"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang" humahagulgol na sabi ni Frances
"Wag ka na umiyak bruh, hindi niya deserve ang mga luha mo" pagtatahan naman ni Hillary
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila habang pinapanood sila sa screen ng macbook ko. Kasalukuyan akong nakikipag video call sa dalawa kong matalik na kaibigan.
"Kahit ayaw ko ng umiyak, naiiyak pa din ako! " mas humagulgol ulit si Frances.
Ibinaba ko ang hawak kong kutsara saka nilunok muna ang ice cream na kinakain. Madaling araw na na pero ito kami at nagdadramahan, kung hindi lang dahil sa ice cream na ito ay kanina ko pa sila natulugan. God! I can't relate to them!
"Bruh wala naman mangyayari kung iiyak ka lang jan, makakahanap ka din ng iba!" Sabi ko para may maidagdag lang.
We're just 18! At ang umibig sa ganitong kamurang edad ay isang kalokohan! Hindi yun pag ibig kundi infatuation lamang!
"Wala na bruh! He's the best man na nakilala ko"
Napabuntong hininga na lang si Hillary habang napailing na lang ako sa sinabi niya. Mugtong mugto na ang mga mata ni Ces na sigurado kong mas mahahalata ito pag gising niya bukas
"Bata pa tayo Ces, I'm sure meron at merong darating" malumanay na sabi ni Hillary
Umiling iling si Ces at nagpatuloy sa pag iyak, habang ako ay mauubos ko na ata ang nabili kong Pistachio Ice cream. Simula noong tumawag si Ces saamin kanina na umiiyak ay alam ko ng magiging mahabang usapan ito. Kaya sa halip na mapanis lang ang laway ko ay bumili na lang ako ng makakain.
At totoo nga madaling araw na at ito pa rin siya humahagulgol dahil sa ex boyfriend niya na nakipag break sakanya. Ang dahilan? Graduate na kami ng High school at papasok na sa prestiyosong eskwelahan at mawawalan na daw sila ng oras sa isa't isa. What a lame excuse!
Kaya hindi na ako naniniwala sa pag ibig na yan. We people think that love is a fairytale that always have a happy ending. But the truth is, love is a game it's either you win or you lose. It doesn't always have a happy ending.
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Ang huli kong naalala ay tamad na akong nakahiga sa kama at hinihintay na tumahan si Ces sa kaiiyak niya hanggang sa nablangko na ako
"Allessandraaaaa wala ka bang balak gumising jan ?! "
"Ano ba pa! Natutulog yung tao eh!" Inis kong sabi kay papa sabay balik sa pagtulog at nagsumiksik pa sa mga unan
"Allessandra bumangon ka na jan at baka mahuli ka pa sa byahe ng bus! "
Ano ba yan! Inaantok pa ako eh! Madaling araw na kaya ako natulog dahil sa kaibigan kong sawi ang puso na pinuyat ako kakadrama .
pati ba naman break up kasi nila kailangan pa namin pagpuyatan? Sana ay hapon na lang siya tumawag para saktong tapos na siya umiyak sa oras ng pag tulog namin.
makikipag break tapos siya din iiyak, humanap lang siya ng sakit sa ulo niya. Don't get me wrong, I love my friends but when it comes to this, lagi ko silang sinasabihan na kung wala silang kasiguraduham ay huwag na sila magpatuloy.
Pero, ito nanaman It's you & me against the World and drama kaya in the end nasaktan.
"Allessandra! Pag hindi ka pa bumangon malilintikan ka na!"
Nagitla ako sa pag tulog ko ng tuluyan na magsink in saakin ang sinabi ni papa. Oh my gosh ! Ito na ang araw na pinakahihintay ko!
Dumiretso ako sa banyo para gawin ang aking morning rituals na pagligo at pagbihis lang. Hindi naman ako maarte kaya kuntento na ako sa pagbihis lang ng jogging pants at sweater, kadalasan pa nga ay wala ng suklayan ng buhok
Hindi ako mapakali simula kagabi, pinaghalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Matagal ko nang hinhintay ang araw na ito
January 7.
Sa wakas ay magiging pormal na ang pagiging studyante ko sa pinapangarap kong eskwelahan
"Good Morning paps!" bati ko kay papa saka humalik sa kanyang pisngi.
"Kumain ka na, maya maya baka dumating na sila Hillary at Frances" ani niya habang naghihiwa ng mga gulay, tingin ko ay magluluto ito ng chapsuey gawa ng mga nagkalat na brocolli, sayote, carrots at iba pang sangkap nito
Lumaki akong si papa lang ang kasama , namatay kasi si mama nuong pinanganak ako dahil may sakit siya sa puso. Pero hindi naman nag kulang sa pagmamahal at pag aaruga si papa saakin .
Patuloy lang ako sa pagkain nang bumaba na mula sa kanyang kwarto si Kuya Raff habang pinupunasan pa ng tuwalya ang kanyang basang buhok .
"Kuya kain na. Lalamig pagkain niyan pag mamaya ka pa kumain"
Pagaaya ko sa kanya habang umiinom ng kape.
Hindi ako sanay uminom ng gatas o chocolate drink dahil madalas sumakit ang tyan, kaya noon pa man ay kape na ang kinahiligan kong inumin. Masasabi kong isa akong batang laki sa kape at hindi sa gatas
"Dont worry Ally, iinit lahat yan pagupo ko mamaya jan"
Sabay kindat pa ng loko kong pinsan
Napairap na lang ako sa kayabangan ni kuya. Minsan iniisip ko kung saan niya nakuha yang kakapalan niya, di na lang siya tumulad saakin, bukod sa maganda napaka humble pa.
