Chereads / That Bisaya Girl / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

"Cass wake up! Look I'm back, I'm finally back in my body!"

"Ano ba 'yan ang ingay! kitang may natutulog eh."

"Hey!" napatakip ako sa mata ng biglang nasinagan ng ilaw ang mukha ko.

"Wake up witch," Ano ba 'yan! mother earth tulog muna ako. Mamaya ka na manggising sa'kin okay?

"Cass I said wake up,"

"Ano ba! bakit ang daming istorbo? hello? patulugin niyo muna ako..."

"Wake up or bubuhusan kita ng isang timbang tubig?" rinig kong banta ni...wait, Vandemonyo!

"Oo na, Oo na!" pasinghal na sagot ko sabay umupo habang pilit na idinidilat ang mga mata. Pero pumipikit talaga ito pabalik. At parang sinasabi pa ng utak ko na.

Sige pa Kasa matulog ka pa. Matulog ka lang at ipikit ang mga mata.

"Damn! pwede ba umalis ka na? dapat pagbalik ko dito wala ka na." singhal nito sa'kin kaya tumango na lang ako sabay kumaway pa.

"Oo na! kaloka umagang-umaga ala dragon teng? Kakapoy nimo uy."

"Tsk!"

Mabuti naman at umalis na siya. Makatulog na nga ulit.

"Witch!"

"Ay Ering!" napamuglat ako sa narinig na sigaw. Nakahawak pa ako banda sa puso. Pastilan pud ni siya uy, Mulupad man sad atong ispirito sa kakulba.

Kumurap-kurap pa ako habang nakatingin sa ulam--este taong nasa harapan ko. Nakasuot lang ito ng tuwalya sa pang-ibaba habang kitang-kita ang anim na pandesal niya na hindi naman masyadong hulma. Sakto lang pang breakfast.

Wait, what! anak ka ng bayot naman! bakit siya nakasuot lang ng ganyan?

"Out in my room now!'' sigaw pa nito habang nakaturo sa pintuan.

"I'm back? yes! finally! Hahaha akala ko forever na akong matatrap sa mabalahibong-"

"Will you stop shouting? and please get out now!" sigaw na naman ni Vandemonyo kaya napangisi ako. Kunting pang-iinis lang para sa bipolar na Nilalang na 'to.

"I knew it! hindi talaga ako matitiis ni Lola. Sige, babush na Vandemonyo!" masayang sambit ko sabay kumaripas palabas sa kwarto niya. Dahil balak na niya yata akong batuhin nung flower vase na hawak niya.

"Stop calling me names! you witch!" sigaw pa nito kaloka, siya lang ba marunong gumawa ng mga Nicknames? hello! siya nga Witch tawag sa'kin eh, Bakit? mukha ba akong magkukulam? Ganda ko kaya sabi ni Lola. Ito ang gandang pilipina.

Napatingin naman ako sa wall clock at Alas tres pa ng umaga. Ey? pero bakit mukhang... psh! Ang lalaking 'yun ang aga magising. Makatulog nga ulit.

Nang magising ako ng alas sais ng Umaga. Ay agad kong hinanap ang libro pero hindi ko makita. Sinubukan ko rin na tanggalin ang singsing pero hindi ko matanggal. Nilagyan ko na ng sabon 'yung kamay ko para dumulas pero ayaw pa rin. Pa putol ko na ba daliri ko? Huhu Lola naman anong klaseng singsing 'to?

"Asan na ba kasi ang librong 'yun? Lola naman eh! 'wag mo na akong pahirapan pa. Alam ko naman na may kasalanan ako pero. Kailangan kong mabasa 'yun."

ring^ Ey? sino naman kaya itong nag-message?

From: Manoy Nick

________________________________

Good Morning Cass, Pwede ba akong humingi ulit ako sa'yo ng isang pabor?

______________________________

Hala siya! namimihasa na ang isang 'to eh. Anong klaseng pabor naman kaya ang hihingin niya? Haisst Nick,nick, nick. Buti nalang talaga pogi ka.

______________

What is it?

_____________

From: Manoy Nick

________________________________

Pwede mo ba akong samahan mamayang hapon? Libre ko naman eh, hehe it's just that I don't know what to do with my younger sister. My mom left her to me for One day. And I don't think makakasurvive ako today na kasama si Anika.

_________________________________

Asus! gusto mo lang ako makita eh! Hehe goraa teng.

HABANG busy ako sa paghahanap sa Libro. Ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Vandemonyo. Annoyed itong nakatingin sa'kin habang parang nandidiri pa. Loko to ah! Anong klaseng tingin 'yan?

"Hindi talaga uso sa'yong maligo no?" agad na tanong nito kaya medyo na conscious naman ako. Sabay pasimpleng inamoy ang sarili.

Eh? hindi pa naman ako nangangamoy ah?  Kaloka straightforward ganun? wala man lang bang brake bunganga ng isang 'to.

"Oh! eh ano ngayon? Buhay ko 'to katawan ko 'to! Teka, bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko pa habang nakangiwi naman siyang nakatingin sa'kin. Kulang yata 'to sa pansin eh.

