Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

5

"Anong natutunan mo sa kwento?" tanong ni Sir Rod pagkatapos niyang basahin ang kwentong "Romeo and Juliet" ni William Shakespeare na isinalin niya pa sa wikang Filipino para mas maunawaan ko dahil nakasulat iyon sa wikang banyaga.

Dalawang araw na ang lumipas magbuhat noong dinapuan ako ng trangkaso nang dahil sa kagagahan ko sa swimming pool. Kasabay ng pagbuti ng pakiramdam ko ay ang pagpapaubaya ko sa tadhana nitong hindi ko mapangalanang pakiramdam kay Sir Roderick. Kung ano man itong bumabagabag sa kaloob-looban ko sa tuwing nariyan o kahit nga wala sa paligid si Sir ay ipinaraya ko na sa tadhana. Sa madaling salita, bahala na kung ano man ang kahihinatnan nitong kabaliwan ko kay Sir Rod.

Magiging kuntento at masaya na lang muna ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon. Hindi na dapat pa ako maghangad ng higit pa.

"Natutunan ko sa kwento na ang pagmamahal ay nakamamatay. Kaya kung ayaw mong mamatay, 'wag kang magmahal." Lumukot ang poging mukha ni Sir Roderick sa isinagot ko sa tanong niya. "Malandi rin kasi sina Romeo at Juliet, e. Hindi sila nakikinig sa mga magulang nila. Ayun tuloy, pareho silang namatay sa huli." Lalong bumusangot ang mukha ni Sir Rod sa idinugtong ko kaya naman bumunghalit ako sa tawa.

"Joke lang ho, Sir! Seryoso niyo naman masyado. Ang natutunan ko po talaga sa kwento, na kapag tunay ang pag-ibig ng dalawang tao sa isa't isa, lahat hahamakin nila masunod lamang ang isinisigaw ng kanilang mga puso. Pamilya, pagkakataon, o kamatayan man, lahat hahamakin. Dahil ang umiibig po ay matapang."

Napangiti nang malawak si Sir Rod sa huli kong sagot. Hinawakan niya pa ako sa ulo saka ginulo ang aking buhok. "You're very intelligent, Krisel. Mag-fi-first honor ka sa akin," nakangiting aniya.

"Malamang ho Sir, e ako lang naman ang estudyante niyo." Natawa siya sa tinuran ko. Pagkaraa'y nangalumbaba siya sa kanyang study table, ang mukha ay nakaharap sa aking direksyon.

"You know what, hindi medal o ribbon ang parangal na makukuha mo mula sa akin kung saka-sakali man," namamaos na aniya. Nakapikit na rin ang dalawa niyang mga mata sa puntong iyon.

"Ano po pala, Sir?"

Bahagya siyang dumilat saka ngumisi ng nakakaloko. "Secret."

Dahil secret ay hindi na ako nag-abala pang mangulit. Malay ko ba kung ano ang tinutukoy niya.

Sinabihan niya akong magbasa-basa muna raw ng mga librong kinuha niya pa sa library ng kanilang bahay para mas lumawak daw ang kaalaman ko sa mga bagay-bagay. Sinunod ko naman iyon dahil utos niya. Heto tuloy ako at mabaliw-baliw sa napakakapal na Webster na kanyang ibinigay. Pambihira! Akala ko kwento 'yung ipapabasa niya, hindi depinisyon ng mga salita! Unang kita palang nito ay tatamarin ka na talagang magbasa, e. Hindi pa nga ako nakakaisang pahina ay halos sumabog na ang utak ko. Saka nasa letrang "A" pa lang ako pero pakiramdam ko naubos ko na lahat ang alpabeto.

Sinara ko 'yung libro dahil wala talagang pumapasok sa utak ko. Nilingon ko si Sir sa aking tabi at napangiti nang makita ang ayos nito.

Nakaidlip si Sir Rod habang nakapangalumbaba sa lamesa. Ang cute ng hilik niya.

Ipinatong ko ang dalawang braso sa study table saka ginawang unan iyon. Ang mukha ko ay nakaharap kay Sir.

