Chapter 2 - Bola

Kulang kulang dalawang oras ang naging byahe namin bago kami makarating sa XSU.

Mapapa-wow ka na lang talaga . Matatayog na gate ang sasalubong sayo na susundan ng napakahabang daan kung saan nakahilera ang matataas na puno na pantay pantay ang pagkakatrim. Mapapansin din na uso dito ang bisikleta dahil sa dami ng mga estudyante na gumagamit nito papunta sa kani kanilang destinasyon.

Mapapansin din na sa bawat dinadaan namin ay may mga halaman o di kaya ay puno. Tulad ng labas nito na hindi lang mga nagtataasang pader kung hindi maging ang mga nagtataasang puno ang nakapalibot dito

Parang sa isang eco tourism park itinayo ang school na ito. Nakakamangha talaga

Agad kaming bumaba at sinalubong ng dalawang Babaeng mestiza na nagpakilala bilang staff ng management office. Nahati ang grupo namin sa babae at lalaki. Dahil iba ang ruta ng mga lalaki kaysa saaming mga babae

Kaming mga babae ay dumiretso sa isang 4 story building na masasabi kong napakaluwang sabi ay ito ang girls dormitory. Habang ang ganoong building din na katabi ay ang boys dormitory.

Nagkalat na ang mga estudyante na panay ang kwentuhan habang kami naman ay sumusunod lang sa Staff ng Management office na nagpakilala bilang Ms. Soriano

Nakacandy pants ito at plain white blouse na binigayan pa ng buhok niyang naka messy bun. Hindi ko inaasahan na isang masiyahin at babata bata pa ang sasalubong saamin. akala ko ay isang matanda at supistikada ang bubungad saamin.

"Girls, sa isang room ay dalawa kayong titira"

Nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga kasamahan ko

"Paano tayo Ally?" Nag-aalalang tanong ni Hillary

"May isa satin ang mahihiwalay " malalim na nagiisip ng paraan si Ces

"Quiet Ladies, tulad nga ng sabi ko dalawa lang ang pwede sa isang room but the good thing is, kayo ang pipili ng kasama niyo. "

Nagsimula nanaman magingay ang mga babaeng to na agad naman pinatahimik ni Ms. Soriano

"Shhhh. Im not yet done. And since 33 lang kayo that means may isang wala munang kasama kasi pati ang higher years sainyo ay may kani kanila ng room mate . So Im giving you a couple of minutes para piliin ang kapartner niyo habang kinakausap ko ang dorm supervisor" mahabang explanation ni Ms. Soriano saka siya umalis.

"Paano na tayong tatlo?" Pasimangot na sabi nanaman ni Hill.

"Kayo na ang magsama, mas ok na ako kung masosolo ko muna ang kwarto ko" pagpapalusot ko sa kanila.

Mas mabuti ng silang dalawa ang magkasama dahil madalas ay mas nagiging productive ako pag mag isa.

"Sure ka jan?" Nagaalangang tanong pa saakin ni Ces.

"Oo nga ok lang kung magisa ako. Mukhang lahat din naman sila nakahanap na ng partner so that leaves me alone " nagkibit balikat ako

"Ok then bruh doon ka lang sa katabing room para malapit ka pa din saamin" sabi ni Cess na agad ko namang tinanguan.

Nang makabalik na si Ms. Soriano inihatid niya na kami sa mga room na naka assign saamin. Since magisa lang daw muna ako, ako ang last na mabibigyan ng room. Ang unfair!!!

Naihatid na ang iba at siyam na lang kaming natitira kasama ko pa din ngayon si Hill at Ces na siyang hinahatid na namin ngayon .

"Aww ibig sabihin di tayo magkatabi ng room. Ang daya!" Ngumuso si Hillary, inaasahan niyang sa tabi talaga nila ako mabibigyan ng kwarto.

"Ok lang Bruh. Im just 3 doors away" pagbibiro ko sa kanila bago sila pumasok sa room nila

"Daan ka dito ah pagtapos mo mag ayos" sabi ni Ces saka sila pumasok.