Nuong grade 4 ako ng inihabilin nila Tita Martha si Kuya Raff kay papa, 4 na taon ang pagitan namin ng pinsan kong ito kaya siya ang nagsilbing kuya ko. Simula noon, kaming 3 na nila papa at Kuya Raff ang laging magkakatuwang sa hirap at ginhawa.
Maya maya naman ay sinabayan niya na din ako sa pagkain. Hindi na siya nag abala nanaman mag suot man lang ng kahit anong pang itaas.
"Anong oras ang byahe mo?" Tanong saakin ni Kuya habang kumakain kami
"Maya maya din kuya hinihintay ko lang sila Ces "
Babyahe na kasi ako mamaya sa Sports University na papasukan ko. Di biro ang makapasok sa University na ito, kailngan mo manalo ng atleast 5 gold Medals sa buong highschool life mo saka ka magiging qualified sa Screening nila .
Yes qualifications pa lang yun dahil pag qualified ka , kailngan mo mag undergo ng physical at mental examination at pag pasado na kailngan mo sumali sa inihanda nilang tournaments para sa sport na napili mo tapos saka sila pipili ng mga studyante na qualified na talaga .
Parang butas ng karayom ang pagdadaanan mo para makapasok lang sa University na ito dahil lahat naman ng nag aaral at gumagraduate dito ,tunay nga namang magagaling at nakikilala sa larangan ng sport nila
"Mag iingat ka doon, tumawag ka lang pag my problema" Kahit loko si kuya Raff, madalas ay napakaprotective niya saakin.
"Oo naman kuya, araw araw pa akong tatawag !" Sabi ko naman sa kanya kahit pinipigilan ko na maluha .
"Bakit araw araw ka gagawa ng problema ?" Malokong humalakhak pa ito na nagpapalabas ng kanyang dimples. Minsan talaga ang sarap kutusan ng isang 'to.
"Haha!" Sarcastic kong sabi na tinawanan niya lang
Hindi kasi ako sanay na mawalay sa kanila ni papa . Pero sa Xavier Sports University kailangan doon ka tumira dahil kailangan focus ka sa lahat ng training at tournaments. At kahit anong distraction na maaring maencounter ng mga studyante ay iniiwasan nila kaya na pagdesisyunan daw ng mga direktors na sa loob na din ng eskwelahan maninirahan ang mga studyante
"Anak , basta kung gusto mo umuwi alam mo naman na andito kami ng kuya mo na laging nag aabang sayo " Di ko namalayan na nakalapit na din pala sa hapag si paps .
"Pa naman eh ! Di pa ako tapos kumain pinapaiyak niyo na ako ni kuya !"
Hindi ko na napigilan ang kanina pang nababadyang mga luha ko .
"wag ka na umiyak, alam kong kakayanin mo doon "
Pagtahan saakin ni paps kahit siya mismo ay halatang nagpipigil lang ng iyak .
"Ally, bago ko makalimutan , umayos ka doon ah! Wag ka magpapalipas ng gutom doon. Pag nagkasakit ka tawagan mo kami agad!" Habilin saakin ni Kuya .
Ano ba to , kahit 18 na ako tinuturing pa din nila akong 10 year old. Pero kahit na , I find it sweet kahit minsan sumosobra na talaga sila ni paps na naiirita na ako minsan.
"Raff, hindi mo na siya kailngan pagsabihan about sa eating habits niya" tamad na sagot ni paps kay kuya
"Ay oo pala nangungunang priority mo pala yun. Parang di ka nga babae kung kumain! HAHAHAHA! " Humagalpak pa ang walang hiya kong pinsan.
Ang mejo basa niyang buhok ay natutuyo na samantalang ang kulay abelyana niyang mata ay mas tumitingkad pag tumatawa siya. He looks careless and innocent kaya marami na din siyang nawasak na puso na hindi ko maintindihan kung paanong nangyari.
Sa mga kalokohan na sinasabi ni kuya ay tumawa na din si papa. Kung normal na araw na ito ay baka gusto ko ng tusukin ng tinidor si Kuya pero ngayon na aalis ako ay itatawa ko na lang ito. Mas mabuti nang itong tumatawa nilang mga mukha ang maalala ko bago ako umalis kesa ang malulungkot nilang mukha .
Hindi din nagtagal at dumating na ang dalawa kong matalik na kaibigan si Hillary at Frances na kapwa kasama ko na nakapasok sa XSU . Simula bata kami , magkakasama na kami sa lahat ng training namin sa Judo at laking pasasalamat ko na hanggaang dito kasama ko pa din sila.
Inihatid kami nila papa at kuya sa terminal ng bus na maghahatid saamin sa XSU
"Mga Hija, magingat kayo doon ha. Kayo kayo din ang titingin sa isa't isa, wag niyo pababayaan ang isat isa doon ." Huling habilin ni papa bago niya kami yakapin .
"Opo tito. Maasahan niyo kami" paniniguradong sagot ni Hill saaking ama .
"Girls, pakibantayan na lang si Ally ha. Alam niyo naman, madalas tatanga tanga yan"
Pangaasar ni kuya saka ako inakbayan. Natawa naman sila sa sinabi niy . Habaang ako pinapalo palo na ang braso ng pinsan kong bwiset .
Niyakap ko si papa at kuya bago ako tuluyang sumunod sa dalawa kong kaibigan .
Nag iinit ang mga sulok ng mata ko. Naiiyak talaga ako pero gusto kong ngiti ko ang matatandaan nila sa pag alis ko . Sa ganitong paraan hindi masyadong mabigat ang pakiramdam nila sa pag alis ko .
New life far from them