Ang pogi! Mukhang hindi pa nakakapag-ahit si Sir Rod dahil sa mumunting buhok na nagkalat sa magkabilaan niyang pisngi. Mayroon din sa taas ng kanyang labi at sa kanyang baba. Imbes na mandiri roon ay lalo lang gumwapo si Sir Roderick sa paningin ko.

Kung si Sir Rod si Romeo, makikipagbuno ako para maging si Juliet. Pero gusto ko masaya ang wakas ng aming kwento. Mabubuhay ng matagal. Magkakaroon ng pamilya.

Mangarap ka lang, Krisel. Wala namang masamang mangarap, paalala ko sa aking sarili.

Nang mangawit ang mga kamay ko ay itinukod ko iyon sa mesa saka nagpatuloy sa paninitig sa natutulog na si Sir Rod.

Ang swerte ng magiging Juliet niya. Kung sino man ang babaeng iyon, ang swerte niya.

Sa gitna ng matiim na paninitig ko kay Sir Roderick ay umilaw ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa. Namayani ang kuryusidad sa katawan ko kaya naman dinampot ko iyon saka binuksan.

Walang password o kung ano-ano pa man kaya mabilis ko iyong nabuksan.

Galing sa kabarkada niya galing Maynila iyong mensahe. Galing sa lalaki iyon at english pa ang pagkakasulat kaya hindi ko na inintindi pa.

Sa halip, ang Gallery ang pinuntirya ko para sana maghanap ng mga litrato ni Sir Rod. Kaso pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng Gallery ay halos maitapon ko ang cellphone nang bumungad sa akin ang sangkatutak na malalaswang videos.

Nanonood si Sir ng ganoon? Hindi makapaniwalang nagpabalik-balik ang tingin ko sa cellphone na puno ng malalaswang videos at sa maamong mukha ni Sir Rod habang tulog.

Sa bagay, matanda na rin naman si Sir Roderick at nasa tamang edad na. Wala naman sigurong kaso kung manonood siya ng mga ganoong palabas. Natural lang yata iyon.

Inilapag kong muli ang cellphone ni sir sa mesa. Saka tumayo para maglibot sa kanyang silid.

Napadpad ako sa kanyang closet. Hindi ko alam pero natagpuan ko na lang basta ang sarili ko na hawak-hawak na ang isang boxer shorts ni Sir Rod.

"Ano 'yang hawak mo?"

Hala! Naloka na! Nanlalaki ang mga mata ko nang humarap ako sa gising nang si Sir Rod na nakatayo ilang metro ang layo sa akin. Itinago ko sa likod ang aking kamay na may hawak na boxer shorts niya.

"Ah... w-wala ho, sir," nanginginig na usal ko.

"Patingin nga."

"E sir wala po talaga." Humakbang ako palikod nang nagsisimula na siyang lumapit.

Susmiyo Kriselda, kahihiyan na naman ito!

"I just want to see it, Krisel."

"Wala po talaga ito, sir. Maniwala ka," mangiyak-ngiyak ko nang pakiusap.

"Ba't mo tinatago?"

E kasi boxer mo ito, tanga!

Napahinto ako sa pag-atras nang maramdaman ko ang kama niya sa aking hita.

"Sir..."

"Titingnan ko lang," aniya saka walang ano-anong hinablot ang aking kamay mula sa likod. Pero dahil pursigido talaga akong 'wag ipakita itong hawak ko ay buong pwersa ko siyang tinabig na naging dahilan nang pagkakawalan ko ng balanse. Napahiga ako sa malambot niyang kama at hindi lamang iyon dahil nakadagan sa akin si Sir Roderick na seryosong-seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko na nabilang kung ilang ulit akong napalunok. Nanigas ako literal.

"Got you!" ngumisi si sir bago tumayo habang hawak-hawak na ang kanyang boxer shorts.

"S-sir... kung iniisip niyo pong ano... pwes mali po kayo ng iniisip!"

Kumibot ang kanyang mga labi samantalang kuntodo pula na ang pagmumukha ko.

"Hindi mo naman kailangang manguha ng underwear ko, Krisel. You should've told me, baka binigyan pa kita. 'Yung gamit na, gusto mo?"

Oh lupa, kainin niyo na ako, please!