Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 6 - Blood and Death

Chapter 6 - Blood and Death

[R-18] This chapter has violent and gruesome content not suitable for young readers.

-------------------------------------

LABIS NA NATATARANTA ang mga kidnapper habang nagwawala sa galit ang kanilang leader. Samantala, nagbubukas-sara ang mga bintana sa paligid ng bodega habang pumapasok sa loob ang galit na ihip ng hangin.

Sa gitna ng kanilang mainit na pagtatalo hindi nila namalayan ang kakaibang bagay na nagsisimulang mabuo sa isang sulok. Nagsimula `yon sa isang kislap. Mula roon ay mabilis na nabuo ang isang whirlpool ng maitim at makapal na usok. Palaki iyon nang palaki hanggang sa sampung talampakan. Ang sentro niyon ay maihahantulad sa malaking bunganga ng halimaw na umaalulong; ang tunog niyon ay makapagtindig balahibo at tila ba nanggagaling sa kailaliman ng mundo. Kahit sinung makakarinig niyon ay siguradong makararamdam ng kilabot na sasagad hanggang buto. `Di mabilang na linya ng kuryente ang sumisilip mula sa mata ng whirlpool na animo mga galamay na naghahanap ng bagay na lilingkisin.

Muling pumainlanlang ang malakas na kulog nang sa wakas at napansin ni Boyet ang nangyayari. Halos malaglag ang buong panga nito sa sahig. "B-bossing... ano `yun?"

Napalingon ang tatlo sa direksyon na tinuturo ni Boyet. Sabay-sabay nanlaki ang mata ng mga kidnapper. Sa gitna ng nabubuong portal lumitaw ang isang kamay, sumunod ang isang braso hanggang ang kalahati ng katawan niyon ang lumabas. Mabilis na nilubayan ng kulay ang mukha ng kidnappers. Na-eengkanto na ata sila!

Tuluyang iniluwa ng portal ang isang bulto ng matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng leather jacket, itim na pantalon at combat boots. Nakatago ang ulo nito sa anino ng suot na hood habang tanging baba at bibig lang nito ang tinatamaan ng pakisap-kisap na liwanag mula sa walang tigil na pagkidlat sa labas. Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa apat na lalaki. Lumilitaw ang kuryente sa bawat pagdikit ng sapatos nito sa sahig. Malinaw na hindi ito normal na nilalang.

The four criminals quickly recognized the danger their unknown visitor holds. Icy terror enveloped their entire being like a warning siren of death.

***

"SINO KA? ANUNG GINAGAWA MO RITO?" garalgal ang boses na tanong ni Bossing. Hindi sumagot ang estrangherong binata, bagkus, una niyang nilapitan ang nag-aagaw buhay na dalaga. Nakaratay ito sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo.

Lumuhod ang estrangherong binata sa gilid ng lantang gulay na katawan ni Lexine. He took a deep breath as he closed his eyes and savored her scent as sweet as a pastry. The smell stimulates all his senses as though satin-like fingers tingled his skin. Regrettably, it was mix with the odor of the rotting death. Binuksan ng binata ang mga mata at malayang pinagmasdan ang kawawang nilalang. Alam niya na ilang sandali na lang ang itatagal ng buhay nito.

Marahan niyang hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Lexine. Gumapang ang tingin niya mula sa makurba nitong pilikmata, pababa sa maliit at may katamtamang tangos nitong ilong at tumigil sa nagkukulay asul nitong labi.

Tumataas-baba ang dibdib ni Lexine, tanging senyales na pinipilit pa nitong kumapit sa manipis na sinulid ng buhay. Sa kanang ibabaw niyon naroon ang malalim na sugat mula sa tama ng bala. Muling binalot ng liwanag ang buong bodega at nahila ang atensyon niya sa wing locket na suot ng dalaga. Pinahid niya ang pulang dugo roon.

"An angel with a tragic fate. Such a poor little lamb," he silently muttered to himself.

Muling bumalik ang titig niya sa mukha ni Lexine. Despite her depressing situation; it still didn't hide the fact that she's a young goddess. Naningkit ang kanyang mga mata. There's something oddly wrong about the girl. What's this peculiar force that he's sensing?

The corner of his lips lifted. "Hmm... interesting."

"Kung sino ka man engkanto ka, hindi kita sasantuhin!" sigaw ni Bossing at tinutok ang baril sa direksyon niya.

