Hating gabi na pero gising parin ako.Ang sabi niya pupunta siya sa school.Hindi ko alam ang gagawin ko.Ang totoo matagal ko ng alam ang lahat ng tungkol sa kanya,nagsimula ang lahat ng malaman kong Devina ang pangalan niya.Sa panaginip nakikita ko gabi gabi ang mga alaala niya.Alam ko rin na inililihim niya sa akin ang mga ito.Bakit gusto ko munang kalimutan ang mga prinsipyo ko?
Nagbihis ako at nagtungo sa school.Tinatawag ko siya hangang sa makita ko siya na nakaharap sa pisira at tila nagsusulat.
"Tignan mo Kevin nahawakan ko yung chalk." Ang sabi niya ng makita ako. "Bakit ka nga pala nandito?" Dugtong nito.
"May sasabihin ako sayo." Ang mahina kong tugon.
"Ano yun?"
Kailangan ko itong sabihin sa kanya dahil ito ang tama.Ang lahat naman ng bagay ay kailangan timbangin upang malaman ang tama.Magiging maayos din ang lahat.
"Sorry kong ngayon ko lang ito sasabihin.Matagal ko ng alam, kung sino ka." Mabagal at nagaalangan.
"Huh?"
"Alam ko na alam mo, na inililihim mo ito sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo itong gawin.Sa panigip ko napakabait,matalino at ang daming nagmamahal sayo , hindi katulad ko.Hindi ko maintindihan.Bakit nandito ka parin."Ang paliwanag ko.
"Panaginip? hindi ka nakakasiguro.Wala kang patunay." Depensa niya.
"Anong sinasabi mo?"
"Gusto mo lang akong umalis! pabayaan mo nalang ako." Malakas na tila gumagapang ang boses nito sa buong lugar.Bago siya mabilis na nawala.
"Sandali." Sinubukan ko siyang pigilan.
Hinahanap ko siya at habang naglalakad nasabi ko ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.
"Devina makinig ka.Hindi kita gustong umalis.Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Alam kong imposible pero mahal kita.Naririnig mo ba ako." Paulit-ulit kong sinigaw ang mga ito habang hinahanap siya hangang sa makarating ako sa rooftop.
Umiiyak siya.Lumapit ako at bago man ako makapagsalita.
"Tama ka.Marami ngang nagmamahal sa akin.Napakarami kong pangarap at gustong gawin kaya nagsikap ako.Hanggang maaksedente ako.Bakit kailangan niyang kunin ang lahat sa akin.Naging mabuti naman ako." Muli siyang lumuha.
"Hindi mo matangap na patay kana kaya hindi ka makaalis."
"Sorry! Sorry sa hindi pagsasabi ng totoo.Alam mo bang naging napakasaya ko ng makilala kita.Kaya ko lang naman nagawa ito dahil...." Muli na namang buhumos ang emosyon niya at hidi na nito naituloy pa ang sasabihin.
"Alam ko.Ako rin naman."
"Totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo kanina?" Sinundan niya
ito ng tanong ng mahimasmasan.
"Aahh...,Oo." Ang nahihiya kong sagot.
"Pwede bang samahan mo akong panoorin ang pagbukang- liwayway bago ako umalis?"
"Ha! Anong umalis? pwede ka namang hindi umalis Devina.Hindi,Wag kang umalis." May panginginig na sa akinv boses.
"Salamat at naging tapat ka.Pwede mo bang gawin para sa akin ang mga pangarap ko.Alam kong alam mo na hindi na ako dapat nandito.Salamat." Malinaw kong narinig ang mga sinabi niya at sa kauna-unahang pagkakataon, Ang itsura at boses nito ay naging anyong tao.Bilugan at napakaganda ng mga mata niya.Maliit at kulay rosas ang labi.Maputi at may mahabang itim na buhok.Pino at malambing ang tinig niya.
Lumuha ang mga mata ko ng hindi ko namamalayan.
"Pwede ka bang maging tapat at sabihing mahal mo rin ako."
"Oo,mahal din kita.Kaya lang..." Nahinto ito ng magsalita akong muli.
"Kilala mo ko.Sapat na sa akin ang narinig ko.Saka kung meron mang walang hangan sa lugar na pupuntahan mo, hintayin mo ko ha?gaano ba katagal ang oras o taon sa buhay ng tao kung ikukumpura sa walang hangan diba." Ngumiti ako at ganun din siya.
Nakatingin lang kami sa isat-isa hanggang sa maglapat ang aming mga labi.Nang dumilat ako tuluyan na siyang naglaho katulad ng isang pulbos na liwanag.
Mula sa silangan ay dahan-dahang sumilip ang araw.Nasilaw ang mga mata ko sa hindi pamilyar na ibat-ibang kulay.Magkahalong emosyon ang naramdam ko.
"Napakaganda ng mga kulay at liwanag ng pagbukang liwayway sa malawak na hardin ng langit.Ngayon ko lang nakita na ganito kaganda ang mundo."
Wakas....