"Oh anyare sayo ?" Nakapamaywang na tanong saakin ni Hillary .
"Nadapa lang " tipid kong sagot sa kanya. Dahil pag sinabi ko pa na may lalaking nagbuhat saakin papunta sa clinic at pauwi dito ay siguradong di na matatapos ang pagtatanong nito.
"Grabe naman pagkadapa yan hanggang braso may mga sugat. Tsk tsk ano ba yan Allessandra!! Ang tanda mo na lampa ka pa din !!" Ayan nanaman si Mommy Ces asal nanay nanaman. Minsan kasi talaga parang nanay na siya kung mag alala saamin ni Hill eh.
"Di ko naman sinasadya na madapa" sagot ko sa dalawang kaibigan ko na nakapamaywang saakin. Tinaasan lang ako ng kilay ni Hill.
"Tanga ka din noh? Sinong shunga ang sasadyain na madapa ng ganyan?" grabe talaga si Ces makasermon oh !!
"Sino nagdala sayo sa clinic? Sa laki ng bandage mo jan sa tuhod malamang malaki ang sugat jan " taas kilay na tanong saakin ni Hillary
"Inalalayan ako ni Ate Guard" tipid kong sagot. The less you say, mas kaunti ang itatanong nila.
"At paano ka nakauwi ?" Ayan na, nasa mood ang pagiging mapanuri ni Hillary!
"Ako lang. malapit lang naman ang clinic dito sa dorm kaya ok lang kung matagalan ako sa paglalakad" pagsisinungaling ko at nagiwas na lang ako ng tingin. I feel so guilty! Last na to na magsisinungaling ako! Promise!
Tinignan niya pa ako ng matagal na parang may sinusuri bago niya ako tuluyang lubayan. Dahil na din siguro sa pagkalam ng sikmura ni Ces.
"Aghhh! Gutom na ako! Grabe naman ang pinaka murang pagkain sa Cafeteria eh 20 bucks!! Tapos sandwich lang yun!" pagrereklamo niya pa. Minsan nagtataka ako kung saan napupunta lahat ng kinakain nitong si Ces eh! Napakalakas kumain pero siya din pinakapayat saamin
"kaya nga eh, paano makakasurvive ang 500 bucks natin!" Reklamo din ni Hill .
Pwede naman kami mamili siguro ng mga ingredients sa Supermarket jan sa downtown. Mas makakamura siguro kami.
"Girls, mamalengke na lang kaya tayo sa downtown?" Tanong ko sa kanila.
"Pwede din naman kaso malayo " sabagay may point si Ces dito.
Malayo kasi ang Downtown ng XSU, kung mamasahe kaming tatlo ay gagastos pa kami ng 30 bucks.
"Ganito na lang, para makatipid tayo isa na lang ang mag gogrocery" suggestion ni Hillary na kung iisipin ay yun lang naman talaga ang pwede namin gawin.
"Ganito, ilista na lang natin lahat, magluto na lang tayo ng buong linggo. Para minsanan ang grocery at tipid pa sa pamasahe!" Dagdag pa ni Ces. Ako na lang ata ang walang masabing tulong ah .
"Sige. Ilista na natin lahat ng kailangan natin. Siguro tig 350 bucks tayo. Para may pocket money pa tayong 150bucks" wais talaga itong si Hillary pagdating sa pera .
Tumango na lang kami sa kanya at nagsimula na kaming magusap sa mga bibilhin .
"BBQ nanaman Ally? Di ka ba nagsasawa ? " naiiritang tanong ni Ces saakin.
"Hindi"
"Hindi tayo pwede mag BBQ kasi sabi dito, 200 bucks daw ang kilo nun" singit ni Hillary habang tinitignan sa kanyang phone ang presyo . May App kasi ang supermarket ng XSU kung saan nakalagay ang presyo ng lahat ng bilihin nila. Siguro para na rin sa tulad namin na nagbubudget sa dorm dahil walang pamasahe para magpunta sa Supermarket.