Chapter 8 - Playboy

Playboy

Pakiramdam ko ngayon ay masyado akong lutang. Mga bandang alas onse na ng umalis si Hill at Ces kagabi dito sa dorm dahil napagpasyahan pa nilang magmovie marathon. Nanuod sila ng Pirates of the Carribean mula part 1 hanggang part 3. Natulugan ko na nga ang movie. Naalimpungatan na lang ako ng ginising nila ako upang lumipat na sa kama at aalis na din sila.

"Bruh wake up na, lipat ka na sa bed" tinatapik ako ni Hillary.

Nakita kong patay na ang TV at nagliligpit na si Ces ng mga kalat namin.

"Matulog ka na Ally sa kama, aalis na din kami" sabi niya habang hawak ang mga balat ng chichirya na pinagkainan namin. Si Hillary naman ay tumayo na at nauna ng maglakad papuntang pinto.

Tumayo din ako at lumipat sa kama.

"Good night bruh" paalam ni Ces at Hill bago patayin ang ilaw at isara ang pinto.

Hindi naging kumportable ang aking pagtulog. Hindi ako makaposisyon sa pwestong gusto ko kasi sasakit ang mga sugat ko. Hindi na ako makahintay na gumaling ang mga ito.

Nagising na lang ako ng mga alas sais ng umaga. Kahit inaantok pa ako ay hindi na muli ako bumalik sa pagtulog. Bumangon na lang ako at dumiretso sa banyo upang maligo.

Tinuruan naman ako ng nurse kahapon kung paano lilinisin ang sugat at kung paano ito lalagyan ng bandage, kaya pagkatapos ko maligo ng napakatagal dahil nahihirapan akong tumayo ng matagal ay nagbihis na ako at inilabas ang first aid kit para linisin ang sugat ko. Kailngan ko pa pala ipaalam kila coach na hindi ako makakapagtraining mamaya. Sana naman nasabi nila Hill kay coach ang nangyari kaya di ako nakapunta sa morning jog ng team.

Tuwing alas singko daw kasi ng umaga may morning jog ang team sa oval at sa iba pang parte ng school. Mas maganda daw kasi kung nasa condition ang mga katawan namin sa simula pa lang ng araw.

Matapos kong lagyan ng bendahe ang mga sugat ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at napag desisyonan na kumain muna sa Cafeteria kahit sandwich lang. Naubos kasi kagabi lahat ng niluto nila na dapat ay hanggang almusal namin ngunit sa katakawan namin ay naubos namin lahat. Nakasimpleng sweat pants at sweater lang ako mas kumportable naman kasi ako sa ganitong damit at wala din namang okasyon para magbihis ng bongga.

Paglabas ko ng dorm, naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Ang asul na ulap na walang bahid ng makakapal na puting ulap ay nagpapahiwatig ng magandang panahon ngayong araw. Ang ganitong klaseng panahon ang paborito ko. Dahil hindi masyado mainit. Marami pa ring mga estudyante ng ibat ibang department ang nag jojogging. Ang iba ay may chant pa na parang sa military. Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang buhok ko kaya itinali ko na lamang ito.

Paika ika akong naglakad papunta ng Cafeteria. Grabe ang hirap pala talagang maging purita, kailngan ko tiisin ang hirap na lakarin angtatlong building para lang makapunta sa Cafeteria. Pansin ko din na pinagtitinginan ako ng mga ibang estudyanteng nakakasalubong ko.

Nakarating naman ako sa Cafeteria ng matiwasay. Buti na lang at kaunti lang ang tao dahil maaga pa. Alas syete pa lang naman kasi ng umaga kaya malamang ay karamihan ng mga estudyante ay nasa morning routine pa. Pumila na lang ako sa stall ng mga sandwich, mga tatlo lang naman ang nasa unahan ko. Pinili ko na lang ang ham & cheese with egg sandwich at saka pumunta sa may bakanteng upuan.

