Chereads / That Bisaya Girl / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Beep~ tunog ng kotse mula sa labas. Pero binalewala ko nalang ito. Ang batang si Jareid kasi may mataas na lagnat. Kaloka! nasaan ba naman kasi ang mga maids nila Mamita? Kung kailan kailangan namin sila biglang nawawala.

Para tuloy biglang naging ghost house ang Mansyon na 'to. Ganun ba talaga  kapag mayaman? sobrang busy? may time pa kaya sila para mag bonding oh kahit magkamustahan man lang?

Kaya minsan hindi ko rin pinangarap na yumaman eh. Kasi come to think of it hindi naman lahat ng mga mayayaman masaya. Minsan nga nag-aaway pa 'yung mga anak para lang sa mga mamanahin nila. Will hindi din naman palaging masaya kapag salat sa buhay. Pero atleast marunong tayong magpahalaga sa mga simple at mga maliliit na bagay.

Mabuti na rin na ganito ang mundo It's called the balance of life. Kung may masama, meron ding mabuti May mayaman may mahirap. May apoy at may tubig. May lupa at may langit may tama at mali. Imagine kung lahat ng tao sa mundo mayaman? sino ang mangugulekta ng basura? sino ang magtatanim? teka parang ang Oa ko na yata.

"Wuy boy, inumin mo muna 'to," Tinapik ko pa ito ng mahina sa pisnge.

"No, I hate medicine babe," pag-iinarte nito sabay tampal pa sa kamay ko kaya muntikan na siyang matapunan ng tubig. Sana nga natapunan na lang siya.

Aba! kalalaking Alien! aarte pa. Ipalunok ko kaya sa kanya pati baso?

"Hoy Jareid, wag mo akong pahirapan kundi ihuhulog talaga kita sa hagdan. Pagugulungin kita dun makikita mo!" pananakot ko sa kanya pero hindi man lang ako nito pinansin.

Oh jusko! bakit ko ba binabantayan ang batang sumpungin na alien na 'to? Kung hindi lang talaga ako matino kanina pa 'to nakatikim sa'kin.

"Sige, arte ka pa bahala ka na nga! Alam mo mangyayari sa'yo pag di ka uminom ng gamot?" sambit ko pa dito pero wala lang siyang imik. Kaya lihim naman akong ngumisi sa naisip kong paraan.

"Ito mangyayari sa'yo boy makinig ka. Kapag hindi ka uminom ng gamot. Syempre sa taas ng lagnat mo magko-kumbulsyon ka. Pagkatapos titirik 'yang mata mo. Kaya syempre papangit ka magmumukha kang si Smegol. Yung palaging nagsasabi ng My precious~ sa The Lord of the ring? Tapos bubula bibig mo. Pagkatapos ako, dahil wala naman talaga akong pakialam sa'yo. Kasi kasalanan mo naman 'yan. Eh sa ginusto mo 'yan di'ba? Syempre aalis ako dito at uupo o matutulog ako sa kama ko para walang makaalam na nakita kita habang nahihirapan--"

"Oo na! Oo na babe, give me t-that," nanginginig ang boses na sambit nito kaya napangisi naman ako. Hahaha takot naman pala pumangit tsk!

"Hindi pwede, hindi pa ako tapos Okay? Makinig ka muna, Tapos ipapadala ka sa Hospital. Pero dahil huli na syempre ano bang dapat gawin sa wala ng buhay na katawan? syempre tatanggalan ka na ng dugo, atay, baga, puso at---" (pasintabi sa mga kumakain)

"S-stop! please I don't wanna hear it. Give me my medicine." paki-usap nito habang nakanguso pa.

"Oh ito na." Iinom din pala eh kailangan lang palang takutin. Ngumiwi muna ito bago uminom at nilagok ang isang basong tubig.

"Oh, matulog ka na muna diyan at kailangan kong puntahan kong sino 'yung nasa labas okay?"

"Okay," sagot nito sabay tumango pa. Oh jusko! totoo nga na may himala!

