Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

15

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng silid ni Sir Rod kinabukasan pagkatapos ng insidenteng nangyari sa sosyaling restaurant.

Hirap na hirap akong magpigil ng iyak nun. Nung sinubo niya yung isinusubo sa kanya ni Trina ay parang ilang dos por dos ang ibinabaon sa dibdib ko. Gusto kong tumakbo palayo sa kanila pero tila nabato ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Sa sobrang sakit, hindi ako makagalaw.

Nagulat na lang ako nang mapatingin siya sa gawi ko. Alam kong nagulat din siya nang makita ako roon. Akma siyang tatayo pero kaagad din siyang huminto. Siguro dahil napagtanto niyang kasama niya si Trina at ayaw niya itong iwan kahit saglit man lang. Ganoon yata ito kaimportante sa kanya.

Nang dahil doon ay dumoble pa ang kirot sa dibdib ko. Dumami yata ang pakong ibinabaon. Gahibla na lang ay tutulo na ang luhang pinipigilan ko. Mabuti na lang at may kamay na tumapik sa aking balikat dahilan para ako'y matauhan.

"Is there something wrong?" si Felix. Kaagad kong pinunasan ang nangingilid kong luha bago ko siya hinarap.

"W-wala... T-tara, kain na tayo."

Nang araw na iyon, napatunayan kong walang masarap na pagkain sa taong sawi. Wala akong ganang kumain kahit paulit-ulit na pinupuri ni Felix kung gaano raw kasarap ang mga pagkaing nakahain sa aming lamesa.

Kahit kaninang umaga ay kaonti lang rin ang nakain ko sa hinandang agahan ni Nay Lordes. Nagtaka nga ito dahil alam nitong matakaw akong bata magmula pa nang matuto akong kumain.

Epektibong pampayat pala ang mga lalaki e. Hindi na kailangan ng gamot o matinding ehersisyo. Magkagusto ka lang sa lalaking hindi ka magugustuhan pabalik, tingnan ko lang kung hindi ka mangayayat sa sakit.

Tapos ngayon heto ako sa iisang kwarto kasama ang lalaking dahilan ng mga kadramahan ko sa buhay. Wala kaming imikan magmula pa nang pumasok ako ng kanyang silid. Nakapagbalik tanaw na ako't lahat sa mga nangyari kahapon ay hindi pa rin siya kumikibo. Tahimik lang siyang nakaupo sa paanan ng kanyang kama.

Ano bang problema niya at hindi siya namamansin? Ako nga dapat itong hindi mamansin dahil ako ang nasaktan. Kung masama ang gising niya aba 'wag niya akong madamay-damay. Quota na ako, quota na.

"Wala ka talagang balak magsalita?" untag niya, hindi yata nakatiis.

"Wala ka rin po kasing balak magsalita," pagmamatigas ko. Aba

kung patigasan lang naman... hindi ko alam kung sinong lamang. Marami kasing matigas sa kanya e. Wala akong panama.

"Won't you explain why are you with that guy again yesterday?"

"Sir, won't you explain too why are you with that girl again yesterday?" Sa tinagal-tagal kong nababad sa ingles ng mga tao rito sa mansiyon ay natuto na rin ako kahit papaano, ano.

"Krisel, namimilosopo ka ba?" igting-bagang na untag niya sa akin. Kainis naman! Ako na itong nasaktan, ako pa itong pinapagalitan. Umiling na lang ako nang hindi na humaba pa ang diskusyon.

"So now tell me, what are you doing in the resto with that bastard?"

"Hindi po Bastard pangalan niya, Felix po. Saka sir, ano po ba ang ginagawa sa kainan? Malamang ho kumakain."

Tumayo si Sir Rod at nagulantang ako nang sabunutan nito ang kanyang sarili. Hala! Nababaliw na ba siya? Ba't niya sinasaktan ang sarili niya?

"Krisel, I'm dead serious here. Don't wait for me to do something you won't like."

Naupo ako ng maayos. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Bakit ba kasi siya nagagalit? Ilang minutong naghari na naman ang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto.

"Hindi ko nagustuhan ang nakita ko kahapon," aniya pagkakuwan.

"Ako rin naman, hindi ko nagustuhan ang nakita ko kahapon," bulong ko.

"Ano 'yun Krisel?"

"Wala, wala po Sir."

"Hindi ka dapat sumasama sa lalaki kung saan-saan. Krisel, babae ka, baka mapaano ka at baka kung ano ang sabihin sayo ng mga tao."

"Si Felix naman po 'yun, Sir. Mabait po yun saka galing kaming simbahan bago kami pumunta roon sa kainan."

"Tsk!" Lumapit siya sa kanyang study table kung saan nakapatong ang librong Ways to Heaven na dinala ko ngayon. Hindi ko pa kasi nababasa ang part 2 nun. "Next time, wag ka na ulit lalabas kasama ng ibang lalaki nang hindi ko alam." Kinuha niya ang libro sa mesa saka ibinuklat iyon. "Let's have our session today."

Tumango ako bago lumapit sa kanya at naupo sa upuang naroon. Naupo na rin siya sa tabi ko. "Ready?" Tumango ulit ako.

"The second part of this book is all about..." Tumikhim siya at parang nakita kong kumibot ang kanyang labi. "It's all about bases, Krisel."

Okay?

Hindi ko alam kung anong meron sa bases na 'yan at mukhang sayang-saya siya na iyon ang tatalakayin namin ngayon.

"There are three bases, respectively, the first, second, and third bases," basa niya sa unang pangungusap sa part 2. Kunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan 'yang mga bases na 'yan.

"Hihimay-himayin natin ito, Krisel. Let's start with first base..." lumapit siya sa tainga ko at bumulong, "kissing."