Chereads / My Troubled Heart / Chapter 32 - Feelings Are Hard to Hide

Chapter 32 - Feelings Are Hard to Hide

Lola's POV :

"You were saying about the shoot earlier?" Baling ni Brad kay Jack.

Kanina pa sila sa hapag kainan, pero ni isa sa tatlo sa kanila ay walang nagsalita. Si Brad ang unang bumasag sa tensyon.

Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha nito. "Yeah. We'll have to shoot your next scenes with Victoria out of town."

Victoria? Naalala niya ang pangalan na yon na laging tinatawag ni Brad nung nananaginip siya ah.

Napansin niyang tila umiiwas ng tingin sa kanya si Jack. This is really awkward. Si Brad naman ay masiglang kumakain na parang walang nangyari. Napabuntung-hininga siya ng malalim.

"Are you feeling okay Hija?", tanong ni Granny.

"Y-Yes", pinilit niyang lang lunukin ang kinakain.

"Where to?" Tanong ni Brad kay Jack.

"The director is still looking for a place so its not decided yet."

Tumango ito.

"If you're looking for a place Jack, why don't you refer our house in Davao? Para naman makadalaw na ang lalaking ito sa lolo niya."

"Granny-" Ani ni Brad. Halatang nawala ang kulay sa mukha nito sa narinig.

"Its about time you speak with him Brad, he's been waiting for you."

Hindi umimik ang binata at itinuloy lang ang pagkain.

"I will let our directors know. Thank you", sagot ni Jack.

"Im looking forward to that." Ngumiti ang matanda.

***

Para siyang nasa ipo-ipo. Feeling niya nanonood siya ng isang teleserye. Ang bilis ng pangyayari. Nasa sasakyan siya karga karga si Angel. Papunta sa hacienda ng pamilya ni Brad.

Tinanggap ng direktor ang paanyaya ng lola ni Brad na doon na lang ganapin ang pelikula ng binata. Nang marinig niya na out of town ang trabaho ng binata ay akala niya ay makakatakas na siya. Hindi niya alam na pati pala siya ay mabibitbit paalis. Hindi pa rin niya nalilinaw kay Jack ang sitwasyon nila ni Brad. Sa tuwing kakausapin niya ito ay agad itong umiiwas.

Naku naman. Parang habang tumatagal palala na ng palala ang kasinungalingan ko. Sobrang guilt ang nararamdaman niya kapag kaharap niya si ang matanda. Sa pagpunta nilang iyon, mas dadami ang taong lolokohin niya sa pagpapanggap niyang ito.

Iba ang sinakyan nila papunta ng Davao dahil iniiwasan nila na malaman ng iba ang tungkol sa kanila. Pero kanina habang nag papaalam si Brad sa lola nito, nakita niya ang kasamang babae ng lalaki. Dahil nasa loob siya ng sasakyan hindi niya narinig ang pinag uusapan ng tatlo.

Siya siguro si Victoria. Hindi niya maintindihan pero parang may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya pagkakita dito.

Sinaway niya ang sarili. Napakalayo ng agwat nila ng babae. Para itong nabuhay na manika sa malaporselanang kutis nito. Sa postura nito bagay na bagay ito kay Brad.

Parang may kirot siyang nararamdaman sa naiisip. Kainis! Ah ewan! Magsama silang dalawa! Hmpp

***

Lola's POV :

Nakatingin siya sa napakadaming pagkain na nakahain sa harapan niya ngayon. Taliwas sa ikinakaba niya kanina, maluwag siyang tinanggap ng Granpa ni Brad. Halos hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap nito sa kanya.

Hindi magkamayaw sa pagkarga ang matatanda kay baby Angel.

Tumuloy ang grupo ni Brad at Jack sa isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng una. Hindi magkakasya sa guest room ng masyon kung isasama ang buong cast.

Mahigpit namang iniutos ni Granny na tumuloy si Brad sa mansyon pagkatapos. Walang nagawa ang huli kung hindi ang sumangayon sa matanda.

