Lola's POV :
Matalim ang mga tingin na pinupukol niya sa binata. Nakahiga ito sa kama nito, halatang relax na relax ito sa pagkakahiga.
"Anong gusto mong palabasin niyan?"
Lumingon ito sa kanya. Bitbit bitbit niya ang unan at kumot galing sa kabilang kwarto.
"Yes?"
Naningkit ang mga mata niya. "Yes? Saan mo ko balak patulugin?"
Hindi katulad ng kabilang kwarto nakapagtatakang maliit lang ang kwarto nito. Isang kama at study table lang ang laman sa loob. Napansin na niya iyon nung naglilinis siya nung nakaraan.
"You can stay where ever you want. You can sleep on the floor if you want", simpleng sagot nito.
"Aba't! Eh kung mapulmunya ako sa lamig ng sahig aber?"
Tinapik nito ang kabilang bahagi ng kama. "Maluwag ang kama, kung ako sayo mahiga ka na dito. Wag kang mag alala walang gagapang sayo."
Naku! Bumalik na naman ang kaarogantehan nito. Hmp!
Lumapit siya sa kama at inilagay ang mga unan. Naglagay siya ng apat na patong ng unan sa gitna. Ayan maayos na.
Hindi na siya pinansin nito. Nagbabada na ito ng libro habang nakahiga. Kahit naiilang, humiga na siya sa tabi nito. Grabe, sa tabi nito. Nakakaloka. Makakatay ako ni Nana Judy pag nalaman niyang natulog ako katabi ang isang lalaki.
"Brad."
"Oh?"
"Pwedeng magtanong?"
"Ano yun?"
"Bakit nga pala ang liit ng kwarto mo?"
"Ayoko ng malaking espasyo. Gusto ko ng simpleng kwarto lang", ani nito habang binubuklat ang libro.
"Ah okay."
Inilapag nito ang libro. "Hindi ako sanay ng may ilaw. I'll turn off the lights now. Is that okay?"
"Ah oo sige."
Nang marinig niya ang click binalot na ng dilim ang paligid at katahimikan. Naramdaman niya ang paglundo ng kama pagbalik nito. Tanging tibok ng dibdib niya ang naririnig. Wag niya sanang marinig na kinakabahan ako.
Naalala niya ang eksena bago ito umalis kanina. Hinalikan siya nito sa pisngi.
Nakuu! Bakit ba ganito pinag iisip ko!
Pinilit niyang riinan ang pagkakapikit para makatulog.
***
Brad's POV :
Geez. Why can't I sleep?
Isang oras na yata niyang pinipilit matulog pero gising na gising ang diwa niya.
It's not the first time you slept with a woman Brad! Ani niya sa sarili.
But this is the first you didn't touch a woman beside you. Tila sagot ng isang bahagi ng utak niya.
Fuck! Bumalikwas siya ng bangon at tuloy tuloy na lumabas ng kwarto. Mukhang kailangan niya munang magpalamig sa labas.