Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

11

Kinabukasan, pagkarating ko ng mansiyon ay wala na nga si Sir Rod. Maaga raw itong umalis para sa isang business meeting ayon kay Ma'am Mira.

"Krisel ha, you didn't tell me na close pala kayo ni kuya."

"Ah... H-hindi naman po. Mabait lang po talaga si Sir Rod kaya nagpresenta siyang i-tutor ako."

"I see. Anyway, punta kang kwarto ko later after lunch, ha? We'll prepare for Felix's party," bilin nito bago umalis ng mansiyon. May lakad yata dahil bihis na bihis siya.

Mamayang hapon din uuwi si Sir Roderick at inaasahan nitong narito ako para sa session namin. Kagabi pa ako gulong-gulo at hindi makapagdesisyon kung sasama ba ako kay Ma'am Mira sa birthday party ni Felix na pinangakuan kong pupuntahan ko o magpapaiwan na lang dito sa mansiyon at hintayin si Sir Rod para sa susunod na session namin. Hindi ko na nga nagawang basahin pa ang part 2 ng libro na pinapabasa ni Sir dahil sa pag-iisip-isip ko.

"Krisel, let's go." Hustong pagkatapos kong magtanghalian ay dumating si Ma'am Mira na marami ang bitbit na pinamili.

Kanina habang nagninilay-nilay ako ay napagpasyahan kong tuparin ang binitiwan kong pangako kay Felix. Maiintindihan naman siguro iyon ni Sir Roderick, isa pa ay pupwede namang ipagpabukas na lang namin ang session namin ngayon.

"I brought you a dress and some accessories." Literal na napanganga ako nang inilabas ni Ma'am Mira ang ilan sa mga pinamili niya pagkapasok namin ng kanyang silid.

"Naku, Ma'am! 'Wag na ho, ayos na po itong suot ko," kaagad na tanggi ko. Mukhang mamahalin pa naman iyong mga binili niya at talagang hindi ko kayang tanggapin ang mga iyon. Ayos na siguro itong suot ko kahit medyo nabasa ng pawis kanina dahil tumulong ako kay 'Nay Lordes sa pagtatrabaho.

Pinasadahan ni Ma'am Mira ang suot kong maluwag na t-shirt at shorts na tila sinusuri. Tinaasan niya ako ng kilay saka pinamewangan. "You'll go to a party wearing that?" hindi makapaniwalang untag niya.

"Bakit po? Bawal po ba?"

"It's not bawal. It's just... inappropriate. Krisel, you should at least look formal. Kaya tanggapin mo na itong dress. Sige ka, kapag hindi mo ito tinanggap, magagalit ako sayo." Napabuntong-hininga ako dahil mukhang wala na akong magagawa. Ayaw ko naman na magalit sa akin si Ma'am Mira.

Pinaligo niya muna ako dahil nanlilimahid ako sa pawis. Habang abala siya sa pag-aayos ng kanyang sarili ay nasa banyo niya ako. Pagkatapos ko ay pinatuyo ko kaagad ang aking buhok saka pinunasan nang maigi ang aking katawan. Patapos na sa pagme-make up si Ma'am Mira pagkalabas ko ng kanyang banyo.

"Upo ka rito, Krisel." Suot pa rin ang roba ay sinimulan na akong ayusan ni Ma'am Mira. Kung ano-ano ang inilagay at ipinahid niya sa mukha ko. Sabi niya naman ay light make up lang daw ang ilalagay niya para mukhang natural pa rin daw.

"You're really pretty, Krisel. Baka mapagkamalang magkapatid tayo," humahagikgik na wika ni Ma'am nang matapos niya akong make up-an.

Sunod niyang inayos ang buhok ko. Ginamitan niya iyon ng blower para tumuyo raw lalo. Pagkatapos ay sinuklay niya nang maayos ang mahaba kong buhok saka kinulot ang parteng ibaba.

"Perfect! Who would have thought na sixteen years old ka lang?"

Oo nga. Para na akong matanda sa ayos ko ngayon. Ibang-iba. Parang hindi ako.

"Now, wear the dress, Krisel. Susuotin ko na rin 'yung akin." Inabot niya sa akin ang kulay gold na dress na may mga kumikinang na palamuti. Above the knee raw iyon sabi ni Ma'am Mira at talagang mai-emphasize ang balingkinitan kong katawan.

Kulay itim naman ang kay Ma'am Mira at talagang napaka-sexy niya nang maisuot niya iyon. Mahaba ang suot niya kumpara sa akin pero may slit iyon na nagpapakita ng makinis at maputi niyang legs.

"Ang ganda niyo po, Ma'am!" naibulalas ko. Mula sa pagkakapusod ng kanyang itim na itim na buhok, hanggang sa kumikinang niyang kwintas, pababa sa napaka-sexy niyang suot at sapatos na napakataas ng takong. Para siyang diyosa sa kabila ng kulay itim na damit.

"Thank you. Ikaw, ba't hindi mo pa sinusuot?"

"Ah ma'am..." Napakamot ako ng batok. "Hindi po ako marunong."

Lumapit siya sa akin para tulungan akong maisuot iyon. Ang hirap pala magsuot ng ganitong damit. Nasisikipan ako pero sabi ni Ma'am Mira ay tama lang daw iyon. Fitted daw kasi sabi niya.

"My God, Krisel! Mas maganda ka pa sa akin! Ang daya mo!" patawa-tawang tudyo niya nang maisuot ko na lahat. Ang mga palamuti sa katawan, ang sapatos na hindi man ganoon kataas katulad ng sa kanya ay mataas pa rin para sa akin. Naiilang din ako dahil kitang-kita ang likod ko. Backless daw kasi talaga iyong dress. Mabuti na lang at nakalugay lang ang buhok ko para may pantakip.

Mag-aalas kwatro na nang matapos kami. Ang tagal palang mag-ayos.

"Krisel, mauna ka na sa baba. I'll just prepare my bag." Tumango ako saka dumiretso na sa baba. Dahan-dahan ang bawat hakbang dahil hindi ako sanay sa suot kong sapatos.

"Where's Krisel?" dinig ko ang pamilyar na boses sa sala habang pababa ako ng hagdan. Napalunok ako nang mapatingin sa akin iyong katulong na kausap niya.

"Ayun po Sir oh," pagtuturo nito sa akin. Huminto ako sa paghakbang nang lumingon sa gawi ko si Sir Rod. Pigil ko ang hininga ko habang pinapasadahan niya ako ng tingin.

"Wow," parang nakita ko ang bibig niyang lumabi nun.

Parang... nahiya tuloy ako sa suot ko.