Chereads / Soul Mate (Filipino) / Chapter 3 - Chapter#3

Chapter 3 - Chapter#3

"Hindi ko inasahan ang malakas na boses ng isang lalaki sa napakatahimik na lugar na ito.Parang nangagaling ito sa lahat ng direksyon.Ngunit hindi dahil galing ito sa liwanag.Nagkausap kami at nalaman ko kung ano siya at ano ako sa kanya.Napakasaya ko pero alam kong hindi dapat."

Habang tumatagal lalong lumilinaw ang komunikasyon namin.Ganun pa man limitado lang ang mga sagot na nakuha ko sa kanya.Hindi niya alam kung bakit siya naroon.Kung paano siya namatay.Kung sino siya.At kung ano ang dapat niyang gawin.

Alam niya na patay na siya at yun lang ang alam niya tungkol kanya.Kung kailan?,ang sabi niya walang oras sa lugar na yun kung hindi walang hangan.Hindi ko alam kung anong mararamdaman pero gusto ko siyang tulungan.Matagal-tagal narin akong nagre-research tungkol sa mga kababalaghan simula ng makita ko siya.Imune na rin ako sa kanya.

"Mabuti pa sumama ka sa akin."

"Saan?"

"Sa simbahan.Sa pari."

"Bakit?"

"Dahil sayo! kaya naging experto ako sa mga kagaya mo.Kung wala kang alam sa kung paano ka makakaalis sa lugar nayan,ako ang tutulong sayo." Medyo exited ako,aaminin ko dahil kakaiba ito sa lahat.Ito yung experiment na walang scientific na paliwanag.

"Hindi pwede! Walang daan palabas sa lugar na ito,sa kwartong ito," Malungkot nitong sagot kahit pa walang emosyon at buhay ang tono ng boses nito.

"Subukan natin." Tumayo ako at hinawakan ko ang kamay niya.Sa kauna-unahang pagkakataon kinilig ako sa lamig.Nakalimutan kong hindi ko pala siya mahahawakan.Sinubukan niya at hinayaang nakatagos ang kamay niya sa kamay ko.Ito ang pinakamalapit na naging pagitan namin sa isat-isa kaya kakaiba ang hangin sa paligid.

"Ano tara." Hindi ito sumagot sa halip inikot nito ang kanyang ulo upang pagmasdan ang palagid.Literal sa paraan ng mga multo.

Nagtungo na kami sa simbahan.Sinamahan kami ng isang Madre kay Father na kasalukuyang nagdidilig ng nga alaga nitong halaman.Hindi na ako nagsayang ng oras.Ipinaliwanag ko sa kanya ang istorya at pakay ko matapos kong magmano at magpakilala.

"Father,gusto ko po sanang alisin ang kaluluwang gumagambala sa librong ito.Sana matulungan niyo po ako.Hindi ko po siya kilala pero nakikita ko siya at ginagambala niya ako.Sana matulungan nyu po ako." Ginamit ko ang kapanipaniwala kong talento sa pag-arte.Hawak ko ang libro sa Mathematics na ginawa kong kasangkapang pisikal ng espirito dahil hindi siya nakikita ni Father.Sinabi ko sa kanya na tumungtong siya sa libro upang siya ang mabendisyunan.

"Titignan ko ang magagawa ko anak.Ilipag mo ang libro.".Ang utos nito.

Ipinatong ko ang libro sa lamesang bato.Sinimulan ni Father sa pagdarasal para sa amin at sa espirito.Pagkatapos ay sinabuyan ni Father ng holly water ang libro kasabay ang isang latinong dasal.Kitang-kita ko kung paanong ang bawat patak nito ay sumingaw ng dahan-dahan patungo sa langit kasama ang...

"Evaporation," Mahinang tinig ng isang babae na nasa gilid ko ang sumira ng ritual ni Father.Ang espirito sa libro.

Matapos nun nagpasalamat at nagpaalam na ako.Hindi man katulad ng inaasahan ko ang kinalabasan kahit na paano ay may natutunan ako.