Lola's POV :
Madilim na ng makauwi sila ni Jack. Pinasyal muna siya nito sa mga taniman ng hacienda. Pinagpasalamat niya na naroroon ang presensiya ng lalaki para pagaanin ang loob niya.
Papasok na sana sila ng makatanggap ito ng tawag kaya nauna na siyang pumasok. Sinalubong siya ng isa sa mga katulong.
"Ma'am kanina pa ho kayo hinahanap ni Sir Brad", paalam nito.
Napakunot noo siya. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handang makaharap ito.
Mabilis siyang umakyat ng hagdan papuntang kwarto niya. Mukhang hindi siya pinagbigyan sa munting hiling niya. Nakasandal sa pintuan si Brad. Nakayuko ito kaya't hindi niya mabasa ang mukha nito.
"What do you want?"
Umangat ang ulo nito, hindi yata nito napansin ang pagdating niya.
Kanina pa ba ito naghihintay sa akin?
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita angekspresyon ng mukha nito.
Nagulat siya ng bigla nitong hinila ang braso niya at binuksan ang pinto ng kwarto. Isinarado nito agad ang pinto at isinandal siya sa pader. Nahigit niya ang hininga ng makita ang papalapit nitong mukha. Napaawang ang bibig niya na agad naman nitong sinakop.
Nanlaki ang mata niya ng marealize na hinahalikan na pala siya ni Brad. Mapusok ang mga labi nito. Pakiramdam niya ay biglang nanghina ang mga tuhod niya.
Sinubukan niyang kumawala rito. Inilapat niya ang mga palad sa matikas nitong dibdib ngunit mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at ikinulong sa mga kamay niya habang lumalalim ang halik nito.
Wala na siyang lakas para lumaban. Masyado na siyang nadadala ng senyasyong dulot ni Brad. Mahihinang ungol na lang ang maririnig sa kanila pagkatapos.
Bago pa man sila mapunta sa kung saan, marahas na huminto si Brad.
Habol habol ang hininga na tinanong niya ito.
"What the hell was that Brad?"
Kumibot kibot ang mga labi nito na tila nahihirapang magsalita.
"I-I...."
Napayuko siya. Pinaglalaruan lang ba ako ng lalaking ito?
"If this is a part of your joke Brad----"
"Please be mine."
Napaawang ang bibig niya sa gulat.
Tama ba ang narinig ko?