"Ngumingiti at tumatawa,ang akala ko hindi ako nakakaramdam ng kahit ano.Ang akala ko ang mga luha ay parte ng aking mga mata.Kaya ngayon natatakot ako na mawala ka."
Ring...ring...ring, ginisang ako ng alarm at tuluyang ginising din ng isang multo.
"Aray!" Ang nasabi ko habang hinihimas ang balakang ng mahulog ako sa kama.Buti nalang hindi ako anyong tao sa paningin niya.Siguro para lang akong bola na tumalbog kaya sinulit ko pa ang pamimilipit.
Habang naglalakad patungo sa school.
"Alam mo dapat may pangalan ka para hindi ako mahirapan.Gusto mo ba?"Ang tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang bahala." Sagot nito.
"Kung wala kang gusto o maisip Divina nalang?"
"Ha! Oh, sige ikaw ang bahala.Saan mo nakuha ang pangalan nayan?" Kahit hindi tugma ang tono nito sa mga salita tila nagulat at nagdalawang isip ito na hindi naman napansin ni Kevin.
"Wala lang.Bakit, ayaw mo ba?"
"Hindi.Sige."
"Devina? parang pamilyar sa akin ang pangalan pero hindi naman ako makakalimutin para di maalala." Dugtong ko pero hindi na siya nag-react sa sinabi ko.
Matapos ang apat na klase.Nasa library ako kung saan tahimik habang bakante ang oras.
"Kevin." Isang malambing na boses ng babae ang tumawag sakin mula sa harap ko sa kabilang bahagi ng lamesa kung saan ako ay nagbabasa.
"Oh, Anne Hi!"Ang bati ko dito.
"Kanina pa ako dito,ngayon mo lang ako napansin," Bahagya siyang nakasimangot."Alam mo napansin ko nitong mga nakaraang araw medyo parang wala ka sa sarili." Dagdag pa ni Anne.
"Ok lang ako.Meron lang akon nire-research." Ngumiti ako.
Tumayo ito sa upuan sabay lapag ng isang bagay sa lamesa malapit sa harap ko.
"8:00 am, sunduin mo ako sa amin.Kung talagang Ok ka sasamahan mo ako." Bago pa ako makatangi."Oops,hihintayin kita,wag ka ng mag thank you."
Mabilis na ngiti sabay alis nito.
Tinignan ko yumg ticket."Manila Ocean Park.Ok naman pala,ang akala ko ticket sa sine na love story ang tema.
"Girl friend mo?" Tanong ni Devina.
"Hindi,"Tumingin ako sa kanya at ngumiti sabay sabing "Bakit nagseselos ka?" Pabiro kong tanong.
"Gusto mo saniban kita?" Pabiro nitong sagot.
Sabay kaming natawa.
"Shhhhh!" Ang sabi ng ilang estudyanteng nagbabasa.Tinakpan ko ang mukha ko ng libro dahil sa konting hiya.
8:10 sa loob ng bahay nila Anne naghihintay ako sa kanya habang kausap ang Mommy niya.Bumuba sa hagdan ang isang babae.Lutang ang asul sa suot nitong mga damit na hindi ko alam ang tawag.
"Ang ganda naman ng anak ko."Ang sabi ng Mommy niya.
Oo,kahit ako napahanga sa ganda niya.Siya yung tipikal na babaeng hindi nagpapahuli sa uso.Matapang at self reliance.Katulad nalang ng pagbigay niya ng ticket sa akin.
"Tara na." Ang yaya nito.
"Sige po alis na po kami."Ang paalam ko sa Mommy niya.
"Magiingat kayu. Kevin ingatan mo si Anne ahh." Ang banta,este ang habilin nito.
Masaya ang naging pamamasyal namin.Mahilig kasi ako sa hayup at kalikasan kaya hindi ako nabo-bored sa ganitong mga lugar.Ang daming klase ng mga isda na kasamang lumalangoy ang babaeng nagbihis sirena at babaeng multo.Meron din silang mga ibon,elegante at mabilis na lumilipad kasama ng isang babaeng multo.Ngayon alam ko na ang main attraction nila dito, si Devina.
Nang maihatid ko si Anne.Nagpasalamat ako at nangakong babawi sa kanya.
Alam ko naman ang nararamdaman niya para sa akin pero ayaw kong magsinungaling para sabihing mahal ko siya.Ang totoo hindi ko alam ang pag-ibig ng mga tao. Maganda, mabait, matalino, pera, katawan at etc. Sapat na ba ang ilan sa mga bagay na yun para sabihing mahal ko siya? Kung magsawa siya o ako,kung hindi naman ay makahanap siya o ako ng mas OK ang lahat ng pangako,alala at pangarap naililipat lang ba sa iba.Kung ganun rin lang ayaw kong mabuhay sa kasinungalingan.Oo,hindi ako perpekto pero kailanman hindi ko idadahilan ang bagay nayun kung sakaling magkakamali ako.Dahil para sa akin ang pagiging hindi perpekto ay walang kinalaman sa pagawa ng masama.May mga sarili akong pananaw sa buhay.Ano man ang sabihin at gawin ng iba.Ako ay ako at hindi ko nararamdaman ang lahat ng tao sa sarili kong desisyon.Kaya ang mga salitang "Lahat naman,bakit ikaw,kahit sino at etc ay ayokong marinig o gamitin para maging malinis sa mata ng iba.