Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 8 - No memories

Chapter 8 - No memories

"ILANG ARAW na pero hindi pa rin nagigising ang apo ko. Ano ba talaga'ng nangyayari sa kanya? Magigising pa ba si Lexine? Please, gawin niyo lahat ng paraan," nanlulumong pakiusap ni Alejandro sa doktor na kaharap.

Desperation mirror his face. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya sa kawalan ng tulog. Lubog ang pisngi niya dahil hindi siya makakain nang maayos. How can he act like a normal person when her most beloved granddaughter hasn't move from her cold bed for weeks?

Inayos ni Dr. Juanito Enriquez ang suot na eyeglass gamit ang hintuturo nito. "Mr. Vondeviejo, we already did our best to help your granddaughter. Her breathing is stable. Ligtas na siya sa peligro. For now, wala tayong ibang magagawa kundi ang mag-antay na gumising siya."

Halos tatlong linggo na'ng nakalilipas simula nang dinala si Lexine sa ospital. Natagpuan nila ang dalagita na walang malay sa loob ng abandonadong bodega sa Montalban kung saan ito itinago ng mga kidnapper. Ang mahigpit na habilin ni Rommel kay Alejandro ay huwag na huwag magsasama ng mga pulis dahil `pag hindi siya tumupad sa usapan ay papatayin nito ang kanyang apo.

Sumunod sa kasunduan si Alejandro at mag-isang nagpunta sa lugar. Dala-dala niya ang one hundred million pesos cash sa loob ng black suitcase. Ngunit matalino ang matanda at hindi basta-basta magpapauto sa mga ito. Alam niya kung ano ang ikot ng bituka ng mga kriminal. Lingid sa kaalamanan ni Rommel ay lihim na nakaback-up ang PNP Special Action Force sa palibot ng buong bodega. Hasa ang mga ito sa hostage-taking rescue operations.

Subalit pagdating ni Alejandro roon ay isang karumal-dumal na bagay ang kanyang naabutan. Natagpuan ang apat na bangkay ng mga kidnapper. Walang nakaaalam kung sino ang may gawa ng kalunos-lunos na krimen. Samantala, patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa nangyari.

Hindi rin maipaliwanag ng mga doktor kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanyang apo. Malinaw na nagtamo si Lexine ng malalim na sugat sa dibdib gawa ng tama ng baril. Nakapagtataka na walang nakuhang bala ang mga doktor gayong hindi lumusot ang bala sa katawan nito. Her spinal chord was intact. Hindi rin napuruhan ang puso at baga nito. Maraming dugo ang nawala kay Lexine kaya naman isang malaking milagro na naka-survive ito. Ngayon ay nanatili pa rin ang dalagita sa state of comatose.

Mula sa mukha ng doktor, lumipat ang mata ni Alejandro sa apo. Kung titignan ay para lang itong natutulog nang mahimbing habang nakatusok ang mga apparatus sa ilong at bibig nito. Ilang saglit pa ang lumipas nang magsimulang gumalaw ang mga talukap ng dalagita.

Natatarantang lumapit si Alejandro. Halos maiyak siya sa labis na tuwa. Kinuha niya ang isang kamay ng apo at marahang hinaplos ang noo nito. "My darling, this is lolo. How do you feel?"

Lexine finally opened her eyes. "Lolo?"

Hindi na napigilan pa ni Alejandro ang hikbi na nag-uunahang kumawala sa bibig niya. Nalusaw na rin sa wakas ang mabigat na bato na ilang araw nang nakadagan sa kanyang dibdib.

"Where am I lolo?"

"Thank God, you're finally awake! We're in the hospital. You're now safe here with me. Hindi ka na nila masasaktan," pampalubag-loob niya habang panay ang halik sa kamay ng apo.

"What do you mean? I don't remember anything."

Natigilan si Alejandro. Nagkatinginan sila ni Dr. Juanito. "Doc, what's happening to her?"

Lumapit ang binatang doktor kay Lexine. Tinutok nito ang maliit na flashlight sa mata ng kanyang apo. "Follow my finger," anito at inangat ang isang hintuturo. Pagkatapos ay mga tinanong pa ito kay Lexine at nagsulat sa hawak na clip board.

Tumikhim ang binatang doktor at humarap sa kanya. "We need to check her MRI first to make sure, however, what happened to her is probably a dissociation. In some cases, the human brain attempts to protect itself from painful memories. It's one of the side effects, Mr. Vondeviejo. Kadalasan na nangyayari `to sa mga pasyenteng nakaranas ng isang traumatic experience. We'll keep observing her. For the meantime, wala na tayong dapat pang ipag-alala."