4
Nangalumbaba ako sa aming lamesang kahoy habang patuloy na hinihintay ang paglipas ng mga oras. Umalis na kanina pa si 'Nay Lordes para pumasok sa trabaho, samantalang narito naman ako't mag-isa sa aming barong-barong.
Pagkatapos kasi ng muntikan kong pagkalunod ay trinangkaso ako bigla kaya ito at nakaratay ako mag-isa sa bahay. Hindi tuloy ako nakasama kay 'Nay Lordes sa mansiyon ng mga Tuangco. Hindi ko rin tuloy nasilayan si Sir Rod. Labis-labis ang panghihinayang ko nang dahil doon.
"Sukat Kriselda mag-panic ba naman sa tumutusok na parte ng katawan ni Sir Rod!" asik ko sa sarili. "Ayan, magtiis ka ngayon. Estupida ka rin, e!"
Para akong baliw doon na sinesermunan ang sarili. Nakakabaliw yata talaga ang hindi masulyapan kahit saglit ang maamong mukha ni Sir Rod. Nasasanay na ako sa kanya. Parang mahihirapan ako nitong alisin siya sa aking sistema.
"Krisel..."
Ayan sa sobrang kakaisip ko kay Sir Roderick, hanggang dito tuloy naririnig ko ang kanyang boses.
"Hey Krisel..."
"Baliw ka na, Krisel! Baliw ka na!" bulong ko sa sarili ko habang nakapangalumbaba pa rin.
"Wala ka talagang planong lingunin ako, huh?"
Pambihirang imahinasyon na ito! Parang totoong-totoo talaga. Ipinikit ko na lang nang mariin ang mga mata ko nang mawaksi ito ngunit wala pang minuto ay napamulagat muli ako nang may kung sinong humigit sa akin patayo.
"Don't you ever ignore me when I'm talking to you."
"S-sir?" Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi bago ako binitawan. Hinigit niya ang isa pang silyang gawa sa kahoy at doon naupo. Naupo na rin ulit ako, ngayon kaharap siya.
"A-ano pong ginagawa niyo rito, Sir?"
"Namamasyal?" Binuksan niya iyong sira-sirang pantakip ng ulam na nakalatag sa mesa para tingnan ang nasa loob. Isang piraso ng tinapay iyon at kapeng lumamig na. Inihanda iyon ni 'Nay Lordes kanina para raw almusal ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagalaw iyon dahil wala akong gana.
"Hindi ka pa nag-aalmusal?" pag-uusisa niya. Dahan-dahan naman akong umiling bilang tugon. Umigting ang kanyang panga habang pinapasadahan ako ng nakakapasong tingin.
"You should eat. Are you feeling well now?" Inilapat niya ang kanyang palad sa aking noo na ikinabaliw ng mga lamang-loob ko.
Tila ba may kung anong bumara sa aking lalamunan at wala akong maisatinig na salita. Sinuri niya iyong almusal ko sana saka muli iyong tinakpan ng sira-sirang pantakip namin.
"Stay here." Tumayo siya kaya tumayo rin ako.
"S-saan ka pupunta, Sir?"
"Diyan sa pinakamalapit na tindahan."
"S-sama po ako--"
"'Wag na, mabinat ka," pagkasabi nun ay lumabas na siya ng barong-barong. At doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
Ang hirap huminga kapag sobrang lapit niya. Normal pa ba na maramdaman iyon ng dise sais anyos na dalagita sa bente kwatro anyos na binata?
At itong pagpunta niya rito. Ang pagpapakita niya ng pag-aalala, ang pagiging mabait niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umasa. Na kahit ganito ako ay makita niya ako bilang babaeng maaari niyang mahalin higit pa sa kaibigan o kapatid.
"Eat this." Pagbalik ni Sir Rod mula sa labas ay pinuno niya ng pagkain ang maliit naming lamesita. Mga delata, noodles, biscuit, at ilang chichirya iyon na pihadong nabili niya kina Aling Petring sa kanto.
Pinagluto niya ako ng noodles at iyon ang pilit na isinusubo niya sa akin.
"S-sir... kaya ko naman po..."
"Hayaan mo lang ako Krisel, okay?" Yumuko ako saka marahang tumango. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Napapaso ako sa mga tingin niya.
"Naaalala ko si Mira sa iyo. Kapag iyon ang may sakit noong maliit pa siya, ayaw kumain hangga't hindi ako ang sumusubo sa kanya," natatawang kwento niya habang sinusubuan ako.
Patango-tango ako na tila ba interesado sa kanyang kinukwento. Kahit na nga ba sa loob-loob ko ay parang may tumutusok sa aking puso dahil sa katotohanang nakikita niya ako sa katauhan ni Ma'am Mira, sa katauhan ng kapatid niya. Ibig sabihin lamang nun ay nakikita niya ako bilang kapatid lang.
Kapatid.
Lang.
Mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi.
Dahil lang ba sa lagnat kung kaya't maging ang dibdib ko ay kumikirot na rin?
Normal pa ba ako? Normal pa bang maramdaman ko ang ganitong hindi maipaliwanag na pakiramdam sa mura kong edad.