"Shoot! si Nick t-teka unsa may akong buhaton? Huhu hindi,pwede paano kong malaman niya?
Beep~Beep~
"Ay bakla!" gulat naman akong napatingin sa likod ko ng makita ang kotse ni Nick. Kanina pa kasi ako dito sa labas habang hinihintay sila.
"Hey Couz! anong ginagawa mo dito sa labas? may hinihintay kang chics?" saad ni Nick saka niya binuksan ang kotse niya at lumabas dun ang katawan ko este si Vans pala.
"A-Ah hehe Oo eh, may hinihintay akong sisiw." sagot ko pa at agad na napatikom nang pandilatan ako ng mga mata ni Vans. Kaya hindi ko mapigilang kagat-kagatin 'yung kuko ko.
"Hahaha sisiw? are you making jokes now Couz? Pero dude that was funny." sambit naman nito saka hinarap si Vans.
"Cass, I'm sorry for what happen today, And thank you kasi pumayag ka na sumama sa amin."
Bakit? ano bang nangyari?
"I'm truly sorry for what happen." saad ulit ni Nick habang si Vans naman ay nakakunot pa rin ang noong nakatingin kay Nick.
Tingnan mo ugali ng isang "to! baka sabihin ni Nick babylabs suplada ako.
"Ah-Haha Okay lang 'yun, Di'ba Cass? Diba?" mariin na sambit ko sabay patalikod na pinandidilatan naman ng mata si Vans. Pero nag crossarm lang ito sabay taas ng kilay niya sa'kin.
"Okay," sagot naman nito kay Nick sabay pilit na ngumiti shete ka talagang Vandemonyo ka! nagmumukha akong katawa-katawa sa ginagawa niya.
"Thank you, Ahmm Till next time then?" nakangiting saad ni Nick kaya napangiti naman ako at excited na sumagot.
"Sige! ay--E-este sabi niya ni C-Cass na okay daw hehe diba Cass? wuy sumagot ka nga." bulong ko pa kaya napilitan naman ulit siyang ngumiti at sumagot.
Phew!
"Good night Cass." huling sambit pa nito saka binuhay ang makina ng kotse niya at umalis na sila. Muntikan na yun ah.
"What did I tell you?" sambit ni Vans saka pinandidilatan na naman ako matapos naming makapasok sa bahay.
Bakit ba ganito ang isang 'to? for a one day sana naman maging mabait siya sa'kin.
"Eh K-kasi," sambit ko sabay napakagat sa labi ko. Este! hindi ko pala labi to waah! ano bang ginagawa mo Kasa! shunga ka talaga!
"Tsk, Do you like him?" tanong nito na nagpatigil sa aking sapakin ang sarili ko sa isip.
Halata ba?
"H-hindi, slight lang," sambit ko sabay awkward na tumawa.
"Slight ha? tsk." sambit lang nito saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kwarto niya. Nakalimutan niya yatang nasa katawan ko siya.
Madalas, hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to.
"Bakit? may problema ba?" tanong ko naman kaya napahinto siya saka lumingon sa'kin at bored akong pinakatitigan.
"Nothing, buhay mo "yan. Pero sana bago mo ituloy 'yang feelings mo sa kanya. We already fix this problem. Kasi hindi na 'to nakakatuwa." sagot nito saka tumalikod ulit at pumasok na agad sa kwarto niya.
Napabuntong-hininga nalang ako. Oo nga naman. Hindi ka talaga nag-iisip Kasa!
Minutes, become hours,
Hours become days,
Days become weeks and now isang buwan na wala pa rin kaming solution sa problema namin ni Vans.
"Babe drink up." saad ng babaeng Girlfriend ni Vans. Ang Vandemonyo na 'yun. Alam niya naman na nagkakaganto kami tuwing gabi at sa umaga bumabalik sa dati naming katawan pero gumala pa rin siya. At ngayon ako ang naiipit sa ginagawa niya.
Isa pa mas lalong hindi ko rin maintindihan si Vans ngayon. Lagi nalang siyang galit pag nakikita akong kasama si Nick. Minsan nga napapa-isip na lang ako. Naglilihi ba siya? Jusko daig niya pa buntis kung magtaray.
"No thanks," agad na sagot ko, kanina ko pa gustong umalis sa lugar na ito pero hinihintay ko pa siya. Kahit na lumabas ako dito wala din naman akong mapupuntahan dahil hindi ko pa naman kabisado ang lugar na 'to. At may kotse nga hindi naman ako marunong magdrive.
"Why are you so killjoy babe? drink up please?" sambit na naman ulit nito saka naglikot ang kamay at hinawakan ang dibdib ko este dibdib pala ni Vans 'to.
Kailangan ko ng umalis dito baka marape ako ng wala sa oras. Hindi ko rin lubos na maisip na gawin 'yun!
Napagkasunduan din kasi namin ni Vans na pag-aralan kung paano kami kumilos at magsalita para pagdating ng gabi. Ay walang makahalata na nagbabago kami. Pero ang isang 'yun, daig pa ang kontrabida kung magtaray leshee!
Alam kong napakaweirdo non pakinggan pero wala akong magawa. Si Lola kasi eh, bakit kailangan kong maghirap nang ganito?
Matagal ko na ring hinahanap 'yung libro pero biglang nawala na lang ito.
"Karen--" sambit ko pero agad siyang sumabat.
