Chereads / My Troubled Heart / Chapter 35 - Jack's Offer

Chapter 35 - Jack's Offer

Victoria's POV

That witch!

Nasaksihan niya ang eksena kanina. Hindi niya maintindihan pero mabigat na agad ang dugo niya sa babae pagka-kita niya palang dito.

Pasimple siyang kumukuha ng impormasyon tungkol dito mula kay Brad pero tikom ang bibig nito.

I know there's something going on between Brad and her.

Sinundan niya ang dalawa ng hilahin ni Brad ang babae. Malakas ang kutob niya, pero doon lang niya nakumpirma ang suspetya niya ng halikan ito ni Brad.

No! I won't let that ugly bitch take Brad from me! Never!

***

Lola's POV

Isang oras na yata siyang nakatulala sa kawalan. Nanginginig pa rin siya at parang nakalutang.

H-He kissed me & if I didn't stop him we'll definitely....

Kahit sa isipan hindi niya pa rin maituloy. Napahawak siya sa labi niya.

"Oh my God", anas niya.

Gulong gulong na yata ang utak niya sa nangyayari. Pumunta siya sa Maynila para tuparin ang pangarap, pero hayun at naririto siya sa sitwasyong ito.

Napasabunot siya sa buhok niya.

"Naku naman, ano ng gagawin ko?"

***

"Hija, gusto mo bang sumama?" Wika ni Granny.

"P-Po?" Wala sa sariling tanong niya.

"Mukhang wala yata sa sarili si Lola, I wonder why", ani ni Victoria na nakaupo sa harap niya.

Kumakain sila ng agahan at kumpleto ang lahat. Hindi siya makatingin kahit kanino lalong lalo na kay Brad. Pag angat niya ng ulo sumalubong sa kanya ang mapanuring tingin ni Victoria. Hindi niya gusto ang pagkakangiti nito.

Tinaasan naman siya nito ng kilay. Napakunot noo siya. Ano naman kayang problema ng bruhang 'to?

"Are you okay?" Tanong naman ni Jack na nasa gawing kanan niya.

"Ah, oo naman", pilit pinasigla ang boses. "Saan nga pala tayo pupunta Granny?"

"Well, we've decided to have our lunch outside. I want to watch Brad's shooting later then we can ear later."

Napakagat labi siya. Gusto sana niyang mag isip ng idadahilan pero sa mukha palang ni Grannu na excited parang di siya maka hindi.

"Sige po. Sasamahan ko po kayo."

***

Nakaupo sila malapit sa director. Hindi pa rin mabitaw bitawan si Angel ng dalawang matanda. Magkatabi silang dalawa ni Jack.

Halos hindi naman siya makatingin kay Brad. Hindi dahil sa nangyari sa kanila, kung hindi dahil sa suot nito.

Naka polo itong puti pero nakabukas lahat ng butones kaya't kitang kita ang six pack abs nito at matitipunong dibdib. Ewan niya bakit para siyang pinapawisan na ewan.

Good Lord, pinaglihi yata kay Adonis ang lalaking ito!

Ang eksena ay nakasakay ang dalawa sa kabayo. Hindi niya maintindihan ang sarili, parang gustong gusto niyang alisin ang pagkakapit ng babae sa beywang ni Brad.

Aminin mo na that you're jealous! Maski yata utak niya ay iniinis na rin siya.

"Oh stand by! In 5 start na", sigaw ng director.

Nanlaki ang mata niya sa sumunod na eksena.

What the?!

***

Naramdaman niya ang paghawak ni Jack sa braso niya para hilahin siya patalikod. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Nakitan niya kung papano hinila ni Victoria si Brad at mapusok na hinalikan sa labi.

Parang milyon milyong kutsilyo yata ang sumaksak sa kanya ngayon.

"Lets go", bulong ni Jack.

Nagpa-akay na lang siya rito. Malabong makapag-isip pa siya ng maayos sa nararamdaman.

Ang sakit pala.

Nag paalam muna si Jack kina Granny. Nakita niyang may hawak itong isang kabayo pagbalik sa kinatatayuan niya.

"Let's go somewhere nice, shall we?"

Tumango siya. Maingat siya nitong inalalayan pasakay ng kabayo at tsaka ito sumunod na umupo sa likod niya. Marahan nitong pinatakbo ang kabayo papalayo.

Hindi niya alam kung namalikmata lang siya pero parang nakita niya ang nakatiim-bagang mukha ni Brad habang nakatingin sa kanilang dalawa.

**

Brad's POV

Bahagya niyang tinulak si Victoria na todo lingkis sa leeg niya.

"What do you think you're doing?" Magkasalubong ang kilay na sabi niya.

"Well I'm just thinking it's better for the scene", sagot nito.

"We both know that's not what you want to do. Wag mo na ulit gagawin iyon", sabay alis sa braso nito.

Marahas siyang bumaba sa kabayong sinasakyan nila. Kaagad lumapit ang director na nakaramdam yata sa tensyon sa pagitan nila.

"I'm sorry Direk, I think we have to move this some other time. I'm not feeling good", tsaka nilampasan ito.

Hinanap ng mata niya si Lola. Panigurado siyang nakita nito ang nangyari. Nakita niyang kasama nitong naglalakad paalis si Jack. Mabigat ang loob na pinagmasdan niya ang pag alis ng mga ito.

Damn!

***

"Are you sure about that Lola?"

Malungkot siyang tumango. Kakasabi niya lang dito ang balak niya. Mukhang mapapaaga ang pag alis niya dahil may pakiramdam siyang hindi na niya kaya pang makasama sa iisang bahay si Brad. At lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman para dito.

"Why don't you work with me instead?"

Napakunot noo siya habang nakatingin dito.

"Well, it's not that I am forcing you. I understand what you feel. I just want to help you to start. You can try working at my agency perhaps?"

Hindi niya mapigilang ngumiti. Bakit ba hindi na lang dito tumibok ang puso ko?

"Ano namang gagawin ko sa agency niyo? Pagme-make up lang naman ang kaya kong gawin."

"Exactly! I am managing new talents aside from Brad. You can help them for photoshoots and some other things", kwento nito.

"Uhmmm..."

"There's an available apartment at my building. You can stay there if you want."

"Why do I have a feeling that you have planned this all along." Tinaasan niya ito ng kilay.

"Uhmm", ito naman ang hindi makasagot. Ngumiti lang ito at sabay kamot sa ulo.

"Did you?" Pinipigilan niya ang pagtawa dahil halos magkulay kamatis na ang mukha ni Jack.

"Well not exactly..."

"Aysus! Tara na nga at baka hinahanap na tayo dun."

"But will you accept my offer?"

"I'll think about it." Sabay ngiti dito.