Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 11 - Go Up

Chapter 11 - Go Up

"WHAT?! YOU BROKE UP WITH JESSIE!?" Nabitawan ni Lexine ang hawak na chopstick. Nagkibit-balikat lang si Ansell habang patuloy itong kumakain ng sushi. Sa paborito nilang japanese restaurant in BGC, Taguig sila nagpunta. "But I thought you really like her. Diba sabi mo, she's different from all the other girls that you've dated before?"

Ang buong akala pa naman niya ay magtitino na sa wakas ang kanyang best friend. Gwapo, maporma, sikat at mayaman si Ansell kaya naman halos parang nagpapalit lang ito ng tshirt kung magpalit ng mga babae. Pero ang recent girlfriend nito na si Jessie ang inakala niyang seseryosohin na talaga nito. She actually likes Jessie. She's nice, cool and educated. She's taking law school. The girl is freaking smart! Kaya naman labis siyang nanghihinayang para rito.

"I realized na she's too good for me. She's almost perfect like a barbie doll. Nakakatakot ang mga ganung babae," relaxed na paliwanag nito.

"I really can't believe you! You're an ass for letting her go. Sana lang magsisi ka sa ginawa mo dahil `di ka na makakakita pa ulit ng kagaya ni Jessie."

"So what?" Ansell snorted as though what she said was a joke. "I don't care if I couldn't find another girl like her. I know what I want and it's not, Jessie."

Umikot ang dalawa niyang mata. Hmp! Palaging naman gano'n ang linya nito pero mahigit isang dozena na ang naging ex ni Ansell simula noong grade eight pa lang sila pero palaging hindi nagtatagal at nauuwi sa hiwalayan. At two out of the twelve records lang na babae ang nakipag-break dito dahil madalas na si Ansell ang nauunang umaayaw. He's a dumbass heartbreaker!

"Whatever, Mr. Whore! Eh, nasaan na ba kasi ang babae na `yan? Pang-out of this world naman ata ang preference mo. I doubt if you'd ever find her."

Pinaikot-ikot ni Ansell ang hawak na chopstick sa platito nito. "Let it go, Lexi. Whoever that girl is, I'm a hundred percent sure that she's very near to me." His dark eyes settled on hers.

Sometimes, Ansell gives her that sort of look na para bang may gusto itong sabihin pero hindi naman nito tinutuloy. Kahit sa tagal ng panahon na nilang magkaibigan, madalas ay `di niya pa rin mabasa ang iniisip nito. Sa inis ni Lexine ay nirapan na lang niya ito. Tse! Dahilan lang ni Ansell yun pero sigurado siyang wala naman talaga itong plano na maging seryoso sa babae as if being a one-woman man is a disease that he doesn't want to get infected with.

Natapos silang mag-dinner. Gusto na sana niyang umuwi pero nagpumilit si Ansell na magpunta muna sila sa Hydro Music Festival na gaganapin sa Mall of Asia concert grounds. Nakabili na raw kasi `to ng ticket at sayang naman kung `di nila pupuntahan kaya kahit pagod ay napilitan pa rin siyang sumama.

Inabutan siya ni Ansell ng isang red plastic cup na may lamang beer. Open grounds ang event at talaga naman nagwawala na lahat ng mga tao sa electronic dance music na dumadagundong mula sa naglalakihang speakers na nakaset-up sa paligid ng malawak na area. Nakasisilaw rin sa ganda ang mga strobe light na nakaset-up sa malaking stage. Dahil sa sobrang galing ng DJ, pati tuloy si Lexine ay hindi na napigilan ang sarili na mapa-indak kasabay ng up-beat na musika. Sabay pa silang tumatalon ni Ansell habang kumakanta ng chorus part.

Kasalukuyang nakatingin si Lexine sa harapan ng stage nang may kakaibang presensya ang humatak sa kanya para lumingon sa bandang kaliwa. Dagat ng mga taong nagtatalunan at naghihiyawan ang kanyang nakikita. Maririnig ang trap remix ng "Go Up by SB19" na pinatutugtog ng DJ. Nakataas pa ang mga kamay ng bawat isa habang sumasabay sa lyrics ng kanta. May hawak silang iba't ibang kulay ng glow in the dark sticks na lumiliwanag sa dilim.

Ayon sa kanta, dapat na ibigay ang puso at huwag huminto sa pag-abot ng mga pangarap. Feel na feel ni Lexine ang kanta, indeed, wala siyang hindi ibibigay matupad lang ang goal niya na maging isang tanyag na ballerina.

Sa kabila ng kaguluhan na nangyayari sa paligid ay may isang bulto ang nangibabaw sa mga mata ni Lexine. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya `yon makita nang maayos dahil natatakpan ng mga taong malilikot.

Lexine focused her eyes. Isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket ang kanyang natatanaw. May apat hanggang limang metro rin ang layo nito mula sa kanilang kinatatayuan. May hood ang suot nitong jacket na nakasabit sa ulo nito dahilan para matakpan ang mukha nito. Tanging ilalim na parte ng mukha nito ang tinatamaan ng gumagalaw na liwanag mula sa stage.

Mabilis na pumasok sa kanyang isipan ang misteryosong lalaki na nakita niya sa CCP at ang guni-guni niya noon sa hospital. Bakit may pakiramdam siya na konektado ang mga nakikita niya? Malamig na kamay ng kilabot ang gumapang sa buo niyang katawan. Napahawak siya sa dibdib. The scar on her chest suddenly pulsed like a warning bell. What is this feeling?

Isang malakas na pwersa ang biglang tumabig sa mukha ni Lexine. Agad siyang nawalan ng balanse at muntik nang humalik ang pwetan niya sa sahig, buti na lang at nasalo siya ni Ansell.

"Hey! Watch out! Nakakatama ka na!" sigaw nito habang masama ang titig sa matabang binatilyo sa harapan nila. Humingi naman agad ng paumahin ang lalaki kaya hindi na lumaki pa ang gulo. "Lexi, are you hurt?" Malumanay na hinimas ni Ansell ang kanyang noo.

Umiling siya. "No, I'm fine."

Muli niyang ibinalik ang tingin sa direksyon ng mga mata kanina pero wala na do'n ang misteryosong lalaki. Napalingon siya uli kay Ansell nang tawagin siya nito. Naisip niya na baka dahil sa pagod kaya kung ano-ano na naman ang nakikita niya. Marami naman ang pumuporma ng leather jacket na may hood kaya imposible na iisang tao lang sila. Baka guni-guni mo lang, Lexine?

"Baby, do you want to go home?"

Agad siyang sumangayon sa alok ni Ansell. Hinatid siya nito pauwi sa mansion nila. Tahimik lang siya sa buong byahe. Matapos magpasalamat kay Ansell ay nagmadali na siyang pumanik ng kwarto niya. Ramdam niya ang matinding pagod. Tila may invisible magnet ang humatak sa kanyang katawan pa higa sa kama at mabilis siyang dinalaw ng antok.