"Eh anong bibilhin natin?" Angil ko sa dalawa dahil na din sa sobrang pagkakuripot.
"Dapat 3 days kada linggo ay isda ang ulam, tapos 2 days chicken, 2 days pork" hmmm pwede na din . Wag lang magkakasunod na araw ang isda ! Baka magkakaliskis na kami niyan -__-
"Tapos bili na lang tayo ng mga spices" tumango na lang sila sa suggestion ko. Finally may kaunti naman akong naitulong!
Nagkasundo na kami sa mga bibilhin. At napagusapan nga na si Hillary na lang daw talaga ang bibili para di kukulangin sa pera at si Ces ang magluluto at ako naman sa Moral Support at tagaturo kung ano ang ilalagay niya at ano ang gagawin
Umalis din naman agad si Hillary dahil sa pagrereklamo ng gutom na si Ces.
"Seriously Frances , saan napupunta lahat ng kinakain mo?" Nagtataka talaga ako. Kaya niya kayang ubusin ang kalahating kaldero ng kanin.
At ang magaling na kaibigan ay inirapan lang ako.
"BTW, yung mga bitchesa kanina na nangaway saatin," paguungkat niya nanaman.
"Bakit sila?"
"Sa gymnastics pala sila. At yung lider nilang may rabies, siya pala ang lider ng cheersquad, tapos yung mga alagad niya, ayun dakilang extra lang"
"Oh, wag lang nilang awayin ulit si Hillary nako itatali ko talaga ang leeg ng mga yun !" Uminit bigla ang ulo ko!
Saaming magkakaibigan si Hillary ang pinakamahinhin. Tahimik lang siya at kung inaaway siya hindi siya kumikibo. While I'm the one who will bitchslap everyone na mangaaway sa kanila. Habang si Ces naman ang taga alaga saaming tatlo. Para kasi siyang nanay kung alagaan kami ni Hillary. She cares for us that sometimes she overdo it.
Kung iisipin kahit tatlo lang kaming magkakaibigan ay parang isang maliit na din kaming pamilya. We know that no matter what happens, we have each others back. That's why I value them as if they are my real sisters.
Nanuod na lang kami ng TV ni Ces habang hinhintay si Hillary. Isa ito sa reality show na gustong gusto namin. Kung saan ang isang binata ay idedate niya ng isang araw ang nanay ng babaeng nirereto sa kanya upang makilala ng lubusan at sa huli ay magdedesisyon ang nanay kung ipagkakatiwala niya ang anak niya dito .
"Grabe noh, sino pa bang di papayag na maging boyfriend ang lalaking yan? Ang gwapo oh!!"
Bakit ba kasi itsura ang basehan ng mga tao. There's so much more than what the looks can give. Hindi sa lahat ng oras ay sa pisikal na katangian lang ang dapat tignan. Dahil sa totoo lang ay hindi lahat ng maganda sa panglabas ay ganon din sa kalooban .
Love that is based on Physical appearance is very shallow.
"Bruh," I snapped out of my thoughts when Ces called me
"Yes?"
"When will you give your self another chance?"
Natigilan ako sa tanong ni Ces. Hindi ko siya masagot.
When will I give myself another chance?
Hindi ko alam. I moved on. But that doesn't mean I'm ready for another one. Reality is, moving on is not actually hard, the process of gaining your self worth is actually the hardest part. Because you invest so much to the point na kaunti na lang ang natitira sa sarili mo. In the end, kailangan mong pang hawakan ang mga kaunting bagay na to para maging lakas mo upang makuha mo ulit ang mga nawala sayo. And its not that easy ! Because every step you take on getting those things, you doubt yourself if its right to get it back.
"Ally, he's not coming back"
That I know for sure.