Pagkatapos niyang magkwento ng pagkahaba wala na siyang narinig mula dito. Hinayaan na lang muna niyang mai-process lahat ng sinabi niya rito. Mukhang nasa state of shock pa rin ito. Tsk!
"Mauuna na ako. Tapos na siguro ang trabaho ko dito", sabay bitbit ng maleta niya. Mabuti at kahit papano naiwan ang mga damit niya. Alam niyang mahihirapan siya pero kasya na siguro ang ibinayad sa kanya para makapag simula siya.
Bigla itong napatayo sa kinauupuan at biglang hinawakan sa braso para pigilan. Bahagya siyang napiksi sa pagkakahawak na iyon. May kakaibang senyasyong siya naramdam mula sa kamay nito. Susmarya, ano ba ang nangyayari sa akin!
Bumitiw din ito pagkalaunan, napansin marahil nito ang reaksyon niya.
"W-wait. What am I supposed to do with that baby?"
"Baka aalagaan mo. Anak mo yun diba?", sarkastikong sagot niya rito. "Gagawa-gawa ng bata kapag nandyan na parang trupong hindi na alam ang gagawin."
"What did you just say?", nagsalubong ang mga kilay nito.
"Wala ang sabi ko sa sobrang kapogian mo ang sarap mong suntukin sa mata."
Sasagot pa sana ito sa kanya ng sabay silang napahinto ng marinig ang malalakas na katok sa pinto.
"Honey sweetie yuhoo! Open the door please?"
Honey sweetie? Ugh!
"Oh shit!", parang nauupos na sabi nito. Nagulat siya ng hilahin siya nito papasok sa kwarto kung saan nila dinala ang bata ng makatulog ito kanina.
"Oy oy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!"
"Just shut up okay? You can't be seen. I will deal with you later. Dont make any sound understood?"
"Abay grabe. Ilang babae ba ang pinaglalaruan mo--?" Napahinto siya ng mapansing pinupukol na siya nito ng matatalim na tingin. Mabilis siya nitong tinalikuran at nagmamadaling sinara ang pinto.
Jerk!
* * *
Kung nakakatunaw lang ang tingin matagal ng natunaw ang pintuan sa sama ng tingin niya. Halos magdadalawang oras na siyang nasa loob ng kwarto pero hindi pa rin natatapos ang "pag-uusap" ng dalawa sa labas. Naiimbyerna na rin siya sa kung ano anong naririnig niya, halos himatayin siya sa pagka bulgar ng salita ng babae.
Langgamin sana kayo ng langgam na pula! Hmp! Honey sweetie? Pati endearment nakakaumay!
Kahit anong takip ng tenga niya umaalingawngaa ang tinis ng boses ng babae.
"Honey, i want to tell you a secret today. Underneath my clothes i don'y have...."
Sinundan pa ito ng tawa ng lalaki.
Aba't! Hindi man lang talaga nahiya!
Biglag kumalam ang tiyan niya. Kanina pa pala ang huli kong kain. Hindi ko na napansin sa dami ng nangyari
Ilang minuto din ang lumipas ng mapansin niyang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ingay na lang ng sikmura niya ang naririnig niya at wala na ang nakakairitang boses.
Siguro naman naidispatsa na niya ang mangkukulam na iyon.
Dahan dahan siyang lumapit sa pinto. Bumilang muna siya ng tatlo bago unti unting pinihit ang doorknob.
One. Two. Tatlo!
Inilabas niya muna ang ulo niya para sumilip. Hindi niya akalaing pagsisisihan niya ang pagsilip niyang iyon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita at hindi niya napigilang mapasinghap.
Oh my God!
"Who the hell are you?!", sigaw ng babae.
Patay ka Lola!