Kahit nagtataka hindi siya naglakas loob na tanungin kung ano ang pinagkagalitan ng mag lolo.

"Hija, don't you like the food", tanong ni Granpa.

"Ay! Gusto ko po, hindi ko nga po alam kung anong uunahin ko sa dami eh."

Tumawa ang dalawang matanda sa biro niya. Whew!

Napatigil ang lahat ng may bumusinang sasakyan. Mukhang nandito na din sa wakas ang mokong na yun!

Pag lingon niya sa pinto, nakita niya si Jack na paparating. Kasunod nito si Brad na may nakalingkis na sawa, este yung babae na nakita niya sa airport.

Pakiramdam niya ay sinaksak siya ng ilang kutsilyo sa nakita. Hinimas niya ang dibdib niya at nilagok ang tubig sa tabi niya. Umayos ka Lolita!

"Good evening po Granny, Granpa", sabay halik sa pisngi ng mga ito ni Jack.

Lumapit din si Brad at ang babae.

"Granny, Granpa sorry if we're late. We had problems back in the hotel. I hope there's enough space for her tonight."

"Of course Hijo. She can use the guest room downstairs."

"Naku! Salamat po! Hindi ko yata makakayanang matulog kasama ng mga ordinaryong artista sa hotel", malambing ang boses ng babae.

Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagtaas ng kilay ni Granny. Pinigil niya ang pagtawa. So yun pala anh sinasabi nilang naging problema. Ang arte naman ng isang ito!

"We're done with our supper. Can you assist them Lolita for their dinner? Alam mo na medyo tumatanda na kami ni Granpa at maaga pa lang kailangan ng magpahinga."

Ngumiti siya at tumango. "Sige po!"

Umupo na ang tatlo, sa tulong ng mga kasambahay na naka vibes na niya kanina inihanda ulit nila ang lamesa.

Nagkekwentuhan ang tatlo habang kumakain. Nakatayo lang siya sa isang tabi habang hinihintay ang mga ito na matapos. Nakaramdam siya ng antok kaya hindi niya mapigilang humikab with matching unat unat.

Sabay sabay itong napabaling sa kanya.

"Oops! Sorry!"

"Excuse me", tawag ni Victoria.

"Ako ba?" Sabay turo sa sarili.

"Yes", mataray na sabi nito. Halatang naiiinis ito sa kanya.

Lumapit siya sa harapan nito. "Bakit?"

"Will you do your job properly?"

Napakunot noo siya.

"Get me some wine & get out from our sight!"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me?"

"Victoria-" Sabay na sabi ni Brad at Jack.

"Is this how a maid treat your guest?"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Lumapit ang mga katulong na kasama niya kanina. Iniharang niya ang braso para pigilan ang mga ito.

Ngumiti siya. "Ay pasensya na kayo Ma'am at bago lang ako dito. Sige ho ikukuha ko na kayo. Wala na po bang iba?"

Lumapit siya sa cabinet kung saan naroroon ang mga branded wines. Kumuha siya ng isang kopita at isinalin ang laman sa baso.

Lumakad siya papunta sa babae. Iniabot niya ang baso. Bago pa man nito mahawakan ang baso binitiwan niya ito kaya't natumba ang baso at natapon ang laman sa harap nito.

"Oops sorry!"

"What the fuck is wrong with you low headed bitch?!" Sigaw nito.

Akmang sasampalin siya nito pero mahigpit niyang hinawakan ang braso nito.

"Don't call me that because you wouldn't like it if I acted one." Tsaka niya binitiwan ang braso nito.

Halata sa mukha nito ang takot at inis.

"Stop it!" Sigaw ni Brad.

Nangilid ang nga luha sa mata ni Victoria. Yumakap ito sa lalaki at umiyak.

Artista nga ito!

Lumapit sa kanya si Jack. Hinawakan siya nito sa braso at hinila palayo. Nagpasalamat siya dahil hindi niya yata kayang tingnan si Brad at ang babae habang magkayakap.

Hindi na niya napigilan pa ang mga luha.

Damn it! Have I fallen in love with this jerk?