Chereads / That Bisaya Girl / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Kinagabihan ay dumating rin ang hinihintay naming bisita. At in fairness magaganda at gwapo talaga ang lahi nila.

"Mommy! meet my Girlfriend Kathina," sambit ni Jareid sabay tabi sa'kin. Sinamaan ko naman ng tingin si Jareid sabay ngiti kay Tita Jessi. Nagpakilala na kasi siya sa'kin kanina.

Habang papasok kami ni Vandemonyo galing sa Grocery store. Ang lalaking 'yun hindi man lang ako pinagbigyan. Kaya ayun nakapaa akong pumasok mula sa gate hanggang sa mansyon.

"Oh? Akala ko ba girlfriend siya ng Kuya Vans mo?" tanong naman nito kaya napangiwi ako.

''Tsk, She's not even my type Mom." sabat naman ni Vans sabay umupo sa kabilang side ng mesa which is katapat ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin  kaya ginantihan ko ng irap. 

Maldito! 'yan tuloy wala na akong tsinelas! Mahalaga sa akin 'yun eh, binili pa 'yun ni Lola sa'kin. Gusto kong umiyak sa inis. Lintik kang Vandemonyo ka!

"Jessi anak she's Kathina the grand daughter of my friend Saturnina, Remember her?" sambit naman ni Mamita sabay ngiti sa'kin. Pero hindi ko na sila pinansin at kumain na ako. Masamang paghintayin ang grasya.

"Right! I knew it, your somewhat familiar to me. I'm so happy to see you again ijah," sambit nito sabay mabilis na tumayo at yumakap sa'kin. Gulat naman akong napatigil sa pagkain habang nakasubo pa 'yung kutsara sa bibig ko.

Napatingin naman ako kina mamita na nakangiti saka kay Jareid ng biglang kinindatan ako nito dahilan para masamid ako.

"Oh my God! Are you okay? here, drink. I'm sorry Cass ijah I just miss you. Akala ko hindi na kita makikita ulit. Anong kinuha mong Course? Do you still remember Vans?" naguguluhan naman akong napatingin lang kay Tita sa dami niyang tanong. Wala kasing maproseso ng maayos sa utak ko. Sa kanya pala nagmana si Jareid.

Ang laman lang ng utak ko ngayon ay Pagkain, Pagkain, Pagkain at kumain ng marami.

"Mom, let my girlfriend eat. Look at her she's stick thin. She needs to eat ask her later--Aw!" sabat naman ni Jareid kaya automatic naman akong napakurot sa kamay nito dahil nasa tabi ko lang siya.

"Ah, Nag s-stop po ako Tita Ahhm financial problem. Pero I'm planning to continue naman po. Plano kong mag working student. Siguro next semester mag-aaral ulit ako pag nakahanap na ako ng trabaho this week." Nakita ko naman kung paano nagbago ang expression nito kaya ngumiti nalang ako. Ayaw ko kasi sa lahat ay 'yung kinakaawaan ako.

There's no need to look at me with sympathy. Mas lalo ko lang kasing maaalala na ang malas malas ko sa buhay.

"At plano ko rin palang mag boarding house nalang nakakahiya po kasing--"  sambit ko pa pero agad akong pinutol ni Mamita sa pagsasalita. Napansin ko rin na napaangat ng tingin sa'kin si Vans.

"That's a big No for me Kasa,"

"Pero po Mamita-"

"Kasa ijah sinabi ko ba sa'yong umalis ka dito? Hindi di'ba? I will only let you go kung makikita mo na ang mama mo. That's my promise sa yumao mong Lola. And I would never break my promise. Not now ijah and besides your like a family to us kaya 'wag kang mahiya okay?" sambit pa ni Mamita kaya napatikom naman ako.

Kahit na nakakahiya parin. Ano bang nagawa ni Lola para sa kanila para ganyan nila ako pahalagahan?

"At isa pa, Next semester I will enroll you sa University na pinag-aaralan din ni Vans and hindi ako tumatanggap ng No as an answer. Oh siya kumain na ulit tayo alam kong gutom ka na." sambit pa nito sabay tawa.

"Pero Mamita, hindi naman po sa ayaw ko na mag-aral pero hindi po ako tumatangap ng Free. Ay tumatangap po pala ako Free food hehe. Pero 'yun lang. Nakakahiya po kasi na i-asa sa ibang tao 'yung dapat ay ako ang gumagawa ng paraan." sagot ko naman dito pero tumawa naman si Mamita pati na si Tita Jessi at Tito Vendel na Dad nila Vans na kanina pa tahimik.