"Good boy." sambit ko pa dito sabay pat pa sa ulo niya. Marunong naman pala 'tong sumunod kapag tinatakot.

Alam ko na ang weakness mo bata. Sumunod ka sa mas nakakatanda. Kun'di, lagot sa'kin.

Mabilis akong naglakad papunta sa gate dahil mas trumiple ang ingay nito.  Kaloka! Napagod ako dun ah, marahan muna akong umupo sa sahig kay kapoy man bes uy.

Sobra ka kapoy! bakit ba kasi ang layo ng mansyon sa gate nila? dapat ba ganun?

Nang okay na ako ay agad ko ng binuksan ang Gate dahil nag-ingay na naman ang kotse sa labas. Bumungad naman sa aking mga mata ang kulay pink na sports car.

"Hey you!" tawag ng isang babae matapos lumabas nito sa kotse niya. At bahagya pang nag catwalk papunta sa'kin.

Dito ba gaganapin ang Ms. Philippines 2018? naliligaw yata ang isang 'to.

"Me?" sambit ko naman sabay turo sa sarili ko.

"Yes, you! Why are you so tagal ba ha? I've been here for like... Age's na kaya." may pagka maarteng saad nito sabay flip pa ng blonde niyang buhok. Ay! pwede na pang commercial ng Rejoice. Penge jacket ibibigay ko sa kanya may nanalo na eh.

"Ay sorry po, May ginagawa pa kasi ako no?" sagot ko dito pero mukhang ayaw niya yata 'yung paraan ko nang pagsagot. Dahil sa tinaasan niya lang ako ng perpekto niyang kilay.

"Tsk don't po me okay? I'm not old I think nga magkasing edad lang tayo. And isa pa papasukin mo nga ako. I'm so tired waiting here you know?" saad pa nito pero nakaharang parin ako sa daan.

Malay ko ba? baka bugos to? Oh miyembro ng budol budol gang? kaya kahit na maganda siya. It's still a no.

"Bakit sino po ba kayo Miss?" tanong ko naman dito at pilit na hinaharangan pa rin ang daan kahit nagtutulakan na kami.

"Oh, Gosh! why are you such a disrespectful Maid? Will you just let me in and let me talk to my boyfriend?" sagot naman nito kaya ako naman ang napataas ng kilay.

Maid? Boyfriend? the who teng?

"Sino po ba kayo? at sinong sinasabi niyong boyfriend para matapos na tayo dito?" pagmamatigas ko kaya natigil naman siya sa pagtulak at nagcross arms pa sa harap ko.

"Gosh! why are you so annoying ba? You're just a Maid. Kaya pwede ba let me in and stop asking!" singhal nito sa'kin at bigla pa akong tinulak. Kaya ako namang hindi nakapaghanda ay mabilis na bumagsak sa sahig mabuti na lang sinalo ng sahig ang pwet ko.

Sakita pre.

"A-Aray hoy b-bumalik ka dito!" sigaw ko sabay pilit na tumayo. Habang pa ika-ikang sinundan ang babaeng trespasser.

Ang sakita ha! kaloka ano bang problema ng isang 'yun. Manulak ba daw?

Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko namang kinakausap siya ng batang si Jareid. Oh, so Girlfriend niya ang babaeng 'yan? Grabe ah? tas ang lakas makatawag sa akin ng Baby hay nako. Mga bata talaga.

"Baby! what happen?" tanong nito habang nakakunot ang noong pinasadahan ako ng tingin.

Oh? baby na naman? kaharap niya gf niya haist... May sakit pa siya niyan ah? Harap harapan talagang mangaliwa ganun? Pa iling-iling naman akong tumingin lang kay Jareid.

"Baby what? Jareid! Are you out of your mind? Bakit girlfriend mo ang maid na 'yan?" saad naman ng babae sabay tinarayan ako.

Hala siya! sino bang nagsabi sa kanyang maid ako dito? jumbagin ko fes niya fake news eh.

