinikit ang dalawang tuhod sa dibdib habang nagmamadaling kinalas ang natitirang tali sa paa. Pawis na pawis na siya. Ilang sandali pa at natanggal niya ang huling buhol. Sinunod niyang inalis ang panyo sa bibig. Nalusaw ang malaking batong nakabara sa dibdib niya. She made it!
Dahan-dahan siyang humakbang nang malalaki sa direksyon na palayo sa mga ito. Hindi niya inaalis ang mata sa mga kidnapper at halos `di na siya humihinga `wag lang makagawa ng kahit anung uri ng ingay.
Ilang hakbang na lang ang distansya ni Lexine sa tinatahak na pintuan. Malayo-layo na rin ang kanyang narating. Nagtago muna siya sa mga patong-patong na sako sa gilid. Nilapat niya ang palad sa dibdib. Sobrang lakas ng kabog niyon at parang tatalon na palabas ng ribcage ang puso niya. Parang ayaw na niyang kumilos sa kinauupuan at manatili na lang doon at magtago hanggang mag-umaga. Paano `pag nahuli siya ng mga kidnapper? Pero kung mananatili siya rito ay siguradong sa malamig na kabaong ang kahahantungan niya. This is her only chance.
Sinilip uli ni Lexine ang dalawang lasing na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagsusugal habang malakas pa rin hilik ni Boyet. Mariin siyang pumikit. Lexine, you can do this. Takbo nang mabilis at `wag kang lilingon.
Muli siyang huminga nang malalim at mabilis na dinala ang mga paa patungo sa pintuan. Tumakbo siya na tila hinahabol ng diablo. Her eyes focused on nothing but the finish line. Kaunting distansya na lang at malapit na niyang marating ang pinto palabas. Umalingawngaw ang malakas na kulog at kasabay niyon ang paglitaw ng galit na mukha ng lalaking may peklat sa kanyang harapan. Tumalon ang puso niya kasabay ng matining na pagtili.
"Sa'n ka pupuntang bubuwit ka? Tatakas ka pa, ha! Ang tigas ng ulo mo! Hindi ba't sinabi ko na sa `yo ang ayoko sa lahat `yung pasaway!" Nanggigigil na hinablot nito ang braso niya.
"Bitawan mo `ko! Let me go! Let me go!" Pinilit niyang kumawala rito pero masyadong mahigpit ang kapit ng malaking kamay nito sa manipis niyang braso.
"Hindi ka pwedeng umuwi hangga't hindi ko pa nakukuha ang pera ng lolo mo!" Parang basahan na kinaladkad siya nito pabalik sa loob ng bodega.
"Liar! Narinig ko kayo! `Di niyo na ako isasauli sa lolo ko `pag nakuha niyo nang ransom!"
Lalong nagdilim ang mukha nito. "Talagang `di na kita ibabalik dahil ang tigas ng ulo mo!" Nagsisigaw ito at pinagmumura ang tatlong kidnappers na ngayon lang natauhan sa mga nangyari.
No! Hindi siya maaaring sumuko. Kinagat ni Lexine ang braso ni Bossing. Humiyaw ito. Lumuwag ang kapit nito at buong lakas niyang sinipa ang pagitan ng mga hita nito. "Aray!" Napaluhod ito at namilipit sa sakit. Agad niyang dinala ang mga paa palayo roon. "P*tangina kang bata ka!"
Walang lingon na tumakbo si Lexine patungo sa pintuan. She must get out of here alive by hook or by crook. Muling binalot ng liwanag ang madilim na bodega na sinundan ng nakabibinging kulog. Kasabay niyon ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.
Natigilan si Lexine. Huminto ang oras at nalusaw sa kanyang pandinig ang galit na sigaw ng kalikasan. Dahan-dahan niyang binaba ang mukha at isang pulang mantsa ang mabilis na kumalat sa puti niyang damit. Nahigit niya ang hininga at tuluyang natumba.
"G*go ka, Boyet! Bakit mo binaril?!"
Ilang hakbang mula sa pintuan nakatayo at nanginginig si Boyet. Nanlalaki ang mga mata nito habang namumutla at tumatagaktak ang pawis sa noo. Nabitawan nito ang hawak na baril at nanghihinang lumuhod.
Nakatulalang tumingala si Lexine sa kisame. Nanunuot sa kanyang likuran ang nagyeyelong sahig. Animo may dalawang malaking kamay ang pumasok sa kanyang dibdib at pinilipit ang baga niya.
Nabuo sa hangin ang maamong mukha ni Alejandro. Sinundan iyon ng masiglang ngiti ni Belle. Pinanood ni Lexine ang dahan-dahan nilang pagsayaw ni Ansell sa gitna ng malawak na ballroom. Hindi nila binibitawan ang titig sa isa't isa na para bang nalusaw ang lahat ng tao sa paligid at silang dalawa lang ni Ansell ang naroon. Lexine still clearly recognizes Ansell's handsome face and how his smiles made her stomach ache in a weird sensation. It was the best night of her life. And then, she heard different voices in her head.
Happy birthday, Lexine!
I love you always my dearest darling.
You are so beautiful, Lexi.
Paulit-ulit na tinutusok ang baga ni Lexine. Naaninag niya ang liwanag na tumama sa kisame. Narinig niya ang malakas na buhos ng ulan at muling hinugot ang kanyang diwa pabalik sa kasalukuyan.
"S-sorry, b-bossing nabigla kasi ako—"
"Tignan mo ang ginawa mo! Magkakaletse-letse tayo nito! Sinira mo ang plano, inutil!"
"Bossing! Napuruhan ata `to!"
Nagdidilim nang paningin ni Lexine. Hindi na niya naiintindihan pa ang sumunod na pagtatalo sa paligid habang walang tigil sa pag-ikot ang kanyang buong mundo.
Is this my end?
Kailanman hindi nasagi sa kanyang isipan na ganito pala magiging kalupit ang kanyang kapalaran.