Nick's Pov.
"Cass?" I called her when suddenly may malakas na ilaw na lumitaw mula sa mga kamay niya. Her ring,
"Dvmn it! where the hell did that witch go at this fvcking hour-"
"Cass?" I called her again habang nakapikit pa ako dahil sa sumakit ang mga mata ko.
What happen? bakit umilaw ang singsing niya? Is it a new edition?
"Baby are you okay?" I asked my younger sister. Baka kasi sumakit rin ang mata niya. Pero bored lang akong tiningnan nito. Sabay tumingin ulit sa screen. Napailing nalang ako.
She's always this cold to me. Hindi ko rin alam kung anong naging kasalanan ko bilang Kuya niya para hindi ako pansinin ng maayos.
And if she does talk to me. Palaging may kapalit. Like buying her A new collection of Comic books from series 1-5 or more.
"What in the world!" biglang sigaw ni Cass at tumayo pa. Kaya mabilis ko naman siyang hinawakan sa kamay at pina-upo.
Heck! mapapagalitan na naman siya ng mga manonood sa likod. Ayaw niya na ba sa pinapanood namin?
"Pasenya na po," paumanhin ko pa sa mga taong nasa likod sabay kamot sa batok ko dahil sa kahihiyan. Galit na galit na kasi 'yung mga tao sa likod at gusto na kaming palabasin.
"Dvmn it couz let go of my hands!" singhal naman ni Cass sa'kin. Is she mad at me? Binitawan ko na lang ang kamay nito dahil ang sama ng mga tingin niya sa'kin. W-what did I do?
"W-What's wrong?" tanong ko dito dahil kunot na kunot talaga ang noo niya. Nanlaki naman bigla 'yung mga mata niyang napatingin sa'kin. Sabay tiningnan ang paligid at pati narin ang suot, buhok at kamay niya ay kinilatis niya.
I don't know what's happening to her. Pero ang cute niyang tignan habang parang naguguluhan na tinitingnan ang sarili niya.
"Psh, you're so obvious Kuya," rinig kong sambit ng kapatid ko habang nakatingin pa rin sa screen.
"Anika," banta ko dito pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Kaya binaling ko na lang ulit kay Cass ang attention ko na nanggigigil na sinusuntok ang upuan niya.
"Cass, anong problema--"
"Hoy! pwede ba? 'wag kang malikot diyan? na-iistorbo mo kami eh! Mas mabuti pa lumabas na lang kayo kasama 'yang boyfriend mo tsk!" reklamo ng katabi ni Cass na lalaki kaya ako naman agad ang humingi ng pasensya.
"I'm so sorry about that," hinging pasensya ko sa lalaki pero sinamaan lang ako nito ng tingin. I just ignored him I don't want a fight.
"Cass, Anong problema? gusto mo palit tayo ng upuan? dito ka na sa dulo?" alok ko dito pero biglang sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napatikom ako.
D-Did I say something wrong na ikakagalit niya? What have I've done?
"Say it again?" sambit ni Cass sabay tumayo at hinarap 'yung lalaki. Habang kunot na kunot ang noo niya.
W-What's happening to her? It seems like ibang tao ang kasama ko ngayon. I need to do something before something worst will happen. Hinila ko naman ito ng biglang sumigaw 'yung lalaki na katabi niya.
Shit!
"Bingi ka pala eh! haha ang sabi ko--Ahh!"
Holy molly! she punch him right in the face na nagpadugo sa ilong nito. Di ako makapaniwalanng napatingin kay Cass. Tsaka sa lalaking kasalukuyang sinasalo ang dugo na tumutulo mula sa ilong niya.
Gusto ko sanang i-cheer si Cass sa ginawa niyang pagsuntok pero, baka mapahamak siya. After all she's still a girl at lalaki 'tong kaharap niya.
"C-Cass Why did you punch him? hindi mo na dapat--" sermon ko sana kay Cass ng biglang sumigaw 'yung lalaki.
Agad ko naman na pinatabi 'yung kapatid ko pero wala pa rin itong pakialam na tumingin sa'kin saka mabilis na naglakad paalis.
"Anika! come back!" may inis sa boses na sigaw ko habang nakatingin lang sa peripheral view ko.
"Eh Gaga ka pala eh!" biglang sigaw ulit nito sabay amba ng suntok kay Cass. Kaya agad naman akong na-alerto at sinalo ang suntok niya gamit ang kamay ko.
"Don't you dare hurt her!" mariin na sambit ko habang nakikipagtigasan ng tingin.
