"Good Morning Romee! Pangit ata ng gising mo ah"
"Business your face" at inirapan ko siya.
"Naks, I'll take that as a thank you" at kumindat pa na inirapan ko lang ulit.
"I told you na itext mo ko di ba?" pagiiba niya ng usapan.
"I can walk Troy. I dont need your help" tinawanan niya lang ang sinabi ko at umiling na lang .
"Romee, bakit naman nakikipagaway ka na? Do I have to inform you na lumpo ka pa?" Mukhang ang saya ng loko ngayon kanina pa hindi natatanggal ang ngisi niya
Ang mga estudyanteng dumadaan ay napapatingin na sa direksyon namin. Napailing pa ako nang makita na muntik ng mauntog ang isang babae kakalingon kay Troy.
"Iba ang nasugatan sa nalumpo Mister" aba nasugatan lang ako, lumpo na agad? "sila ang nauna, don't expect me na magpapatalo ako" dagdag ko pa.
"Kahit na, think about your safety. Kahit gaano ka kataray tatlo sila, and we all know that you cant beat them this time" di ko na lang siya sinagot. tumahimik na lang ako sa mga sinabi niya dahil may point naman siya .
"Kumain ka na?" Tanong niya saakin bigla, akala ko wala na siyang balak mag change topic
"Oo, sandwich"
"Nabusog ka naman?" Ngayon ay nakangisi at taas kilay niyang tanong saakin habang nilalaro ang pangibabang labi niya.
"Hindi" now I'll be honest. Tumayo naman siya sa sagot ko.
"Ok wait for me here, I'll just buy us some snacks" at saka siya umalis ng nakapamulsa.
Libre naman siguro yun di ba ? Kasi nagkusa naman siya na bumili at di ko naman siya pinilit.
Di nag tagal ay nakabalik na siya na may bitbit na Burgers, french fries, takuyaki at 2 drinks!
"But I dont want to eat here . Can you walk? Dun tayo sa likod ng Campus kumain" ang tinutukoy niya siguro ay yung magandang lugar na napuntahan ko nung namasyal ako. Nasa kabilang building lang naman iyon at di naman kalayuan kaya tumango na lang ako . Inalalayan naman niya ako gamit ang isang kamay habang hawak niya sa kabilang kamay ang bag na naglalaman ng lahat ng pinamili niya.
Pansin ko na napapatingin saamin ang mga nakakasalubong namin. At as usual ang mga babae ay nagbubulungan nanaman.
"Dont mind them, wag ka na mangaway" nabasa niya ata ang nasa utak ko.
"Wala ako sa mood para mang away ngayon"
"Wow! Wala ka talaga sa mood na mangaway sa lagay na yan? Friendly gesture ba yung naabutan ko kanina kila Kourtney?" at ang loko tawa nanaman ng tawa na akala mo nag jojoke ako.
"Kilala mo yung mga pusit na yun ?"
"Kapatid ng kateam namin si Kourtney kaya kilala ko siya" kibit balikat niya na sinabi
Di ko na lang pinansin ang mga tingin at bulungan ng mga nakakasalubong namin. Habang ang kasama ko naman ay feel na feel at panay pa ang pakikipag batian sa mga kakilala niya na nakakasalubong namin.
"Tatakbo ka ba ng mayor? Panay ang kaway mo " iritado kong sabi na tinawanan niya lang.
Medyo matagal ang paglalakad namin dahil sa bagal ng paglalakad ko. Ilang beses niya na din sinabing mas maganda kung bubuhatin na lang niya ako na lagi ko din naman tinatanggihan. Kaya sa huli ay nagpasensya na lang siya at panay ang tawa dahil mukha daw akong zombie sa porma ng paglalakad ko .
"Troy tigilan mo nga ako! Di ka nakakatulong!"
"I tried to help you but you rejected me" Humawak pa siya sa kanyang dibdib na wari'y nasaktan .
"ugh! Ewan ko sayo! Pinalayo mo pa kasi kakain lang naman!" Kahit hindi kalayuan ay pakiramdam ko ang layo. Pagod na ako ah!
"Just let me carry you. Makatanggi ka naman parang di pa natin ginawa dati"
What ?!!!! Bakit iba ang dating saakin ng sinabi niya.??
Napansin niya ata ito kaya walang humpay nanaman ang tawa niya
"Hoy Romee! Anong iniisip mo? " tawang tawa pa din siya
"Wala! Ano namang iisipin? Baliw ka lang talaga" hinawi ko pa siya at naglakad muli.
Hinabol naman niya ako "Ang ibig ko naman kasi sabihin, nabuhat na kita di ba ? Kaya wag ka na mahiya"
"Kaya ko nga maglakad Troy! Magtigil ka!"
"Oo na" At exaggerated pa siyang tumango tango
hanggang makarating kami sa likod ng campus ay wala siyang ginawa kundi asarin ako . kumanta pa siya ng Thriller at sinabayan pa ng sayaw nito. Umupo kami sa damuhan sa ilalim ng puno.
" hindi naman siguro utang to noh?" Sabi ko sa kanya ng iniabot niya saakin ang burger.
"Of course not. Its all on me" at kumindat nanaman bago kumagat ng malaki sa kanyang burger. Di na lang ako umangal at kumain na lang din.
"Bakit dito pa tayo kakain ?" Tanong ko kasi lumayo pa talaga kami kung pwede naman doon na lang kami kumain.
"Kasi gusto kita masolo"
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Literal na natigilan ako .
"HAHAHAHAHAHAHA" iyak tawa nanaman siya . Hala, nawala na talaga sa katinuan ang isang to
"You... you should have seen your expression. HAHAHAHAHAHA" windang pa din ako sa kanya . Pakurap kurap lang akong pinapanood siya
"You're blushing . HAHAHAHAHA ." Napailing pa siya habang natatawa pa din . This time napairap na lang talaga ako sa kanya.
" fine I'll stop laughing now, but you should stop blushing too " ani niya kahit halata naman na hindi niya mapigilan ang pagtawa
Whatthebdjdkxnxjdnxkx!!
"Im not blushing ! "
"Yes you are!" Talagang ipipilit niya na nagbublush ako
Patuloy lang siya sa pagpupumilit at panay naman ang pagikot ng mga mata ko sa kanya. Naubos na lang namin ang mga pagkain na binili niya at nangawit na din ang mga mata ko kakairap habang nagtatawanan dahil sa mga kalokohan niya. May napadaan pa kaninang babaeng estudyante na napatingin lang saamin na binati at kinindatan niya at halatang pinamulhan ito. Pilit niya pang may gusto daw sa kanya ang babae kaya namula ito. Paano ba naman hindi, kinindatan niya malamang !
Kahit puro kalokohan ang bukambibig niya ay naging kumportable naman ako sa kanya. Parang ang gaan kasi ng pakiramdam nung siya na ang kasama ko. Parang kahapon ko lang siya nakilala ha. At isa pa sa napagtanto ko, sa pag asta niya at pagmamayabang niya tungkol daw sa kagwapuhan niya, isa lang ang masasabi ko. Isa siyang Playboy!