"Maid? Who says she's our Maid? she's my future wife, Alexa. Her name is Kathina Cass A--" sagot naman ng batang si Jareid at muntikan na akong magsayaw ng Budots sa sagot niya.

Kaloka Future wife daw? saan niya napulot 'yun?

"Duh! Who care's? I'm here for Vans. Where is He Anyway? Dapat kasi na I'm going to surprise him and since. I'm here na, dito nalang me i-surprise 'yung Boyfrien--"

"Ex, Alexa. Ex ka na lang ni Kuya You left him 3 years ago remember?" parang may inis na sabat naman ni Jareid kaya napatikom naman itong si Alexa.

Oh? so Ex gf pala ni Vans.

"I-I know, But I'm here. I'm back and this time I really need to talk to him. Please tell me where he is," paki-usap naman nito kaya medyo naawa ako sa kanya. I mean sino ako para manghusga? Sana maayos na nila problema nila. Basta ako magde-date kami ng Babylabs ko Haha.

"If you are willing to wait, Like what Kuya did for you before? Then you can sit here and wait for him. Kahit hindi ako sure na uuwi ba siya ngayon."

"Fine, Pero sasamahan mo naman--"

"No Alexa, I need to rest May sakit ako kaya please. Wag kang magsisigaw ulit para lang hanapin si Kuya. Kung hindi ay makakalayas ka na sa bahay namin." sagot naman ulit ng batang si Jareid saka tumalikod at naglakad na paakyat papunta sa kwarto niya.

ay hala! I smell something fishy. Tingnan mo ang batang "yun. Akala mo kung sinong mature umasta.

Tiningnan ko naman nang pasimple 'yung si Girl. Pero malungkot na itong nakayuko habang nakaupo mag-isa sa sofa.

Hay pag-ibig nga naman. Minsan pinapakilig ka madalas, pinapaiyak ka.

MABILIS  akong nagbihis ng damit nang magtext sa akin si Nick babylabs na aalis na daw kami. Ow yeah! Kailangan maganda ako kaya nagsuot naman ako ng black pants, V-neck shirt na kulay pink sabay suot ng nag-iisa kong doll shoes na kulay black. Sorry na ganito talaga pag dyosa simple lang manamit.

Baka pag nag-gown ako dun pagkamalan akong palamuti sa kalsada. Bakit ba kasi hindi ako pinagpala ng height? Nag half bun naman ako ng buhok na madalas kong ginagawa.

"Where are you going?"

"Ay buhok!" Nakakagulat naman ang lalaking 'to. Bigla-bigla na lang lumilitaw. Kakaiba pa itong tumitig na parang gusto niya na ako katayin.

Tiningnan ko naman 'yung oras sa wristwatch ko at alas sais na pala. Owemgee! naghihintay na sa akin si Nick sa labas.

Shunga ka Kasa! bakit mo hinayaang makita ka ng kontrabidang Vans na 'yan?  jusko! Hindi pwede! hindi ako papayag na hindi ko makakadate si Nick ngayon.

"Syempre, lalabas muna sandali sa pagkakakulong ano? gusto ko munang magpahangin at umamoy ng sariwang hangin pre." seryosong sagot ko dito sabay paypay pa sa sarili na kunwari na iinitan.

''Okay? diyan ka lang sa garden okay? so if something happen. Madali lang kitang makikita." saad pa nito sa'kin kaya napangisi naman ako ng palihim.

Kung ano man ang nakain niya ngayon? Sana kainin niya ulit bukas at sa susunod pa na mga araw.

"Okay! thanks," masayang sagot ko sabay ngumiti ng napakatamis sa kanya.

"S-Stop smiling psh! umalis ka na nga!'' biglang singhal nito sabay tulak pa sa'kin at muntikan na akong mapasubsob sa sahig. Lokong Vandemonyo 'to!

Sumpungin! bipolar! tss bahala na nga siya, basta makakasama ko ngayon si Nick.