Since huli ako naihatid ni Ms. Soriano ang dami niya pang abiso bago umalis buti na lang at tinawag siya ng dorm supervisor (DS) kaya nakapasok na ako sa room ko.

Maganda ang naibigay saaking room. May 2 kama at may kanya kanyang side tables at hiwalay pa ang mismong study table namin. May maliit din na kusina, Sabi saamin kung wala ka naman oras para ipagluto ang sarili mo ay bukas naman ang cafeteria para sayo

Pinili ko iyong kama sa tabi ng bintana dahil gusto kong tumitingin sa mga bituin at buwan pag gabi.

Inayos ko na din ang mga gamit ko sa aparador bago pumunta sa Banyo para maglinis ng katawan.

Hindi naman ako nagtagal sa pagligo at pagayos kaya naabutan ko pa sila Ces at Hillary sa kanilang dorm na kapwa nakahilata na sa kanya kanyang kama . Tumabi na lang ako kay Hill sa kanyang pagkakahiga

"May 30 minutes pa tayong natitira bago daw magpulong pulong jan sa baba para sa Tour natin dito sa school" ani ni Ces habang yakap ang kanyang teddy bear

"ano ba yan gusto ko pa matulog eh"

Yamot nanaman si Hill na halatang inaantok nga

"Oh nga pala Ally, 3 lang tayong babae ang nakapsok sa Judo ngayon taon. 4 naman ang sa lalaki" sabi ni Ces

"Ganoon ba, kung ganon ay maswerte na tayo " sa dinami dami ng sumubok na makapasok dito, kaiming tatlo na nanggaling pa sa iisang eskwelahan ang maswerteng natanggap.

Maya maya ay may narinig na kaming katok hudyat na kailangan na namin bumaba.

Pansin kong napakalaki nga talaga ng school na ito. Kanina ay nadaanan na namin ang football field na 2 pala, nadaanan na din namin ang oval at tennis court, gym, pati ang campus naikot na namin. Grabe kapagod dalawang oras na kaming nagiikot !

Sunod naming pinuntahan ang pool area. Nasa loob na kami at isang athletic size swimming pool at ang mga estudyante na ngayon ay nagwawarm up na. Naghahagikhikan naman ang mga babaeng kasabay ko ngayon sa tour dahil puro lalaki nga naman ang meron dito sa swimming department . Balita ko, open lang sa mga lalaki ang swimming department. I dont know why pero I think its so bias. And judo department nga, tumatanggap ng mga babae, pero ang swimming hindi?

Hindi din naman kami nagtagal sa swimming area at sunod na naming pinuntahan ang natitirang destinasyon yun ay ang volleyball court, basketball court at ang gym para sa aming judo .

Pumunta na kami sa Judo room kung saan mainit kaming tinanggap ng mga higher years at ang coach na si Mr. Yakinuchi half japanese-half Filipino na siyang nagsupervise ng tournament namin sa qualification rounds kaya kilala na namin at ang kanyang assistant coach na si Ms. Oriano

"Ms. Soriano, kung ok lang pwede paki iwan mo na saamin ang 3 freshmen kong ito? Tingin ko naman ay kaunti na lang ang di nila napupuntahan? Kami na ang bahala" sabi ni Mr. Yakinuchi kay Ms. Soriano

Napansin ko naman ang pamumula ni Ms. Soriano sa mahabang sinabi na yun ni Coach at agad naman siyang tumango at ngumiti ng makahulugan kay coach. but coach seems oblivious about it.

"Sige Sir. No problem. " nakangiti niyang sagot at inilagay niya pa ang takas na buhok sa likod ng kaniyang tenga

Kung tutuusin siguro nasa 24 or 25 pa lang si Coach at masasabi ko ngang gwapo at matipuno siya. Siguro mga nasa 6 feet and so ang kanyang height, moreno, matangos ang ilong at may perfect jaw line.

Umalis naman na din si Ms. Soriano kasama ang ibang estudyante at saktong papasok ang 4 na lalaking halatang hindi pa sigurado sa napasukang lugar.

"You must be the freshmen na kanina pa namin hinhintay?" Nakangiting pagsalubong sa kanila ni Ms. Oriano