"It's Kate, babe," sagot nito kaya wala naman ako sa sariling napa-irap na naman. Saka tumingin sa kanya ulit.
"Let's break up," agad na saad ko saka mabilis na naglakad paalis sa bar na 'yun. Tama ba 'yung sinabi ko?
Natanggap ko na kasi ang message ni Vandemonyo na nandito na raw siya. Kaya kailangan ko ng makalabas.
"B-Babe but why? No! You can't break up with me just like that Vans! Three weeks pa lang tayo. Madami pa tayong oras na pwedeng pagsaluhan. Don't do this to me!" sigaw nito kaya humarap naman ako sa kanya. Shete lkaw talagang Vandemonyo ka. Kung ano-ano nalang pinapagawa mo sa'kin dahil sa pagkababaero mo.
"I'm sorry, but you bore me. Your so clingy and pushy. Break na tayo and you can't stop me. So live your life Kate you're free now." sambit ko pa ng bigla siyang umiyak at lumuhod sa harapan ko.
Jusko! ano ba 'tong pinaggagawa ko. Medyo naawa ako sa kanya. P-pero kung hindi ko gagawin to mabubuko kami kapag tumagal pa ang relasyon nila. Lagot ka talaga saking Vans ka mamaya.
Asan na ba kasi ang kumag na 'yun. Palaging ako na lang ang umaayos sa gusot niya. Ano ako maid? taga plantsa sa mga gusot na kagagawan rin naman niya?
Nakakainis!
"Please, I will do everything just please don't leave me.... I am willing to give you everything even my v-virginity just--" nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya kaagad at sinamaan siya ng tingin.
Paano niya nasasabi ang bagay na 'yun? Ganyan na ba siya ka desperate para mapasakanya si Vans?
"Don't you ever think about that Kaye." seryosong saad ko pero inismidan niya pa ako bigla.
"It's Kate duh!" sagot nito kaya napakatok nalang ako nang palihim sa utak ko. Kahit kailan talaga Kasa.
"I'm sorry, if I can't love you the way you feel for me." sambit ko sabay tinapatan rin siya sa pag-upo.
"But you should remember this, If that guy truly loves you, hindi mo na kailangang ibigay pa ang bagay na 'yun.. Because if a guy truly loves you. Love will always come first than Lust. You will find a guy better than me Kate, so chin up and wipe your tears." sambit ko at huminto naman siya sa pag-iyak.
Bilis ah? Bigla pa itong tumingin sa'kin ng kakaiba. Kaya nawe-weirduhan na ako. This is awkward.
"I see, kakaiba ka nga talaga Vans. Anyway I think so, hmp! sa ganda kong 'to. Sure akong magsisisi ka rin sa huli." saad nito saka tumayo at pinahid ang mga luha niya.
Eh? ang dali naman pala nitong kausap eh phew! mabuti na lang.
"Tell me, may bago di'ba? or should I say may mas nauna ka at ginamit mo lang ako?" tanong nito kaya napataas naman ako ng kilay. Bago?
"Bago?" nagtatakang tanong ko.
"Oh come on! I can sense it Vans, simula nung sinagot mo ako. Alam ko naman talagang hindi mo ako mahal. Sinakyan lang kita kasi akala ko magwo-work tayo. But I know someone already owns your heart. Palagi kang nakatingin sa Cp mo habang magkasama tayo. At nakikita kitang ngumiti mag-isa. I have never seen you smiled like that while you are with me." sagot pa nito kaya napakamot naman ako sa batok ko.
Eh anong alam ko? Hello? isa lang naman akong dalagang pilipina na stuck sa katawan ng isang Vandemonyo tuwing gabi.
"Ah--"
"Vans Let's go!" rinig kong tawag sa'kin ni Vans. Mabuti nalang at nandito na siya.
"Ah--Gotta go, bye Kate." saad ko pa saka mabilis na lumapit kay Vans at kinaladkad ito para makaalis na kami.
Muntikan na, hindi ko pa naman alam kong anong isasagot ko sa babaeng 'yun. Ang creepy niya kaya, lalo na pagtumititig siya.
"Pahamak ka talagang Vandemonyo ka!" singhal ko dito matapos naming makapasok sa kotse niya at pinaandar ito.
Patawa-tawa naman itong nagdrive lang. Lami kaaju hapakon! arghh! sa tingin niya ba nakakatuwa źyung mga pinaggagawa niya?
Gawin ba namang laruan 'yung mga babae niya psh. Dapat sa isang 'to tinatanggalan ng betlog para matigil ang lahi at wala ng sumunod.
"I enrolled you kanina sa school namin so dapat sumunod ka rin sa utos ko." sambit nito habang nakangisi. Oo nga pala siya 'yung nag enroll sa'kin kanina sa University nila. Kaya I owe him at ito 'yung kapalit.
"Ready ka na bang mag-aral bukas?" tanong nito sa'kin kaya napalunok naman ako. Medyo kinakabahan ako na excited 'di bali na nga bahala na.
"Ako pa? I'm always ready," sagot ko sabay ngumiti dito kaya gumanti naman siya ng ngiti sa'kin. In fairness mas pogi siya pag nakangiti.
Mag-aaral na ako ulit bukas Lola. Ito na ulit, magsisimula na naman ako. At kahit wala na kayo I promised magsisipag ako para maabot ang pangarap niyong dalawa para sa akin.