"Ayun po kuyang Guard Oh! 'yang lalaking naka blue na malaki ang mata. Sinaktan niya po ang ate Cass ko so you should Arrest him and banned him." rinig kong sumbong ni Anika sa Guard.
Thank God! so that's why lumabas siya. Tiningnan ko naman ito para magpasalamat ng biglang ngumisi siya sa'kin sabay taas ng dalawang beses sa kilay niya.
which means, "You owe me big brother, so you gotta buy me a new series of Comic books."
Great, may utang na naman ako sa kapatid ko. But thanks to her, Atleast hindi na ako makakapanakit ulit ng ibang tao.
"Sumama ka sa'kin bata. At kayo na rin pala dun tayo sa labas mag-usap. Nakakadistorbo kayo sa mga manonood." saad nung guard sabay hinila 'yung lalaki. Kaya sumunod naman agad kami. Para mapabilis na nakakahiya na rin kasi.
Mas mabuti na rin sigurong lumabas na kami.
"Di'ba sinabi ko sa'yong huwag kang manggulo? pero paulit-ulit mo parin na ginagawa. Halika doon ka sa office para mag-usap kayo ng Ama mo." agad na sermon nito matapos naming makalabas sa sinehan.
Bagsak naman ang balikat kong nakatingin lang sa kanila.
"Ako na ang humihingi ng pasensya sa inyo iha, iho. Sadyang makulit lang talaga ang isang 'to. Kaso palaging nakakalusot kaya palaging may gulo pasensya na talaga," paumanhin ni Manong guard ngumiti naman ako bilang sagot.
"Okay lang po, Pero sana susunod sa 'wag na kayong magpabaya para walang masaktan." sagot ko pa kaya tumango naman ito.
"Sige, pasensya talaga. Oh siya ma una na kami at nang maka-usap ito ng kanyang Ama,"
"Sige po--"
"You bitch! pag nagkita tayo ulit. I swear to God pagsisisihan mo ang ginawa mo Aray! aray ko naman tito!"
"Tumahimik ka! pahamak ka talaga kahit kailan. Halika na dun ka sa office ng Dad mo! At talagang pumapatol ka pa sa babaeng bata ka! Bakla ka ba?"
"So...Ah, I'm sorry for what happen tonight Cass. I never thought na magiging ganito ang resulta ng pag-aya ko sa'yo. I'm really sorry," saad ko dito habang nakayuko dahil nahihiya ako. Good grief! Pinahamak ko lang siya dahil sa kagustuhan kong makita siya.
"Gusto ko ng umuwi," agad na sambit nito saka nagpati-unang maglakad kaya hinila ko naman 'yung kapatid ko at mabilis na sinundan si Cass.
"Ah- Cass papunta 'yan sa Comfort Room dito ang Exit," sambit ko sabay turo sa daan kasi parang hindi niya alam kung saan siya papunta. I don't know but I find her cute and fun to be with.
She's so bubbly 'yung tipong hindi ka mabo-bored kapag kasama siya. But seeing her punch that guy like a pro kanina made me realize. That you can't really judge a book by it's cover.
"S-sabi ko nga dun," sagot lang nito sabay naglakad na naman sa maling direction kaya napatawa na lang ako. Sabay hawak sa kamay niya at hinila na ito papunta sa tamang direction.
"Dude, let go of my hand." reklamo nito sabay agad na pumasok sa kotse. Matapos naming makalabas kaya nahiya naman ako.
"Ahh I'm s-sorry." naging sagot ko na lang bago ito tahimik na pumasok sa kotse.
"Don't you smell something fishy Kuya?" saad ng kapatid ko sabay sandal sa kotse na bubuksan ko na sana at papasukin siya sa loob.
Bahagya din itong nakasandal habang nakacross ang kamay at paa.
"Walang isda dito, pasok!"
"Duh! hindi 'yun ang ibig kong sabihin psh. Don't you think she's a bit odd? I mean kanina lang she smiles like almost every minute. Which kinda irritates me And Now nakakunot na 'yung noo niya palagi." sambit pa nito sabay bahagyang nakahawak na naman sa noo niya.
Geez hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ka mature mag-isip ang batang 'to. It's like she skip into an adult.
"Geez baby, You read to much comics. Get in para makauwi na tayo," utos ko dito na agad naman na sinunod niya kasi wala na rin naman siyang ibang choice. I think I should stop buying her detective series ha?
Parang nakakatakot yatang mas maging matalino pa sa'kin 'yung bunsong kapatid ko.
Maybe this is just the Real Cass. Who knows? But still, not even that can stop me from liking her. And maybe love her.