As if naman hindi talaga ako naliligo.

"Tsk anyway, Gusto ko lang sabihin sa'yo na hintayin mo ako dito mamaya. We need to figure out kung bakit at paano tayo nakakabalik sa sarili nating katawan. Kaya as much as possible stay at home okay?" saad pa nito pero may date pa kami ni Nick mamaya!

"Eh, hindi pwede may--" reklamo ko pero agad siyang sumabat kaya napahinto ako.

"I said stay here Cass and that's final!" singhal nito sabay padabog na isinara ang pinto. Aisssh! nakakainis ka talagang Vandemonyo ka!

Sino ka para pagbawalan ako? hindi pwede pumayag na ako kay Nick kaya sasama ako sa kanya.

Niligpit ko naman ang mga nagkalat na mga gamit. Ang librong 'yun nakikipagtagu-taguan 'yata sa'kin. Bahala ka na ngang libro ka mapawisan ka mag-isa sa pagtatago! Ako maliligo muna.

Nang matapos na ako lahat-lahat ay agad na akong lumabas para maka amoy ng preskong hangin. Pagka nindut nga adlaw. Para sa gwapa na babaye.

"Baby! Good Morning!'' bati ng batang si Jareid kaya napasimangot agad ako. Bakit nandito pa 'to? wala ba silang pasok? hello Lunes ngayon uy!

"Wala, hindi ako pumasok babe. May lagnat kasi ako kaya Mom said I need to stay here. Let's go sa kusina sabayan mo naman ako kumain." sagot nito kaya napataas naman ako ng kilay. May lagnat?

"Weeh? Paano ka naman magkakalagnat?" di makapaniwalang tanong ko dito habang nakacrossarms pa.

"Babe, alam kong mukha akong Greek God. But I'm just a human. Nagkakasakit din ako at na-iinlove sa isang dyosa na tulad mo." Ewan ko lang ah? Pero ang sarap hampasin sa noo ng batang 'to. Aba! may sakit na at lahat lumalandi pa.

"Tss! halika na sa kusina gutom lang 'yan boy." saad ko naman sabay hila sa kamay niya ng biglang huminto ito sa paglalakad.

"Halikan na?" sambit nito habang kumikinang pa ang mga mata niya.

"Lul! tara na, mukhang mas kailangan mo yata 'yung gamot sa utak kesa sa gamot sa lagnat. Kaloka kang bata ka anong tinira mo katol?" singhal ko dito sabay hila ulit sa kanya.

Nagsimula naman akong kumain ng mapansin kong hindi niya kinakain ang nilagay kong hipon at sabaw ng isda sa plato niya.

"Hoy! kumain ka na nga Jareid," utos ko dito pero mukhang papaiyak na siya habang nakatitig sa plato niya. My imaginary thingy ba siyang nakikita?

"Wuy, problema mo?" nag aalalang tanong ko sa batang 'to. Di na kasi siya umimik. Ako lang kasi ang naghanda ng pagkain dahil busy si Nanay Solen sa labahin. Yung iba naman ay naglilinis sa buong bahay kaya ako at itong batang papaiyak na lang ang naiwan.

"How can you eat them?" nanginginig ang boses na sambit nito. Sabay tumulo ang luha niya. Luh siya!

"T-teka, bakit? Ano bang problema mo? bakit ka umiiyak?" tanong ko kasi 'di ako sanay makakita ng lalaking umiiyak Kaloka! hindi ko nga alam kong paano sila i-comfort eh.

"That! why did you eat them? hindi ka ba naaawa sa kanila? You eat fish and that shrimp kawawa sila!" nakangsuong sagot nito. Omaygad! ano bang problema ng batang 'to? me sakit ba talaga siya sa utak?

"Wala akong sakit sa utak babe. I don't eat seafoods. Yaya Solen! Come here! My babe murder a poor sea creature for me! Prepare my steak or chicken now!" sigaw nito at agad naman na kumaripas ng takbo si Yaya Solen sa kanya. Murder? eh patay na kaya ang mga 'yan habang nasa loob ng refrigerator haisst ewan.

Ang daming arte parang kuya niya lang. Haist. Nang matapos na kami kumain ay agad na namin siyang hinatid sa kwarto niya.

"Babe, 'wag kang umalis please?" tawag pa nito sa'kin ng biglang gusto ko na umalis. Pati ba naman ang batang 'to?

"Hindi pwede, dito ka lang  babalik din naman ako eh." sagot ko pa dito at bigla niya namang binitawan ang kamay ko.

"Alam mo ba? na lahat nang nag sabi sa akin na babalik lang daw sila ay iniwan lang ako? They're all liars Cass liars!" sambit nito sabay humiga ulit.

Kaya wala akong nagawa kun'di ang manatili nalang sa tabi ng spoiled na batang 'to. Ako nalang muna ang iintindi. Ganyan talaga kapag may sakit Kasa. Kung ano-ano nalang ang sinasabi. Pasensya ra gajud panagsa.

Sana sa date namin mamaya ni Nick wala ng distorbo.