"Napakaganda ng mga kulay at liwanag ng pagbukang liwayway sa malawak na hardin ng langit.Ngayon niya lang nakita na ganito kaganda ang mundo."
Ang mga nangyari sa bawat araw at taon na nagdaan parang walang naging halaga.Para kang nagbabasa ng libro na mayroong iisang pahina.Siguro dahil wala akong itinuturing na espesyal sa mga nangyari at nagdaang mga bagay sa buhay ko.Oo nandito ako,naging malakas at naging matalino.Hindi ko alam kung maganda ba ang naidulot nito sa akin.Gusto kong hanapan ng sagot ang lahat ng maraming bagay,yung sagot na makatwiran at hindi lang dahil sa ito ang sagot ng nakararami.Naging magaling ako sa maraming bagay.Naging sobra ang katapatan ko na tanging pananahimik lang ang naging kasinungalingang nagagawa ko.Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko. At kung meron man na kulang sa akin, Isa lang ang masisiguro ko hindi ito tungkol sa itsura ko.
Isang araw nanaman ng panibagong pahina. Anong isusulat ko? Nagiging magulo na naman sa room namin. Payapa akong nagpapalipas ng oras sa pagbabasa hangang sa hindi mo na namamalayang napalilibutan ka na ng magugulo mong mga barkada.
"Ikaw Kevin?" Ang misteryosong tanong ni Anne.
"Anong ako?" Ang nahihiwagaan kong sagot.
Nagtawanan sila.
Hindi pala siya nakikinig sayo." Ani Jonathan.
Kung hindi tungkol sa kanila tungkol sa ibang tao.Minsan nakikisama ako minsan hindi.Naiintindihan naman daw nila ako dahil nasa akin ang atensyon ng mga guro.
Nararamdaman ko na naman ang bahagyang pagdillim ng paligid,ang pagbagal ng oras at ang katahimikan sa tuwing nakatuon ang atensyon ko sa isang bagay kagaya ng pagbabasa.Pambihirang sandali sa tuwing naghahanap ako ng kapayapaan.Normal ito para sa akin hangang sa....
Bumukas ang pinto at isang babae ang nararamdaman kong papalapit sa akin,kung paano hindi ko alam.At nang sandali ko siyang sulyapan.Nanlamig ako at natakot.Sinubukan kong hindi ito pansinin.Oo, hindi tao ang nakita ko.Nasa harap ko na siya kaya halos mahulog na ako sa upuan.Sinusubukan kong maging kalmado at iniisip na illusyon lang ang nakikita ko ng ang malalaking kong mata ay muli nanamang sumulyap.Isang hindi mawaring anyo ng babae.Parang isang shell na walang laman kung titignan mo ito sa mga mata.Pahalang na nakaupo at mas mataas na nakaangat ang libro ko sa ulo.Nasaan ang presensiya ng mga magugulo kong classmate kung kailan ko sila kailangan.
"Haaa!" sigaw ni Anne kasabay ang malakas na paghampas nito sa lamesa na naging dahilan ng tuluyan kong pagbagsak sa sahig mula sa upuan.
"Ayos ka lang? para kang may sakit.Haha gulat na gulat ka," Nakangiti ito na tila nangangantyaw.Balik sa normal ang lahat ngunit nagtataka pa rin ako at namumutla.
Hindi ako naniniwala sa mga kababaglahan pero paano ko itatangi sa sarili ko ang nasaksihan ko mismo. Wala namang masamang nangyari sa akin kaya minabuti kong wag nalang itong isipin.Siguradong may explinasyon sa nangyari baka naka iglip lang ako.Sana.