Tinext ko na lang sila Ces na nasa Cafeteria ako at sabi nila ay nasa judo room daw sila ni Hillary. Alam kong tatamarin pumunta ang mga yun dito dahil malayo kaya kumain na lang ako magisa . Buti na lang at nagdala ako ng tubig ko sa tumbler ko kaya di na ako gagastos pa. Patapos ko ng kainin ang sandwich ko ng may mapansin akong tatlong pusit na tumatawang papunta saakin.

Seriously? Ang aga aga mamemeste tong mga pusit na ito. Kinain ko na lang ang huling dalawa pang kagat ng sandwich ko bago ko sila balingan na ngayon ay nakatayo at nakahalukipkip na sa harapan ko at tumatawa. Si Kourtney na kanilang leader ay nakakulot na ang buhok at makapal ang make up gayun din ang dalawa niyang alipores, naka shorts at Jersey sando lang sila. Di ba sila nilalamig?

"Oh look what we have here, isang lumpo at wala siguro siyang pera kaya sandwich lang ang almusal niya" tumpak! Tama siya jan pero asa naman siyang aaminin ko yun.

"Sadyang diet lang ako kaya sandwich lang ang binili ko" tip 101 kung ayaw niyong aminin na tipid kayo sabihin niyo na lang na diet kayo.

"Well mas mabuti naman kasi na sandwich ang kainin ko, db ? Kayo di ba kayo nagsasawa sa dog food?" At inirapan ko sila. Ha! Akala nila magpapaalipusta ako

Dahil lang magisa ako ngayon? Hell no !

"Diet?" tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa . "Hindi halata!" At saka nagtawanan nanaman silang tatlo.

"Tingin mo ba papayat ako ng isang upuan lang? Iba talaga utak niyo no ? Ay wait, let me confirm this, may utak ba kayo?" At sinabayan ko pa ng sarcastic na tawa na siyang nagpairap sa kanilang tatlo.

"Syempre meron!" Galit na sagot ng isa niyang alipores na sa pagkakatanda ko ay Ryzza ang pangalan.

Tinignan ko din sila mula ulo hanggang paa saka ako bumawi

"Hindi halata!"

Mas lalo ata silang nagalit dahil halos mamula na silang tatlo saakin.

" Girls, chill , remember di tayo pumapatol sa may mga kapansanan, just look at her" pag iinarte pa ni Kourtney sa harap ko na parang naaawa.

Di pumapatol pero sila ang unang sumugod saakin ? Gosh! Galing !

"Ako din hindi pumapatol sa may mga kapansanan. Tsk tsk" at umiling ako, pansin ko naman na di nila nagets kaya niliwanagan ko na

"Di ako pumapatol sa mga may kapansanan tulad niyo. Mga taong kulang kulang, kulang sa utak"

Napuno na talaga ata sila kaya akmang susugurin na nila ako ng may pumagitna at humarang sa anumang gagawin nila.

"Whoaw girls, chill" nakangising sabi ni Troy habang hinaharangan ang tatlong pusit sa harapan ko ng kanyang katawan. San nanggaling to? NakaSando lang ito ng itim at Joggerpants. Mukhang may morning Jog din sila.

"hi Troy" malanding bati ni Trisha. napairap na lang ako ng nagtangka pa siyang magpacute.

"Troy wag ka mangialam dito" nagaalburuto na talaga si Kourtney, samantalang ako ay parang bored na nanunuod lang.

"Naaah , Sorry Girl but I can't do that, she's my business" ngising sabi pa din nito sa kanila saka siya lumingon saakin sa likod niya para kindatan . Bored ko lang siyang tinignan.

"So if you don't mind, leave her alone" dagdag niya pa.

"No Troy, siya ang nangaaway saamin! Kaya dapat matuto siya !" Dagdag ng Isa pang pusit na Trisha ang pangalan.

"You can leave that to me" nakapamulsa at maangas na sabi ni Troy sa kanila. Nang mapansin na hindi natitinag ang mga babae ay naging seryoso na ang tono ni Troy.

"Din't you hear me? I said leave" seryosong sabi niya na agad nagpaalis sa tatlong pusit.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko at ngumisi nanaman. Seryoso ? Kanina galit tapos ngayon naman nakangiti ?