Chereads / Soul Mate (Filipino) / Chapter 6 - Chapter#6

Chapter 6 - Chapter#6

"Ang mga bagay na inakala kong imposible ng mangyari ay nagkaroon ng katuparan.Pakiramdam ko naaalala ko na kung paano muling maging tao.Ibinahagi mo sa akin ang lahat.Nakikita ko ang nasa isipan,mga alala,ang pagkatao at mga pangarap mo.Napakalaki ng pagkakatulad natin nating dalawa.Sayang at hindi kita nakilala noong ako ay nabubuhay pa.

Lumuluha nanaman ang aking mga mata.Ngayon alam ko na ang dahilan...."

Kahit kailan hindi ko inisip na pakinabangan si Devina ngunit kung hindi ko gugustohing mawala siya magiging makasarili ba ako. Alam kong hindi niya ako iiwan.Alam kong masaya siya na kasama ko.Siguro dahil ako lang ang nakakakita sa kanya at nakadepende ngayon sa akin ang lahat ng bagay para sa kanya.

Alam ko namang mali pero bakit ganito.

Naghahanap ako ng mga librong magagamit namin habang nag uusap kaming dalawa ni Devina.

" Wala akong maalalang mga tao pero lugar medyo, kagaya ng theme park, zoo, beach at mall...."

"Sa tingin ko walang kinalaman ang mga lugar nayan sayo.Gusto mo lang mamasyal." Ang paliwanag ko kay Devina.Kanina pa kami naguusap at kanina niya pa pinaiikot ang usapan para makapamasyal.

"Hmmm..?" Ang sagot nito.

"O sige pupuntahan natin lahat yan." Gusto kong ngumiti kaya lang nahihiya akong malaman niya na gusto ko ring mamasyal kasama siya.Nakalimutan ko pang hindi tao ang anyong nakikita niya sa akin.

"Yes! thank you." Sinubukan niya akong yakapin pero pinigilan ko siya.

"Magbihis kana." Ang nasabi ko sa kanya sabay ngiti.

Sa tingin ko ngumiti rin siya sa pagkakamali ko.

Sa isang Theme park.May isang lalaki na masayang namamasyal mag-isa?

"Hindi ako nakakaramdam ng lula o hilo eh."

"Ganun ,cool!"

"Ahhh..! ang sarap ng ice cream na to.Pwede na ako mamatay."

"Sige lang,wala naman akong naririnig."

"Hahaha!"

Nakaupo kami sa sea wall ng Manila bay.Habang naghihinaty sa paglubog ng araw.

"Tignan mo napakaganda ng kulay ng langit." Ang masaya nitong paglalarawan.

"Oo, sigurado yan." Ang sagot ko.

Tahimik lang siya.Pumikit ako.

"Bakit ka nakapikit?" Ang tanong ni Devina.

"Minsan kasi, pumipikit ako para makakita."Ang sagot ko sa kanya.

"Hindi ko maintindihan."

"Paraan ko yun kasi, color blind ako.Itim at puti lang ang

nakikita ko.Acromatopsia ang tawag sa sakit na ito."

Sandali siyang natahimik sa sinabi ko.Bago niya muling inilarawan ang takip silim.

"Siguro kung magiging pagkain ang nakikita ko, katulad siya ng ice cream na ubod ng sarap.Yung tipong pwede na akong mamatay."

Tumingin ako sa kanya. Isang napakandang babae ang nakikita ko.

"Salamat."

Ngayon, wala man akong makitang kulay sa langit masasabi ko na naging napakanda ng pag-lubog ng araw.