"This kid is quite amusing. I see why Mama likes you." komento pa ni Tito Vendel.

"She's just like Lola Saturn right hon?" sambit naman ni Tita Jessi.

"Right, so pure."

"Ijah, You don't have to worry may kapalit naman ang lahat ng 'yun. Diba Vans ijo?"  sambit ni Mamita kaya nakakunot naman ang noo kong napatingin kay Vans.

"W-What?" gulat na tanong ni Vans habang namimilog ang brown niyang mata. Bakit ba biniyayaan ng sobra ang lalaking to. Hindi niya deserve lahat ng 'yan tsk!

"Ehem, Anyway para hindi ka mahiya ijah. How about you'll apply sa scholarship? I bet you can pass the test."

"Yun, mas okay pa po sa'kin 'yun Mamita hehe." sagot ko sabay subo ng kanin at lechon manok sa bibig ko. In fairness ah ang sarap ni Mamita magluto.

"Then that's settle then, Next month you'll be enrolling to Vans and Jareid school," sambit ni Tita sabay ngumiti sa'kin na kasing tamis ng leche plan nila.

Oo nga pala next month ay October na, kaya Opening na naman ng Second Sem. Haist! Kaya ko 'to!

"Maraming salamat po." sambit ko sabay nag bow pa sa kanila.

Natapos ang mahabang kainan at agad akong nagrepresenta na naman na maghugas pero. Inetsapwera na naman ako ni Nanay Solen.

Kaya heto ako ngayon nakaupo sa kama ko. Habang pilit na pinepenta ang mukha ni Jareid. Dahil nangako ako sa kanya.

"Ay bayot!" Bakit mukha niya ang na-ipenta ko?

Kailangan kong gumawa ng bago para kay Jareid. Ang batang 'yun kukulitin na naman ako nun bukas psh.

Ng matapos ko ipenta si Jareid ay itinago ko sa ilalim ng kama ang Obra ko. Pati na rin 'yung kay Vans. Baka makita niya pa 'to at iba ang isipin nun. 

"Makaligo na nga" ngunit labis na lang ang pagkagulat ko ng biglang umilaw ang singsing na hawak ko. T-teka, bakit suot ko pa rin 'to?

Mabilis ang pangyayari at sumakit bigla ang ulo ko. Ng mawala ang ilaw ay agad akong napaupo sa sahig dahil sa nanghihina ang katawan ko.

Bakit ang bigat bigat ng katawan ko? Haisst! siguro dahil madami akong ginawa ngayong araw. Agad naman akong tumayo at biglang napahinto ng mapansin kong kulay asul ang tiles ng shower room ko.

Teka lang, Diba pink to? naghahalucinate ba ako? Kinurot ko pa ang sarili sabay pikit ng madiin at tiningnan ulit ang paligid pero, May kakaiba talaga eh.

"Ano bang-" sambit ko pero agad din akong napatigil ng biglang lumalim ang boses ko.

"Teka ano ba talagang nangyaya-" Jusko! anong nangyayari? b-bakit boses lalaki 'yung...

"Waaah!" asan na 'yung boobies ko? b-bakit bakit!  Oo na alam kong walking plywood ako pero bakit ganito? A-Anong nangyayari sa'kin!

"Cass!" rinig kung sigaw isang babae kaya agad akong napatakbo palabas ng shower habang suot-suot lang ang towel sa pang ibabang katawan na-- teka bakit? Anong nangyayari? nanaginip lang ba ako.

"Cass!" Okay This is crazy! Paanong kaharap ko ang sarili kong katawan? Patay na ba ako? Kung ganun? bakit nagsasalita sa harapan ko ngayon ang sarili kong katawan habang nanlalaki ang mga bilugang mata?

"What did you do to me!" gulat na sigaw nito at biglang nagflashback sa akin lahat ng nangyari.

Si Lola, ito ba 'yung sinasabi niya na magsisimula na ang kamalasan ko? Isinumpa nila ako dahil sinuot ni Vamdemonyo ang singsing na hinabilin ni Lola!

"What did you do to me, You witch!" mataas ang boses na sambit nito sabay sinugod ako ng biglang matapilok siya.

"Ahhh!"  biglang nagslow motion ang lahat sa paningin ko at agad ko siyang nasalo na ikina off balance ko kaya pareho kaming bumagsak habang nakapatong siya sa'kin.

Walang kumilos at walang naglakas loob na magsalita sa aming dalawa. Paano ako napunta sa sitwasyong ito? Bakit ba ang malas-malas ko?

"What the hell is going on!" sigaw nito sabay tulak sa akin hanggang sa biglang nagdilim ang paningin ko.