Chereads / My Troubled Heart / Chapter 31 - Employee-Boss relationship

Chapter 31 - Employee-Boss relationship

Lola's POV :

"D-Did you just tricked me?" Tanong niya rito.

Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito base sa pagkakangiti nito. At ang hindi nito pagbitaw ng yakap ng makita sila ni Jack ang pinagtataka niya.

"It's part of our act remember?", nagkibit balikat ito.

"I never said yes!"

Tumingin ito ng matiim sa kanya. "You mean you're not gonna help me?"

Napaamang siya sa tanong nito. Maloloka na yata ako sa lalaking ito.

"But why do we need to act in front of Jack? He knows everything right? Ano nalang ang iisipin niya satin?" Tanong niya rito.

Hindi niya masigurado pero parang nakita niya nagtiim bagang ito pero napalis agad ang ekspresyon nito. Blanko lang ang nakikita niya sa mukha nito.

"Yun lang ba ang ikinagagalit mo? Does his opinion really matter?"

"T-That's not what I mean--"

Tumayo ito sa kama. "I would like to take back what I've said yesterday morning. I don't want to be friends with you anymore."

Napakunot noo siya.

"From now on, we're back from our employee-boss relationship. And I will decide in our condition."

"W-What?"

Tinungo nito ang pinto. Bago nito buksan nagsalita ulit ito. "And one more thing even if it's an act, I don't like my girlfriend dating other guy. That's why whether you like it or not your Jack will be involved with our little act."

Pagkuway sinara na nito ang pinto. Naiwan naman siyang gulong gulo.

Ano nga uli yung nangyari?

Napasabunot siya sa buhok niya. "Nakuuu! Sumasakit ang ulo ko sayo Brad ka!"

Ang unan tuloy nito ang napag balingan niya. Grrrr!

***

Brad's POV :

Pagmulat pa lang ng mata niya nabungaran ba niya ang mukha ni Lola. Napatitig siya dito. May kung anong nag udyok sa kanya na hawakan ang pisngi nito.

I didn't have any idea that her face is beautiful.

Wala ang makapal na salamin na halos tumakip sa mukha nito kaya't malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha.

I don't have any idea what am I doing right now.

Walang nagawa ang boses na pumipigil sa kanya. Mula sa pisngi nito tumaas ang kamay niya at inalis ang ilang hibla ng buhok nitong nakatabing sa mata nito.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Mamula-mula na parang nag uudyok na tikman. Parang nanuyo ang lalamunan niya at hindi niya mapigilang mapalunok.

Bago pa man pasukan ng kung ano ang utak niya naramdaman niyang bigla itong naalimpungatan.

Hindi niya alam ang susunod na gagawin kaya't nagpasya siyang pumikit at magkunwaring tulog.

Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakapatong ng braso niya sa beywang nito.

You're acting like a kid Brad!

Pinakiramdaman niya ang gagawin nito. Natigilan ito ng makita siya na halos nakayakap na dito.

Nakaramdam siya ng pagprotesta ng dumantay ang mga kamay nito sa braso niya para alisin palayo. Kaya't lalo pa niyang niyakap at inilapit ang katawan dito.

Narinig niya ang pagsinghap nito. Sa likod ng isip niya ay ngiting ngiti siya. I can stay like this forever.

Narinig niya ang sunod sunod na katok sa pintuan.

"Brad?"

Nakilala niya agad ang boses ni Jack. Shit!

"Bro! I have updates for your shoot! Are you awake?"

Naramdaman niya ang pag-yugyog ni Lola sa kanya.

"I'll open the door now okay? We need to speak now."

"Huy! Gumising ka na diyan!", bakas sa boses nito ang niyerbos. Lumakas lalo ang yugyog nito.

"Uhmmm..." Kunwari'y ungol niya.

"W-Wait!"

Muntik na siyang matawa ng marinig ang pinalaking boses nito. Niyugyog siya nitong lalo. Parang bato na hindi siya natinag. Mukhang kabang kaba na siya ah.

Narinig niya uli ang boses ni Jack. "Are you well? Your voice sound uh.. weird?"

"Brad! Gumising ka na dyan!" Tinapik naman siya sa pisngi.

Ibayong pagpipigil ang inipon niya para hindi nito mapansing nagtutulog-tulugan lang siya.

"Uhmmm..." Kunwari'y ungol niya.

"Your Granny told me I can enter your ---", wika ni Jack. Napahinto ito sa pagsasalita ng mabungaran silang dalawa sa kama. Alam niyang nakita na nito ang sitwasyon nilang dalawa ni Lola sa kama.

"I-I can explain this!" rinig niyang sagot ni Lola.

Kunwari'y naalimpungatannsiya. Hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa babae. Ramdam niya ang pagpupumiglas nito. Hinigpitan niya lalo ang yakap dito.

Umaangat ang tingin niya kay Jack at ngumiti. "Goodmorning Bro. Will you close the door for a moment? We'll talk outside okay?"

Napansin niyang umiwas ng tingin si Jack. Walang lingong sinara ang pinto at umalis.

Hindi maka paniwalang tumingin si Lola sa kanya. Puno ng pagtataka ang mukha nito. Duon niya tinanggal ang pagkakayakap dito.

Success! Hindi niya alam pero masaya ang pakiramdam niya. Alam niyang mali ang iisipin ni Jack sa kanila. Pero wala siyang balak ipaliwanag dito ang deal nilang dalawa ni Lola. He doesn't want the idea where Jack will ask her out again.

"D-Did you just tricked me?" Tanong nito sa kanya.