Chereads / Soul Mate (Filipino) / Chapter 4 - Chapter#4

Chapter 4 - Chapter#4

"Ngayon hindi na ako nag iisa.Mula sa dilim lumabas ang mga kulay na nagtatago dito dahil sayo.May lugar na para sakin at may oras na kailangan kong pahalagahan.Wala ng mga luhang pumapatak sa aking mga mata.Ang marinig at makita ang liwanag mo ay sapat na sakin para muli kong maramdaman ang buhay,"

"Lumapit ka sa akin bagamat natakot ako na maglaho ka ng tuluyan kung hahawakan kita katulad ng ibang liwanag.Mula sayong mga mata muli kong nakita ang lahat.Ikaw ang naging daan ko sa mundo ng mga buhay.Ang nagparamdam sa akin ng buhay.Ikaw na anyong liwanag,alam kong mabuti kang tao.Kaya humihingi ako sayo ng kapatawran."

Hindi ko alam kung bakit parang ako ang dahilan kung bakit nasa kwarto ko siya ngayon.Nakatingin lang siya sa akin.Hindi ko alam kung magagawa kong makatulog.Sana hindi ako bangungutin? Ngayon kahit saan ako magpunta nakasunod siya simula ng nilabas ko siya sa school.

"Subukan naman natin sa albularyo."

"Ikaw ang bahala." Sagot nito.

"Siguro dapat alamin natin kung sino ka.Baka may bagay ka pang kailangang gawin.Dati ka sigurong estudyante sa pinapasukan ko.Wag kang mag alala makakagawa rin ako ng paraan." Maraming tumatakbo sa isipan ko ng mga oras na yun.Kung malalaman lang namin kung sino siya siguro mapapadali ang lahat.

"Sige."

"Kailangan mo akong tulungan.Sabihin mo sa akin lahat ng bagay na pamilyar sayo." lumalabas na naman ang pagiging detective ko.

"Sige." Matipid nitong sagot.

"Simulan mo na ngayon.Hindi pwedeng "Sige" lang ang isasagot mo sa akin."

"Heehee..Yes sir!." Ang pabiro nitong sagot.Mas naging kakaiba pa yun dahil walang buhay at sa halip na masayang pagtawa ay kabaliktaran.

"Hahaha..,hahaha..." Nang maisip ko yun hindi ko na mahinto ang sarili ko sa pag tawa.Lalo pa ng nakikisabay siya sa pagtawa ko.Hangang sa huminto siya tuloy parin ako.

"Bakit hindi ka humihinto?" Pagtataka niya.

Bahagya parin akin akong natatawa.

"Bakit nga?" Tanong nitong muli.

"Wala."Sagot ko habang pinipigilan ko ang sarili.

Bigla siyang nawala at hindi ko na napigilan ang saili kong

tumawa uli.

"Nababaliw na yata ako." Ang tanong ko sa sarili.Nakapatong ang braso at na may ngiti sa mga labi.

Hindi naman ito isang relasyon pero nakakatuwang isipin na nasasabik akong gumising para bukas.Isang malalim na buntong-hininga para sa pagpapalinaw ng isip.At bago makatulog humiling ako ng panibagong weird na araw.