Bahagyang lumingon ang estrangherong binata. Tila iisa ang isip na sabay-sabay umatras ang mga kidnapper. Dahan-dahan siyang tumayo. Hinakbang niya ang isang paa. Natatarantang nagkumpulan ang mga ito na animo mga pusang nanginginig sa ilalim ng ulan. Mas maputla pa sa suka ang mukha ng mga ito. Halos isiksik ni Boyet ang sarili sa likuran ni Bossing habang tila naestatwa naman ang dalawa pa nitong kasamahan.

Walang ibang maririnig sa paligid maliban sa tunog ng pagtulo ng tubig na nanggagaling sa butas ng kisame.

Plok! Plok! Plok!

Nakakabibingi ang katahimikan sa loob ng bodega. Napako sa kinatatayuan ang mga kidnapper na para bang pati ang huminga ay nakalimutan nang mga ito.

And then, the stranger opened his mouth as if to blow a candle. "Booh!"

"AAAAHHHHH!" Kasing tulin ng kidlat na nagtakbuhan ang kidnappers. Natumba si Boyet sa sahig at umiiyak na yumakap sa binti ni Bossing habang ang dalawa naman ay natisod sa isa't isa.

"Pfft!"

Nag-echo sa buong kapaligiran ang malakas na halakhak ng binata. Napatunganga ang mga kidnapper sa kanya. Para siyang isang bata na tuwang-tuwa sa sitcom.

Ilang sandali pa at sa wakas ay nagsawa na siya sa pagtawa. Pinunasan niya ang namuong luha sa gilid ng mata. "Men, where are your balls?" Humans never fail to entertain him. Hipan niya lang siguro sa mukha ang mga animal ay maiihi na ang mga ito sa salawal.

Nagpalitan ng nagtatakang tingin ang mga kidnapper.

"Times up, enough of this childish game." Shadow quickly masked his face. His demeanor turned like a lethal predator ready to devour his prey. "Kidnapping and then shooting an innocent girl, really? And you all call yourselves a f*cking men?"

Tinaas ni Bossing nanginginig nitong kamay at tinutok ang baril sa kanya. "`Wag kang lalapit."

"Tsk, tsk, tsk." Humakbang siya patungo sa mga ito. "You guys are big... bad... bullies." He crossed his arms and scratched his forehead. "And do you know what I'd like to do with f*cking bullies?"

Animo mga paslit na nahuli sa akto, sabay-sabay na umiling ang apat.

"Hey! Scar guy!" Unang itinuro ng binata si Bossing. "I know so much `bout you. Hmm, let's see." Humawak siya sa baba at tumingin sa kisame na tila nag-iisip. "Iniwan ka ng asawa mo at sumama sa ibang lalaki. May leukemia ang bunso mo. Unfortunately, natanggal ka sa trabaho at walang perang pangbayad ng hospital. So here you are, doing sh*ts for money. Tsk, what a f*cking drama."

Napanganga nang malaki si Bossing. "T*ngina ka! Sino ka ba? Bakit mo `ko kilala?"

The stranger just smirked. Ignoring his questions, he continued. "You got your scar when you were twelve. Malupit ang stepfather mo sa'yo kaya nung sinubukan mong tumakas, sinira niya ang mukha mo gamit ang kutsilyo. Nice to meet you, Rommel Santiago."

Halos kumalas ang panga ni Rommel sa mukha nito.

His mouth stretched into a deadly smile. By merely looking through the eyes of his subjects, he would be able to see a glimpse of their memories. Sunud niyang nilipat ang atensyon kay Boyet. "Hi there, Bonifacio Reyes." Tuluyan itong bumigay at humagulgol. "Aw, why are you crying? Is your fat ugly mama going to beat you again?"

Halos wala ng natitirang kulay sa mukha ni Boyet at kaunti na lang ay mahihimatay na ito. Lalo naman naaaliw ang binata na makita ang mga itong nangangatog sa takot. Playing the emotions of his victims has always been his favorite hobby. "Jeremy Dela Paz, and Eugene Sanchez. Pareho kayong lumaki sa ampunan, tumakas hanggang sa napasama sa sindikato." Sunud niyang nilipat ang atensyon sa natitirang dalawa na tila naging mga estatwa na.

He slightly bowed his head and put his right hand above his chest. "It's my pleasure to meet you, gentlemen."

Hindi na nakapagtimpi pa si Rommel at nanggigigil na itinutok ang baril sa kanyang direksyon. "Ang dami mong satsat, t*ngina ka! Kanina pa `ko naiirita sa `yo. Kung sino ka man demonyo ka, ibabalik kita sa impyerno!" Sunud-sunud itong nagpaulan ng putok ng baril. Nang segundong tumama ang mga bala sa katawan niya ay mabilis siyang naglaho sa hangin.

