Chapter 4 - Bola 3.0

To say that he's handsome is an understatement. Tingin ko ay mas dugong banyaga, hindi siya mestizo ngunit hindi din siya moreno. Somewhere in between, ganun. Seryoso ang kanyang ekspresyon at nang lumuhod siya sa harap ko para kunin ang aso ay mas napansin ko ang matangos niyang ilong at perfect angle na panga. Hindi din nakatakas sa ilong ko ang pabango niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin at pinilit ang sarili ko na umayos. Hindi ko dapat kalimutan ang ginawa niya kanina. Babae pa din ako at walang tamang rason para batuhin niya ako ng bola!

"Pororo. Bakit ka nanaman nangaaway ng pangit? Sabi ko di ba bullying is bad"

What !!!! Natigilan ako sa sinabi niya, what did he say? Ako ba ang tinutukoy niya?

"Hoy !!!! Ikaw ba yung nagsalita kanina?!"

Nakataas ang kilay niyang tumingin saakin at inikutan pa ako ng mata na parang bored na bored. Angas ah ! Kainis!

"Hoy kinakausap kita! At pangit ?? What the fvck ?! Yang aso mo ang may problema sa mata !" Naiinis na talaga ako, kahit gwapo siya ay hindi ko ito palalagpasin

"Miss wag mo saakin at kay Pororo isisi kung pangit ka." At nagsimula na siyang maglakad papalayo ng buhat buhat ang kanyang aso .

Di pa siya nakakalayo saakin ay huminto siya at nagsalita na lalo nakapag painit ng ulo ko .

"and miss. No matter how stupid you are, let me tell you. Dogs can't talk. That's a common sense" diretso niyang sabi saka nagmartsa paalis

WTF ! Kailan ko sinabing nagsasalita ang aso ?! Mukha niya !!!

Sa inis ko ay binato ko din sakanya ang bola na binato niya din saakin kanina . Aba masakit pa din ang ulo ko dun ah ! Pero sa kasamaang palad di man lang tumama sakanya at sa halip ay tumalbog lang sa kanyang gilid. Ugghhh ! I hate this day !!

"Oops. Yeah I forgot this. Thanks for the ball" at kumindat pa saakin . Ugghhh !! Eew kasuka ! Pangit niya!

"Bwisit ka!!!!!!" napasigaw na lang ako sa ngayon ay nakatalikod ng lalaki at may kalayuan na

Fvck !!! Bwisit na lalaki !!

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at inisip na lang na malaki naman itong XSU at siguradong di ko na makikita ang kupal na yun!

Napagdesisyonan ko na lang na maglakad lakad sa field ngayon. Sa kanan ko ay ang badminton court at mukhang mga freshmen din ang mga naglalaro base na din sa varsity jacket na suot nila na kulay berde. Sa kaliwa ko naman ay ang mga haliparot na gymnastics na nagpapractice para sa cheerdance competition. Sila din kasi ang representative daw.

Napatingin na lang ako sa kalangitan, Kahit malamig ngayon ay kulay asul pa din ito at may kaonting ulap lamang. Nakatingin lang ako sa kalangitan ng biglang ang kalangitan na tinitignan ko ay ngayon ay matigas na semento na. At ramdam ko ang sakit ng tuhod at mga braso ko .

Natalisod ako ng bola na gumulong. Bola nanaman !!! Ano bang meron saakin at ang bola ! Nakakasakit na sila ha!

"Aray!" Grabe ang sakit !! Pakiramdam ko ay nadurog ang tuhod ko

"Miss sorry ok ka lang? Masakit ba ?" Sabi ng lalaking lumapit saakin

"Aray nga diba! Malamang masakit !!" Mataray kong sabi.

Napakamot naman sa batok yung lalaking nagmamay ari ng basketball.

"Ah sorry. Di ka din naman kasi tumitingin eh. Sumigaw na ako para tawagin yung atensyon mo para di ka mapatid " pagdedepensa ng lalaking ito .

Hmm mukha namang may punto siya dahil hindi naman talaga ako tumitingin sa dinadaanan ko

"anong nangyari?" tanong ng isang lalaki na naka jersey din, siguro ay isa sa mga kaibigan niya

hindi ko na pinansin ang sinagot niya dahil sa kirot na nararamdaman sa tuhod ko, seriously? nadurog ba nag mga buto ko?

sinubukan kong tumayo pero ramdam ko ang kirot ng mga braso ko at ang sobrang sakit ng tuhod ko

"Ah!" At napaupo nanaman ako sa sakin. Susubukan ko na sana ulit tumayo ng bigla akong binuhat ng lalaking nagmamayari ng bola .

"A-an-o baa" nauutal kong sabi dahil naiilang ako. Bukod sa alam kong mabigat ako ay madami na talagang nakatingin saamin at nagbubulungan na din.

"This is my fault too . So I'm bringing you to the infirmary." sabi niya ng diretso pa din ang tingin.

"Ah ok lang kaya ko naman pumunta magisa" kahit alam kong di ko kaya , pipilitin ko na lang dahil talagang nahihiya na ako !!

"miss magpahatid ka na lang sa kanya" sabi ng lalaki na inirapan ko lang.

"You cant even stand up. And I said its my fault too . And Im sorry." natigilan na lang ako nang tumingin ang nagmamayari ng bola saakin .

Mestizo pala ang lalaking ito, at dahil nga buhat buhat niya ako ay nagawa kong titigan ang features niya. He got this innocent look. Matangos din ang ilong niya at nakakainggit ang haba ng mga pilik mata niya.

Bakit pag may bola may gwapo? Pinilig ko na lang utak ng sumagi sa isip ko ang hinayupak na nagmamayari ng kaninang bola