Teka Asan na kaya 'yung babae na Alexia ba 'yun? Alicia? Alixis? Ah basta 'yun. Nagkausap naman kaya sila ni Vans? hay bakit ko ba iniisip ang lablayp ng ibang tao.

"Cass! I'm glad pumayag ka. Halika na?" Nakangiting sambit ni Nick sa'kin matapos kong mag-ala ninja para lang makalabas sa gate ng walang nakakapansin.

Sinuklian ko muna ito ng ngiti. Para itago ang pagod na nararamdaman ko makalabas lang.

"Kuya, who is she?" tanong ng batang nasa walong taong gulang na yata. Matapos kong makapasok sa kotse nila.

"She's your Ate Cass, baby." sagot naman ni Nick. Kaya ngiting aso naman ako. Eh kasi ate daw ako ng kapatid niya hanuba! hindi ko alam pero kinilig ako dun.

"Oh? Hi ate Cass." sagot lang nito sabay yumuko at tiningnan ang phone niya. Akala ko may sasabihin pa siya sa'kin kaya nakatingin pa rin ako sa kanya.

Pero hindi na siya nagsalita pa.

"I'm sorry, ganyan lang talaga siya Cass haha." saad naman ni Nick babylabs kaya ngumiti naman ulit ako. Asus! ikaw pa ba?  it's okay bebe!

"Okay lang Be--Nick," shunga! muntikan na lintik lang.

"Hahaha," rinig kong tawa ni Nick sabay binuhay na ang makina ng kotse niya.

Ng makarating kami sa sinehan ay agad naman na bumili si Nick ng Popcorns at nagbayad  na rin ng ticket. Hindi ko naman alam na manonood pala kami ng Disney Movie.

"Psst!" tawag pansin ko kay Nick. Para tanungin siya.

"Bakit kailangang lumabas at magpunta pa kayo dito sa sinehan? pwede naman sigurong sa bahay lang di'ba?" tanong ko sabay kuha nung isang popcorn at drinks.

Para naman di mahirapan ang babylabs ko.

"I can't argue with that, But my Little sister Cass like it here. And I don't want her to cry just because hindi ko siya pinagbigyan." sagot naman nito kaya napangiti naman ako. Ang bait talaga na Kuya nito.

"His lying ate Cass. I never suggested na lumabas kami it's his--umppft!"

"Haha, uhmm teka lang Cass ah?'' sambit ni Nick sabay mabilis na umalis sa harapan ko at kinausap ang Kapatid niya.  Eh? Ano daw? ano bang nagyayari sa magkapatid na 'to.

"Shh... wag kang maingay.." rinig ko pang mahinang sambit ni Nick pero pinagsawalang bahala ko na lang.

"Tara na sa loob?"  parang na iilang na aya ni Nick sa'kin matapos nila mag-usap ng kapatid niya na biglang nakangisi pa sa'kin.

Kaloka! Ang creepy ng kapatid niya.

"Cass?" rinig kong tawag sa'kin ni Nick habang napapagitnaan namin si Anika habang kasalukuyang nanonood.

"Bakit?"

"Uhm.. ah--w-wala." parang kinakabahan na sambit nito sabay iwas ng tingin sa'kin at nanood na lang ulit.

Ey? "Uy ano nga?" tanong ko sabay sundot pa sa tagiliran niya na ikinatayo niya. Hahaha

"I'm sorry, I'm sorry." hinging paumanhin nito sa mga tao sa likod niya saka mabilis na umupo.

"Cass." sambit nito sa'kin na parang may dala pang pagbabanta kaya ngumisi naman ako at itinaas ang kamay ko. Na ikina-ingay na naman ng mga nasa likuran ko dahil Natatabunan ko daw sila.

Aba! bakit? kasing lapad ba ng plywood 'yung kamay ko para 'di sila makakita? kaloka ah. Ang nipis ko nga eh kasing nipis ng chance na magiging kayo ni crush.

"Peace guys," paumanhin ko naman nang biglang umilaw 'yung kamay ko katulad ng kahapon.

Oh no! w-wag ngayon!

"Cass?"