"P*tangina—"

"Oops! Fail." Lumitaw siya sa likuran ni Rommel.

"Paano—"

Hinablot niya ang leeg nito at walang hirap itong binuhat. Umangat ang dalawang paa ni Rommel mula sa sahig. "I haven't properly introduced myself yet. Now, let me finish our little introduction, shall we?" Nanggigigil niyang ibinaon ang mga kuko sa balat ng leeg nito hanggang sa magkulay-ube ang mukha nito.

Malakas na kulog ang muling sumabog kasabay ng kidlat. Nanlaki ang mga mata ni Rommel nang tuluyang tinamaan ng liwanag ang kabuuan ng kanyang mukha. Nasilayan nito ang isang pares ng mata na walang kahit anung bahid ng awa.

"I'm Death!"

Parang papel na hinagis niya ang katawan ni Rommel sa kabilang panig ng bodega. Bumagsak ito sa mga nakatambak na kahoy; isa roon ang nakatayo at may matulis na dulo. Tumusok ang leeg ni Rommel sa talim at mabilis na binawian ng buhay.

Samantala, nanginginig nang natitirang tatlong kidnappers. Hindi makapaniwala ang mga ito sa kalunos-lunos na sinapit ni Bossing.

"Hey there, piggy." Sunud niyang nilapitan si Boyet.

Umiiyak at nagsusumamo na lumuhod ito sa kanyang harapan. "Maawa ka sa `kin `wag mo `kong papatayin, Diyos ko, maawa ka."

He snorted. "Are you insulting me?" A bluish light emitted from his left hand. "F*ck, dude! I'm miles away gorgeous than the freaking old man." He raised his hand. Lumutang ang mga paa ni Boyet mula sa sahig habang isang invisible-force ang pumipilit sa katawan nito na tila isang bimpong pinipiga. Sa labis na takot ay naihi ito sa salawal.

He wrinkled his nose in disgust. "Ugh, man you're gross." Sunud na lumiwanag ang isang itim na marka sa kanang pulsuhan niya. It's a symbol of an inverted triangle with a star in the middle. The same bluish light blazed on the ink of his tattoo. "Gula!" he summoned a name.

The flame crawled in circles on his right arm. A sword with a rusty-gold iron grip materialized from his hand. A dragon's face with two ocean-pearl eyes was carved in the center of its guard. Fire wrapped its long and sharp blade.

Tinaas ng binata ang espada at mabilis na sinaksak si Boyet sa dibdib. Nahulog ang katawan nito sa sahig. Sumunod niyang nilingon ang natitira pang dalawang lalaki na nagmamadaling kumaripas nang takbo. "Tsk, poor humans. Run idiots... run as fast as you can!"

Mabilis siyang naglaho sa hangin, naging itim na usok at muling lumitaw sa harapan ng dalawa. Sumugod si Jeremy at naglabas ng isang balisong. Agad itong umatake ngunit kasing bilis ng hangin ang mga kilos niya at hindi ito nakatama kahit isa man lang. Sa isang iglap, nakatayo na siya sa likuran nito. Hinablot niya ang buhok ni Jeremy at pinihit sa gilid ang ulo nito. Gamit ang talim ng espada, gumuhit siya ng tuwid na linya sa leeg nito. Agad sumirit doon ang malansa at mapulang dugo na tumalsik diretso sa mukha ni Eugene.

Nagsusumigaw ang huli na parang nababaliw habang nahihilam sa dugo. Kumaripas nang takbo si Eugene ngunit agad siyang humarang sa harapan nito at sabay humpas pataas ng kanyang espada. Tila bola na nagpagulong-gulong ang pugot na ulo ni Eugene sa sahig hanggang sa tumigil iyon sa gilid ng katawan ni Jeremy. Nakabuka ang mata at bibig ni Eugene na sumasalamin sa imahe ng matinding takot bago nito hinarap ang kamatayan.

Mula sa talim ng kanyang espada ay tila gripo na tumutulo ang dugo sa sahig. Umaalingasaw sa kapaligiran ang amoy ng kalawang at malansang isda

The stranger's lips curled into a sinister grin. Electricity flowed in his blood as he stood there like a passionate painter admiring his masterpiece.

"All the four men died on September 12, 2012, in a bloody encounter with the police officers." Dinilian niya ang naiwang mantsa ng dugo sa dalawang daliri. "But since I'm bored, I'd like to do it myself."